1

745 23 3
                                    

                         CHERVEL

"Bakit ka nandito?"

"I'm here to pick you up"

"At saan naman tayo pupunta?"

Ngumiti naman siya at saka ginulo ang buhok ko. Aba't ginulo ang buhok ko ah! kakagaling ko nga lang mag suklay guguluhin na naman. Ibang klase talaga itong uwat na 'to.

"I have a surprise for you."

Nanliliit ang mga mata ko siyang tiningnan. May nakain ba siya? Talagang ngayon? As in now na? Ngayon na may dalaw ako?! Nahihibang naba siya?

"Psh. Di na yun surprise. Sinabi mong may surprise eh" nakangusong sabi ko na tinawanan lang niya.

Lumapit naman siya sa akin nang kaunti habang pangiti ngiti "I'll promised. Masu-surprise ka padin"

Palihim naman akong napangiti sa sinabi niya. Is that true? O yan lang yung sinabi niya para makatakas kami dito sa bahay? Boring naman dito sa bahay eh. Wala naman akong ginagawa dito.

Pero dapat hindi 'ko iiwan si mama dito. Baka masapak pa ako pag aalis ako sa bahay.

"Alam na ba ni Mama? Sinabihan mo na ba siya?" Takang tanong ko sa kanya.

Baka nagsisinungaling lang siya. Tumango tango naman siya at ngumuso sa likuran ko. Nakataas kilay naman akong napatingin sa likuran ko. Pag tingin ko naman sa likod ay yun din ang pag alis ni Mama. Hayst nakikinig pala siya.

"Let's go?" Napatingin naman ako sa kanya. So aalis na kami. Baka may pagkain doon, nagugutom kase ako. Pero ang tanging naiisip ko, baka matagusan ako!

Kalma self di yan mangyayari. Sabi ko sa aking sarili at saka naman napangiti nang wala sa oras.

Uwat kase eh.

I took a deep breath bago tumango. Alam naman ni Mama kaya let's go! Napa isip naman ako na dadalhin nalang ang shoulder bag ko para doon ilagay ang extra napkin at short. Baka kase matagusan ako.

Sabi nga nila ligatas ang may alam!

"Wait lang may kukunin lang ako—Kyah!" hindi panga ako nakapagtapos magsalita nang bigla nalang niya akong hilahin kaya muntikan na akong matumba sa ginawa niya.

Punyeta tong uwat na ito. Dapat bawal akong tatakbo eh!

Lumabas kami nang bahay at nakita ko naman yung kotse niya.

Sanaol may kotse di ba?

Agad naman kaming pumunta dun at pinagbuksan niya ako nang pintuan. Naamoy ko naman ang panglalaking amoy sa loob nang kotse niya.

Ang bango!

I said 'Thank you' bago ko sinara ang pintuan. Umikot naman siya at pumunta sa driver seat. In-on naman niya ang makina nang kotse at saka pinaharurot ito.

I'm watching the other car passed by. Nakatingin lang ako sa bintana at di kumibo. Medyo awkward ang katahimikan dito sa loob. Tanging ingay lang nang kotse at sa labas ang narieinig ko.

Maybe mag s-start ako nang conversation? Or maybe not? Hayst! Ang tahimik kase eh, bahala na ngalang si bataman.

"Saan ba tayo pupunta?" Diko na magawang tumahimik nalang sa kina-uupuan ko.

Tumingin naman ako sa kanya nang mag red light na ang traffic light kaya huminto ang sasakyan. Tumingin naman siya sa akin at saka ngumiti.

"In our house" Pagkasabi na pagkasabi niyang iyun ay napalunok naman ako nang laway.

Sino ba ang hindi kabahan? Kung pupunta ako nang bahay nila it means na pang anim ko na 'tong punta.

Hindi pa kase ako nasasanay na tumambay sa bahay nila. Ang tahimik kase tas mga katulong lang ang nandoon. Hindi pa din ako nasasanay sa mom niya at sa kaniyang dad. Sosyal noh? Mom and Dad. Even though na mag jowa na kami pero pag dating talaga sa Mom at Dad niya ay  medyo nahihiya pa ako.

