7

222 9 0
                                    

CHERVEL

Nang maka alis sina Will at Jess sa Mall ay 'di pa rin kami naka alis.

Bakit? Malay ko kay Aeon.

Halos 'di na ako makaalis dahil sa init nang ulo ni Aeon. Gusto niyang mahanap ang lalaki kaya naman nagpatulong na ako sa mga security guard para maka alis na kami kaso nga lang 'di pa rin siya nagpatinag. Para na ngang sasabog dahil namumula na ang teynga niya. Wala na akong magawa kundi hinila siya papunta sa Ice Cream Parlor.

Nung una 'di siya nag patinag kaya agad ko siyang sinubuan nang ice cream. Natawa nga ako nun nang muntikan na siyang maubo dahil sa ginawa 'ko. Yun ang ginawa 'ko kaya napahinahon siya.

OA diba?

When you are stressed, eat something sweet like Ice cream because stressed spelled backwards is dessert.

"Chervel are you listening? Hello?"

I smack back in the reality when i felt someone touch me in the cheeks. Agad naman akong napaupo nang maayos at napalinga linga sa paligid hanggang sa nakita ko ang pag alalang mukha nang babae.

"Are you okay anak? Did you feel dizy?" Napalunok ako nang laway at saka napangiti at umiling.

Nandito pala kami sa isang boutique nina Aeon. Puro pambabaeng mga damit ang makikita dito at ang dami talagang dress! Pinapunta kase ako ni Aeon at sinabing gusto daw makipag meet nang mom niya sa akin. Sunday ngayon kaya wala naman akong ginagawa sa bahay. Si Mama busy pa din sa trabaho niya, ako nalang kase ang naiwan sa bahay kaya agad akong o-mu-o sa kaniya.

Syempre excited na ako bukas. First day of class at collage student na ako. Yey!

First Year na ako!

"A-Ah, okay lang po ako. Sadyang nagandahan lang po ako dito. Sa inyo po talaga itong boutique?"

Napatawa naman nang mahina ang mom ni Aeon at saka tumango. "Yes! One of the famous boutique here in our place. Kaya nga famous kase maganda" papuring sabi niya "Gusto mo ba dagdagan ang mga damit na ibibili ko sayo? If you want I can give you"

Napailing iling naman ako at saka ningitian siya. Ang dami na ngang hinahawakan na damit ng isang staff tas dagdagan pa?

"Okay na po yan. Ang dami na nga po eh, baka 'di na yan makasya sa kabinet ko"

She only smiled at me, may binulong naman siya sa katabi niyang staff kaya tumango tango ito. Napataas nalang ang kilay ko nang pumalakpak ito nang ikatlong beses kaya agad na nasipagtakbo papalapit sa kanya ang tatlong staff. She whispered something.

Punyeta 'di ko alam pinag uusapan nila.

"Uhm...packed all the shirts and dressed that I've choose. And one more thing. Take the Gucci shoe."

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang lumapit ang isang babae at lumuhod sa harapan ko. Maingat niyang tinaas ang paa ko at tinanggal ang sandal ko. May lumapit namang isang babae sa amin at saka may hawak na pares na sapatos.

Sa palagay ko yan yung Gucci dahil may nakalagay naman sa tagiliran nito. Ibinigay niya ang isang pares nang sapatos sa babaeng nakaluhod at sinuot niya sa akin. Napangiti naman ito nang magkasya ang sapatos.

MY OVER PROTECTIVE BOYFRIEND| √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon