I am having my good time at the library when suddenly three bitches bark at me as if I am a pineapple tree who just grow in a wrong place.
"What are you reading?" hinawi niya ang book na binabasa ko para makita niya ang title. Nakakapunyeta talaga tong mga asungot na to!
"Oh, Jean Webster Daddy Long Legs huh. What an old soul you are pala." Marie said, para pa ngang nang-uuyam ang tono eh.
"Oo. May kailangan ba kayo?" tinuloy ko na lang ang pagbabasa.
"Wala naman, tinignan ka lang namin kasi nagbabasa ka. We thought pretty girls are just pretty lang." umikot ang mata ko. Sinara ko ang book at mahina ko silang kinausap.
"Alam n'yo psychology student tayo diba..." nagsitaasan sila ng kilay. Matapang ko silang hinarap.
"... pero feeling ko may mga unresolve issues kayo na dapat ayusin sa sarili n'yo. Look!" tinuro ko sila. "Look what you become. Inggitera, ang daming insecurities which is lahat naman nakakaranas mainsecure. Pero damn! nasa ibang level kayo mga ate."
"So good psych student ka na n'yan?" pang-asar nilang sabi. Inirapan ko na lang sila at umupo na, mas minabuti ko na lang ituloy ang pagbabasa kaysa makipag-argumento sa mga taong kagaya nila.
Nagpasalamat na lang ako na umupo sila at hindi na ako kinausap, pero naasar din ako dahil umupo sila sa tapat ko at nag-usap ng pagkalakas lakas.
"My guy will be my date sa psych night. Kanina nga nagbigay siya ng white pearl bracelet..." obviously they are talking about their boyfriends.
"Ang swerte mo naman Lei. How about you Marie?"
"Oo yung boyfriend ko din ang date ko this psych night. Napag-usapan na namin na parehas kaming maghahanap ng susuotin." I heard their laugh, napatingin ako. Ow nakatingin pala silang tatlo sa akin.
"What?"
"Ikaw Pretty girl who's your date?"
"My best friend." tipid kung sagot.
"Ow talaga best friend lang? baka naman sugar daddy mo?" at nagtawanan sila. Okay.
"Kayo, sino date n'yo?" wala gana kung tanong habang nagbubuklat.
"Of course our boyfriend!" sabay pa nilang sabi. Tsk! swerte din kasi tong mga to sa lovelife eh. Edi sila na talaga!
Tumayo na ako, mukhang hindi ko din mababasa ng maayos ang binabasa ko kasi nandito na yong mga inggitera. "Oh aalis ka na?"
"Oo eh, daming maingay!" nginitian lang nila ako."Magpaganda ka sa Psych Night dahil tatalbugan ka namin." nag-apir pa sila. See ang babaw talaga ng mga mabaw na to! Akala nila nakikipagcontest ako.
"Maganda na ako, No effort necessary!" ginaya ko ang line ni Kourtney Kardashian. Nakita ko naman ang pag-iba ng aura nila, kung hindi lang siguro to Library baka nasigawan na nila ako.
Magugulat kayo dahil ang partner ko sa psych night ay sobrang gwapo.
-
"Ha? bakit naman?" matama lang akong nakikinig sa kabilang linya. "S-sige... Ayos lang naman ako. Ha ha ha, buti nga naabisuhan mo ako ng maaga, sige Isaac salamat, sorry din kung naabala kita." pagbaba ko ng tawag ay umiyak ako ng umiyak. Hindi! hindi pwede to!
"Bakit naman ganon!" hinagis ko ang unan ko, tumalon ako sa kama at pinagsusuntok si Phineas and ferb ko na pillow.
"Tangina mo talaga! loser ka na naman nito..." ngayon ay sinakal ko na si Phineas, naasar pa ako dahil nakangiti parin siya. "Wag kang ngingiti ngiti sa akin ha! akala mo ba natutuwa ako! akala mo ba totoong ayos lang ako! hindi totoo yon! naiinis ako pero hindi ko pwedeng ipakita sayo dahil baka maturn off ka sa akin at mas lalo kang lumayo!!!" dinaganan ko na si Ferb at sinimulang sakalin.
BINABASA MO ANG
Ortaleja's Bastard 2: Part of your World
General Fiction'Up where they walk Up where they run Up where they stay all day in the sun Wanderin' free Wish I could be Part of that world'