Napansin yata niya ang pagkatahimik ko kaya hinawakan niya ang kamay ko. It's making me goosebumps pero at the same time kinilig.

"Don't worry. Di tayo pupunta dun para sa kanila. I have a surprise for you remember?"

Tumango tango naman ako bago ngumiti. He smiled at me bago niya binatawan ang kamay ko at hinawakan ang manubela nang mag green light na. Awkward silence began kaya pumukit nalang ako bago sinandal ang ulo ko sa may pintuan.

Prepare self pupunta na tayo.

                              (•ө•)♡

Nanginginig ang kamay ko, pati din tuhod ko nanginginig na din. Nasa bahay na kami nila at parang nag pre-present naman ako dahil sa panginginig. Sobrang kaba ko na at ang bilis nang tibok nang puso ko. Gusto ko nang umalis pero baka maligaw ako dito sa bahay nila. Alam mo yung sa mga pang artista na bahay? Ang laki kase eh.

Chervel hinga ka! Inhale. Exhale.

Bigla nalang may humawak sa kamay ko kaya napa tingin ako sa kanya.
Napansin yata niya ang katahimikan ko kaya napahawak siya sa kamay ko.
He smiled at me kaya medyo nahimasmasan ang kaba ko.

"Nandito na pala kayo! Welcome anak!"

Napatingin naman ako sa may pintuan nang kusina nila. Bumungad sa amin ang masayang mukha nang Mom ni Aeon. She's so fancy. Halatang mayaman talaga.

"Hi Mom." bati ni Aeon kaya napalaki ang mata ko at napa isip. Ano bang itatawag ko sa kanyang Mom?

"Nandito ka pala Chervel. Welcome"
lumapit naman ang Mom niya sa akin at nakipag beso. Punyeta naka pambahay lang ang suot ko habang sila. . . ang gara!

"G-Good m-morning po t-tita"
sabi ko sabay ngiti. Pumipiyok pa ako dahil sa kaba nang nararamdaman,  punyeta.

"Don't call me tita. Sa total girlfriend ka naman nang anak ko kaya Mom nalang" Napalaki naman ang mga mata kong tiningnan siya. Ang adcance naman yata? Mom agad?

"O-Okay po M-Mom" sabi ko sabay tango tango at kamot nang ulo ko. Nakakahiya. Geez ang awkward naman.

"Hahaha. Ang cute mo naman. Gusto niyo ba nang Juice? I can make if you want to" sabi ni Mom saka tiningnan si Aeon habang nakangiti "Ikaw anak gusto mo ba nang juice?"

Napatingin naman ako kay Aeon. Umiling iling naman siya at saka ngumuti "No need Mom. Are you done talking to her?"

Napataas naman ang kilay ko at saka tiningnan naman ang mama niya. Ang nakangiting mukha nang mom ni Aeon ay napanguso na "Wait, inom muna kayo nang juice—"

Nabigla ako nang bigla nalang akong  hatakin ako ni Aeon papa alis sa mom niya. Sa nilalakaran namin ay alam kong pupunta kami sa kwarto niya. Nakita ko ding pati yung mom niya ay  napahinto sa pag sasalita. Ano ba surprise nito?

Nakarinig ako nang sigaw nang mama niya na nakapatindig balahibo sa akin.

"NAK WAG KAYONG GAGAWA NANG HIMALA AH!"

Napalaki naman ang mata ko nang marinig ang sinabi nang mama niya. Punyeta. Anong bang pinag sasabi niya? At saka, A-ano daw?

"Uhmm. . . ano ang gagawin natin sa kwarto mo?"

Napahinto naman siya sa paglakakad at napabaling naman ang tingin niya sa akin. Ngumiti siya nang nakakaloka kaya napalaki ang mata ko.

"Gagawa tayo nang himhala"

MY OVER PROTECTIVE BOYFRIEND| √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon