21

142 5 1
                                    

JESS

Nagising ako sa aking kwarto at di parin makapaniwala sa nangyari kahapon. Ang tanging naaalala ko ay nasa ospital pa si Chervel habang nakabantay sa kaniya si Aeon. Pinauwi na din ako ni Aeon at sinamahan naman ako ni Leigh.

Sabi ng doctor ay nawalan siya ng malay ay dahil sa pagod at hindi kumain ng pagkain.

Nakakaawa siyang tingnan kahapon, ang mugto ng mata at ang lungkot ng mukha niya. Gusto ko siyang makausap at tanungin kung anong nangyari pero hindi ko magawa.

Pumasok ako kasama ang mama ko. Ngayon kaseang gaganaping Parent and Guardian Meeting ng mga first year college. Sa court gaganapin ang meeting kaya naman malawak ang pag me-meetingan.

Dumiretso agad kami sa court, si mama kase excited na makita ang University eh. Nakita ko din si Leigh na may kausap na babae, halatang ka-edad siya ng mama ko kaya sa tingin ko ay mama niya.

Pina-upo ko si mama sa kabilang side ng mga upuan. Sa kanan na side ay yung mga parents at sa kaliwa naman ang mga students. Palinga linga akong naghanap ng upuan, marami na kase ang nandito kaya naman wala na akong mauupuan.

"Jess..." nakarinig ako ng boses lalaki na tumawag sa pangalan ko kqya naman napatingin ako sa kanya. Kamalas malasan nga naman, si Nathan pa, kaibigan ni Aeon "Tabi tayo?"

"Salamat pero wag nalang" pagtanggi ko dahil naiirita ako sa mukha niya.

Nung acquaintance party, siya at yung kaibigan niyang si Andrei ang nakasama kong kumain ng lunch. Kainis kase! Ang takaw, halos pagkain ko kinain niya. Masasahol pa siyang kumain kase kay Chervel.

"Ang sungit mo. Tabi dali!" sabi niya at saka hinila ako sa tabi ng upuan niya. Ngayon ko lang din namalayan na sa kabila ko din ay si Andrei. Nasa gitna ako ng mga ugok na lalaki.

"Nakita mo si Aeon?" tanong ni Nathan at humarap sa akin "Hindi kase niya sinasagot ang mga tawag ko"

"Nasa ospital" sagot ko pero hindi ko naman siya tiningnan.

"Why? Anong nangyari?" singit na tanong ng isa kong katabi na si Andrei.

"Nakita na kase namin si Chervel. Malas nga lang at nahimatay siya..." bumuntong hininga ako "Dinala agad siya sa ospital"

"Thank goodness she's safe" ani Andrei "Kung hindi ay magwawala talaga yung si Aeon" natatawang dugtong niya.

Nakarinig kami nang ingay ng speaker kaya napatingin kami sa mini stage kung saan uupo ang Dean at iba pang professors namin. Maguumpisa na ang meeting pero sa tingin ko ay hindi pupunta si Chervel.

"Morning"

Sabay kaming napatingin sa likuran kung saan naroon si Aeon at nakasunod sa kanya si Leigh. Teka, bakit siya nandito kung nasa ospital si Chervel?

"Aeon, sagutin mo ang tanong ko" inis na sabi ni Leigh pero parang walang narinig si Aeon at saka pumunta sa harapan naming upuan at agad na umupo.

Umupo din sa tabi ni Aeon si Leigh habang seryosong nakatingin kay Aeon. Ginulo ni Aeon ang kanyang buhok at halata sa kanyang mata na hindi siya nakatulog. Anyare?

"She's been gone missing..." sabi ni Aeon kaya naman natahimik kami "...Again"

"Ano?"

MY OVER PROTECTIVE BOYFRIEND| √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon