Five thirty am palang ay sinundo n'ya na ako sa bahay para sabay kaming pumasok, parehas na pang-ala sais ang pasok namin pag friday. Inaagahan naming pumasok dahil ayaw naming mabugbog sa commute.
"Pucha!" mura niya sabay hinto ng lakad. Palabas na kami ng Street para sana mag-abang ng jeep.
"Bakit?"
"Naiwan ko yong libro ko. Babalikan ko muna." aalis na sana siya kaso naalala niya ako. Ala-singko pa lang kasi ng madaling araw, Madilim pa ang langit at mukha pa namang uulan. "Tara balikan natin. Di pwedeng maiwan ka dito." hinawakan niya ang kamay ko at pumunta na kami sa street nila.
Tamang tama dahil pagpasok pa lang namin sa tinituluyan niya ay bumuhos ang sobrang lakas ng ulan. Dinig na dinig ko talaga ang ingay ng patak nito sa bubungang.
"Shit! dapat nakaalis na tayo eh. Sorry nadamay ka tuloy." Sinilid niya sa bag niya ang libro na nakalimutan niya.
"Ano tara na ba?" tanong niya uli. Tumango lang ako. Hinipo niya ang noo ko. "May sakit ka ba mahal?" napansin niya ata na hindi ako nagsasalita. Medyo inaantok pa kasi talaga ako eh.
"Wala, inaantok pa ako. Ilang oras lang tulog ko." hinalikan niya ang noo ko. Inayos niya ang higaan niya at saka binigyan ako ng t-shirt.
"Para saan yan?"
"Suotin mo muna, hindi muna tayo aalis. Patilain muna natin ang ulan."
"Edi i-idlip muna ako."
"Sige, buti na lang bagong laba yang bedsheets at unan ko." inamoy ko naman. Oo nga mabango. Hinubad ko ang sapatos ko at tinanggal ang pang-itaas ko na uniform. May sando naman ako. Binigay ko sa kanya, kumuha siya ng hanger at sinampay niya ito.
Humiga na ako sa kama. "Bakit?" nakatingin lang kasi sa akin si Sanno eh. Nag-iwas naman ito agad ng tingin. Napangisi ako. Lumabas ang pagiging pilya ko.
"W-wala, magkakape sana tayo. Ipagtitimpla kita, anong gusto mo?" nataranta pa siyang kumuha ng baso sa lagayan.
"Oy!" lumingon siya. Nagposing ako sa kama niya habang nakahiga. Nang nagets niya na inaasar ko siya ay kinuha niya ang unan at hinampas sa mukha ko.
"Tigilan mo 'yan, pagpinatulan ko yan talagang magsisisi ka. Ano gatas na lang itimpla ko sayo." sumimangot naman ako. Seryoso ang puta! hinaharot ko lang naman siya ah. Yung iba ngang lalaki gustong nilalandi sila. Arte! baka nga ako pa pinapantasya nito eh.
"Lagay mo na lang muna d'yan ha. Idlip lang ako." Nagblurry na ang vision ko at nakatulog na ako. Huling nakita ko ay si Sanno nagtitimpla ng gatas at kape.
Hindi ko alam kung anong oras na. Nagising ako na katabi ko si Sanno. Nakatalikod siya sa gawi ko. Bahagya ko siyang tinulak.
"Ay shit!" natawa pa ako dahil hinanap niya agad cellphone niya. Nadinig ko uli na nagmura. "Puta hindi na tayo nakapasok! lechugas nakaidlip din ako!" Alas nueve na kasi.
"Umuulan pa rin?" tanong ko.
"Oo, mag-open ka nga ng gc mahal baka suspended ang pasok. Maghahanda lang ako ng agahan, nagutom ako bigla eh."
"Oy tama hinala mo, suspend ang pasok kanina pang-alas otso." basa ko sa newsfeed ko. Puro naman rant ang gc ko dahil nakapasok na yong iba kong kaklase bago nagsuspende.
"Salamat naman. Uuwi ka na ba?"
"Ayaw mo ba na magstay ako?" ang uneasy niya kasi eh.
"Hindi ah, o-okay lang, dito ka muna." umiwas agad ng tingin. Lumapit ako sa kanya sabay akbay. "Alam ko na bakit ka ganyan!"
BINABASA MO ANG
Ortaleja's Bastard 2: Part of your World
Fiction générale'Up where they walk Up where they run Up where they stay all day in the sun Wanderin' free Wish I could be Part of that world'