CHAPTER 8: Broken Friday

14 0 0
                                    

Friday!

Sobrang saya ko dahil pumayag si Isaac Einstein na sumama sa akin sa mall para maghanap ng isusuot. May damit na kasi siya, gusto ko medyo magmatch kami.

Daig ko pa ang clingy na jowa niya, pilit ko lang kinakalma abg sarili ko kasi baka talunan ko siya at tuluyan na talagang magpakarga sa kanya. Pucha landi ko naman!

Pagkatapos bg klase ko ay dumiretso ako dito sa mall, siya naman ay galing sa work niya. Nagmomodeling kasi si Isaac. Hindi na ako magtaka kung isang araw ay makita ko na lang siya sa fashion show naglalakad at minomodel ang mga damit.

"Ikaw baka may gusto kang ipabili sa akin, wag ka mahiyang magsabi libre ko!" ang lakas pa ng loob ko manlibre.

"Naku hindi na, kumain na din ako kanina. Talaga sinamahan talaga kita." he flashes his boyish smile, no wander bakit nakuha siyang model.

"Oy tara dito!" hinila niya ang kamay ko, grabi ang kabog ng dibdib ko, pucha totoo ba to? totoo ba to? pasimple ko naman pinagsalikop ang kamay namin habang hilahila niya ako.

I didn't know that holding hands can be this pleasurable!

Pumasok kami sa isang shop, pati ang sales lady napapatulala sa angking ganda ni Isaac.

"Sukat mo lahat ng matipuhan mo, tapos ako magjujudge." all smile while he folded his arms. I had a crush on this man for so long. I've sent signals to him a lot of times, signals that he often didn't care much.

"Sige, syempre you got an eye on fashion eh." he just patted my head. Ayaw ko talaga ng ginaganon ang ulo ko, pero pag siya naman bakit hindi ko magawang magalit? arrggh!

Namili ako ng mga damit na may floral prints, yong mga simple lang yong design. Ayaw ko naman ng sobrang bongga, hindi naman ito met gala o oscar eh.

I wore a red dress with white flower prints, daring nga dahil wala ngang likod sobrang baba pa ng neckline. Pero gusto ko siya, isa pa gusto ko din makita reaction niya na makita akong sexy.

"Sexy ka bakla, confidence lang!" kausap ko sa sarili ko sa harap ng salamin. Mas pumuti nga ako lalo eh.

Hinawi ko ang kurtina sa fitting room at saka lumabas, nasa harap siya ng fitting room nag hihintay.

"Ganda ah..." komento niya, tumaas tuloy ang self efficient ko... I mean esteem.

Kaso minalas dahil natalisod ako at mutik ng matumba, para pagtakpan ang kahihiyan ko ay nag posing na lang ako. Natawa siya ng sobra.

"Maganda ang dress eh, kaso kung ako sayo hindi yan pipiliin ko. Labas nipples mo..." turo niya sa kaliwang dibdib ko.

"Ay putangina!!" tili ko pa! tumawa lang siya ng tumawa...

Mabilis na pumasok ako sa fitting room. Hinubad ko kasi ang bra ko dahil nga low neck itong dress, ang panget naman kong nakabra ako tapos nakasuot ng low neck dress...

Ang stupid ko naman! nakita niya tuloy ang nipples ko!! arrrrgh! teka? nakita niya pero tinawanan lang niya ako? Hindi man lang siya naakit. Tinignan ko ang nipples ko, may pagkalight brown naman ah! arrrgh! sanay na sanay na yan si Isaac makakita ng nipples at boobs dahil nagmomodeling siya.

Napatingin uli ako sa dibdib ko, hindi naman ako super flat chested, may bumps naman ng unti pero hindi nga lang siya ganoon kalaki gaya ng mga kardashian.

Sinuot ko yong next na damit, napangiwi ako dahil ang pangit pala. Nagmukha akong garden. Pero lumabas parin ako at pinakita ko sa kanya yon...

Approve niya kaso hindi naman bagay sa suot niya kaya umayaw ako. Nakalimang palit na ako. Itong hawak ko ay isa sa dress na maganda at sapalagay ko babagay sa damit niya.

Ortaleja's Bastard 2: Part of your WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon