CHERVEL
2 o'clock na akong nakatulog dahil hindi makatulog si mama dahil iyak ng iyak. Lutang akong nagluto ng pagkain at nag ayos ng gamit para pumasok. May written works kase ngayon kaya dapat hindi um-absent.
Sinabihan ko na si mama na may pagkain na sa mesa at hindi nalang pumasok sa trabaho. Baka kase makita niya si papa at magwala agad katulad kahapon.
Hindi ko alam kung bakit kami iniwan ni papa. Si mama lang ang may alam dahil 4 years old palang ako ay hindi ko na nakita si papa.
Habang kinukuha ko ang gamit ko ay may kumatok sa pinto ng bahay. Agad ko ng kinuha ang bag ko at saka binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang nakangiting si Aeon pero agad namang napawi ang ngiti niya at napalitan ng pagtataka.
"You look pale. Are you okay?" tanong niya at saka sinapo ang noo ko ng kamay niya.
"Okay lang ako. Pagod lang ata sa pag pa-practice" pag-sisinungaling ko at saka naman hinalikan siya sa pisnge "Good morning pala"
Ngumiwe naman siya dahil sa ginawa ko. Naka toothbrush naman ako ah? Mabaho ba ang hininga ko?
"Aish, dapat ako eh" bulong niya at saka naman bahagyang ginulo ang buhok ko "Kumain ka na?"
Tumango tango ako at saka naman sinara na ang pinto. May mga basag pang baso sa sala at baka makita niya.
"Yep, ikaw?" tanong ko at saka naman niya hinawakan ang kamay ko.
"Yeah, mom cook for me" sabi niya at pumunta na kami sa kotse niya "It's nice seeing her smile. Mom is totally busy this past few weeks"
Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya naman sinabihan ko siya ng 'thank you' Pumasok siya sa drivers seat at saka sinara ang pinto. Pagtingin ko sa kanya ay napalunok ako ng makita ang lapit ng mukha niya sa akin.
Ang panlalaki niyang pabango ay naaamoy ko. Napahinga naman ako ng maluwag ng agad siyang lumayo sa akin. Ikinalabit lang pala niya ang seatbelt ko.
"You're not in your self right now" sabi niya.
Naglalakad kami ngayon at hawak pa rin niya ang kamay ko patungo sa classroom. As usual ay may napapatingin sa amin. Sa kanya pala.
"Gusto kong matulog" I yawned. Ang pagod ng katawan ko eh.
"Tsk, I'm gonna sleep in your house this evening" ani Aeon na nakapag pahinto sa akin.
"Huh? Sino may sabi?" tanong ko pero tumawa lang siya.
"You" agad na sagot niya kaya naman napakunot ang noo ko "Aish, kahapon di ba? You said that I can sleep in your house, remember?"
P-Pano nangyari yun? Wala naman akong naalala ah? At isa pa baka makita niya and mga basag na baso sa bahay. Baka hindi pa naayos ni mama. Baka iiyak na naman si mama at makita iyun ni Aeon.
"Babe? Babe?"
Nabalik ako sa ulirat ng tapikin ni Aeon ang pisnge ko. Halatang nag alala na siya dahil sa kalutangan ko ngayon.
"B-Bukas nalang. Oo, bukas ka nalang matulog sa amin" nakangiting sabi ko kaya naman napataas ang kilay niya "A-Ano kase, g-gusto kong gumala mamaya"
"And?" tanong niya at naghihintay ng dugtong sa sasabihin ko.
"M-Malamang i-ikaw ang kasama ko. P-Pwede ba?" piyok na sabi ko pero napangiti naman siya.
"You mean date?" tango lang ang sagot ko "Okay, basta bukas I'll sleep beside you"
BINABASA MO ANG
MY OVER PROTECTIVE BOYFRIEND| √
Teen FictionRelationships last not because they were destined to last. Relationship last long because two people made a choice to keep it, fight for it, work for it and protect it; BUT Oftentimes we say goodbye to the person we love without wanting to. Though t...