JESS
Panay ang chismis nila dahil nawawala si Chervel at bilang best friend niya ay kinakabahan ako kung nasaan siya. Ito namang katabi kong si Leigh ay parang tanga dahil lumilipad ang isip, kanina pa tinatawag pero hindi man lang nakikinig.
Buti at busy ang mga professor namin dahil bukas na ang meeting. Wala ngang ka alam alam ang mga professor namin na nawawala si Chervel.
Makikibalita sana ako kay Aeon pero kahit siya ay hindi pumasok. Balita ko sa mga bubwit niyang kaibigan ay absent siya dahil sa paghahanap ni Chervel. Bakit nga ba nawawala yung uwat na yun? Wala din si Tita Cecilia. Natatakot na ako ah!
"Pwede na kayong umuwi"
Sa wakas ay makaka alis na ako! Hahanapin ko si Chervel, mag ti-tiktok sana ako kaso mas importante yung best friend ko.
"Sabay tayo"
Napatingin ako sa lumapit sa akin, akala ko kung sino si Leigh lang pala.
"May gagawin ako, hahanapin ko si Chervel" sabi ko at sinuot ang bagko habang tina-tawagan si Chervel kahit ilang bese ko ng ginagawa yun.
"Sabay tayong maghahanap" sabi niya na-ikinapintig ng taynga ko.
Napangiti ako a tsaka nag thumbs up sa kanya. Sa wakas ay may kasama akong maghahanap!
Ibinigay ko kay Leigh ang phone number ni Chervelat baka sakaling sa kanya sumagot si Chervel. Hindi pa kami umuuwi at dala-dala pa namin ang bag namin.
Tinatanong din namin sa mga taong nadadaanan namin kung nakita ba nila si Chervel. Pinapakita ko din ang picture niya pero wala namang nakakita sa kanya. Minsan nga nakikilala daw nila si Chervel eh, famous. Sanaol.
"May nasabi ba siyang lugar sa iyo?" tanong ni Leigh ng makaupo kami sa bench dito sa park kung saan malapit lang ang bahay ni Chervel.
"Wala eh. Wala naman siyang nasabi sa akin na pwede niyang pagtaguan" sabi ko at saka chi-neck ang mga social media account ni Chervel. Napalaki namn ang mga mata ko ng wala akong mahanap na account niya. "Uy, uy! Tingnan mo, nawawala yung mga account niya!"
Lumapit naman siya sa akin at saka tiningnan din yung pinapakita ko. Agad naman din niyang sinuri sa kanyang phone ang tinutukoy ko at napalaki ang singkit niyang mga mata.
"Nasan na ba siya?!" sigaw niya at saka padabog na inilagay ang phone niya sa kanyang bag. Luh, napano siya?
"Balik kaya tayo sa University?" tanong ko kaya naman napatingin siya sa akin. Nagkibit balikat lang ako at saka tumayo.
Nagsimula na kaming maglakad dahil mas madali naming mahahanap si Chervel. Naisipan ko ding bumalik kami sa University, pero hindi kami papasok.
Yung sa tabing University. Kung saan nag apply si Chervel ng trabaho, sa Henri's Corp!
Yan lang kase ang naisipan kung puntahan niya. Kung absent naman siya at umalis lang kasama ang mama niya ay sa tingin ko ay babalik at babalik siya. Pero may malaking tanong lang akong naiisip.
Bakit naman niya de-ne-lete ang mga social media account niya?
Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa harap ng University. Akmang papasok si Leigh pero agadko na siyang hinila.
BINABASA MO ANG
MY OVER PROTECTIVE BOYFRIEND| √
Ficção AdolescenteRelationships last not because they were destined to last. Relationship last long because two people made a choice to keep it, fight for it, work for it and protect it; BUT Oftentimes we say goodbye to the person we love without wanting to. Though t...