CHERVEL
Malakas na sampal ang natamo ko nang makapasok ako sa van ni papa. Pinipigilan kong hindi maiyak pero hindi ko talaga magawa. Ang bilis ng takbo kaya halos makabunggo na kami ng sasakyan.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta o saan ako dadalhin ni papa. May nakabantay sa akin pero hindi naman nila nilagyan nang lubid ang kamay ko. Gusto ko nang makatakas pero hindi ko magawa.
Ang sakit makita na nasasaktan ang mahal mo. Mas masakit dahil ako ang may kasalanan kung bakit siya nasasaktan. Gusto kong bawiin ang lahat na sinabi ko kay Aeon. Nakikita ko sa mga mata niya kanina ang pagmamakaawa at pagkalungkot. Parang winasak ang puso ko dahil sa nakita.
"Ang ingay mo! Tumahimik kang bata ka!" isang malakas na sampal na naman ang binigay sa akin ni papa kaya naman napahawak ako sa pisnge ko at napayuko.
Humihikbi pa rin ako at kinagat ang labi ko para hindi makagawa ng ingay pero hindi ko magawa. Napalaki ang mga mata ko nang maramdaman ang isang malamig na bagay na dumapo sa sintiduhan ko.
"W-Wag p-po" mangiyak na sabi ko nang makita si papa na masamang nakatingin sa akin habang may hawak na baril. Napalunok pa ako nang makitang huminto ang sasakyan.
"Wag kang mag mamakaawa" walang emosyong sabi ni papa habang nakatingin ng deritso sa akin "Nag sinungaling ka. Wala na kayong magagawa ng mama mo!"
Nanginginig ang kamay at tuhod ko ng may humawak sa kamay ko at marahas na pinatayo. Napatulo ang luha ko ng binuksan na nila ang pinto nang van at pinalabas ako. May nakita akong isang lumang bahay, malayo ito sa pinanggalingan namin. Nanlumo ako nang makita ang isang babaeng may sugat sa mukha at nakadapa sa may pinto nang bahay.
Sana ako nalang ang sasaktan wag lang siya.
"Ma!"
Bigla ko nalang tinanggal ang mga kamay na humawak sa akin at napatakbo patungo kay mama. Nakita ko siyang lumuluha at nanginginig kaya naman napaiyak ako. Nang iniangat niya ang kanyang mukha ay nakita ko ang gulat sa mukha niya.
"A-Anak-"
"Ma, a-anong nangyari s-sayo?" naiiyak na sabi ko at lumuhod sa harapan niya. Napahawak ako sa kamay niya, nanginginig at ang lamig nang kamay niya.
"Anong ginagawa m-mo dito anak?" tanong niya at saka napatingin sa likuran ko "U-Umalis ka na d-dito anak"
"Dinala p-po ako dito" huminto muna ako ng pagsasalita ng may maramdamang uminit sa leegan ko. Napahawak ako sa leeg ko at may naramdaman akong naka kabit doon.
Ano 'to? Bakit ang hirap tanggalin?
"Wow, family reunion ata ito"
Sabay kaming napatingin ni mama sa likuran ko at nakita si papa na ang lawak na ngiting tinitingnan kami. Masaya ba siya sa ginagawa niya? May sayad ba siya?
"A-Ako nalang ang saktan mo" sabi ni mama at humawak sa dalawa kong kamay "Wag na ang anak ko-"
"Anak natin" putol ni papa sa pagsasalita ni mama. Napahigpit ang pagkakahawak ko kay mama nang bigla nalang may sumulpot na mga lalaki sa paligid namin.
"Papasukin niyo silang dalawa. Baka may makakita" biglang sumeryoso ang boses ni papa at napatingin sa akin "May alas na ako para mapatumba ang kalaban"
BINABASA MO ANG
MY OVER PROTECTIVE BOYFRIEND| √
Novela JuvenilRelationships last not because they were destined to last. Relationship last long because two people made a choice to keep it, fight for it, work for it and protect it; BUT Oftentimes we say goodbye to the person we love without wanting to. Though t...