EPILOGUE

295 11 5
                                    


On the way na kami patungo sa bahay. Kasama ko ngayon si Jess habang naglalakad. Hayst, ang dami naming ginawa ngayong araw. Malapit na kase ang Nutrition Month tas kami pa ang magluluto para sa contest.

Ano kaya ang magandang lutuin? Yung gulay sana para masarap at maiba sa ibang lower grades. Senior na kase kami kaya dapat mananalo kami. Payting!

"Che, tingnan mo" napatingin ako kay Jess at may ininguso siya sa gilid.

Napatingin ako sa gilid. Ayun, ang daming mga babae sa may gilid na tumitili, akala mo naman may artista. They just wasting their time for some random guy na 'di naman din nila kilala.

Napatingin ako deritso sa kanilang tinitilian. My mouth just drop when I saw the guy behind the wheel. Mukha talaga siyang artista! Nakaka sanaol ang kutis niya. Mas makinis ang kutis niya kesa sa akin.

He's eyes landed on mine, parang kabayo ang puso ko dahil bigla nalang bumilis ang pagtibok nito. Tinitingnan lang niya ako pero parang kinukuha na niya ang puso ko. OA lang di ba?

"Ayie! Ang gwapo Che!" parang 14 years old si Jess na tumili. Kilig na kilig with matching hampas pa sa akin.

"Kung kiligin ka wag kang manghampas" giit na sabi ko at hinilot hilot ang hinampasan niya kanina.

"Ehem, ehem. Nakatingin siya. O-may-ghad!" tili na naman niya at saka naman niya ako hinampas—parang suntok na yun ah!

"Aray! Uwat ka ba? Parang nanuntok ka na!" medyo lumakas ang boses ko na tinawanan lang niya "Hayst, bilisan mo nalang mag lakad ha? Baka ma late pa ako sa bahay" sabi ko at saka nagsimula nang maglakad.

Napatingin naman ako sa lalaking nakatingin pa rin sa akin ngayon. Sana, sana lang magkita kami ulit.

Ang gwapo niya kase punyeta!

Bukas na ang Nutrition Month! Busy kaming lahat para bukas at syempre ako ang namili kung ano ang lulutuin namin. Pero... hindi nila gusto ang lulutuin bukas. Parang common daw ang putahe namin.

Malay ko ba? Wala naman akong alam kung anong magandang lutuin.

"Che naman! Bakit monggo pa?!" halos sigaw ni Jess na sabi sa akin  habang may pa iling-iling pa.

Napanguso naman ako habang pakamot kamot sa ulo. Ano bang gagawin ko ngayon? Sinabihan na ako ni mama kung anong putahe sa monggo tas alam ko na din kung paano yun lulutuin. Hayst.

"Class!"

Sabay kaming napatingin kay Sir Bernard. Ang aming adviser na walang pake kung anong lulutuin namin bukas.

"We have a new student" nakangiting sabi ni sir at sinenyasan ang bago naming classmate na pumasok. Umalingawngaw ang tilian ng mga babaeng ka-klase ko nang pumasok ang bago naming classmate. Napalaki din ang mga mata ko nang makita ang mukha niya "Please introduce yourself"

Umayos siya nang tayo at saka naman ngumiti. Mukhang naglaglagan ang panty ng mga ka-klase kong mga babae  dahil sumisigaw na ang iba. Ako dito? Nakatingin lang nang deritso sa kanya.

Ang gwapo niya. Sanaol

"Pleased to meet you everyone." tumingin siya sa paligid at napahinto sa gawi ko. Napatingin naman ako sa likuran ko pero halos lalaki naman ang nasa likod. Eh? Bakla siya? Type niya lalaki? "I'm Aeon Diem Reign"

MY OVER PROTECTIVE BOYFRIEND| √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon