Kinabukasan ay binalita ko kay Andrea na sasama na ako sa psych night, walang mapagsidlan ng tuwa ang loka. Nagpasalamat ako dahil sa tuwa niya ay siya ang nagbayad sa snacks at tanghalian ko.
Kanina masaya ako na masaya siya pero naglaon ay nairita ako. Paano ba naman apat na subject na ang nagdaan puro psych night parin ang usapan. Hindi lang din si Andrea ang excited sa psych night, halos lahat ng klase. Alam n'yo bang nadaan nila sa kwento ang isang subject namin!
Imbes na lesson ang ita-tackle, psych night ang laman ang usapan. Parang naging instant obsession ata ng buong psychology student ang ball na gaganapin.
"May damit ka na ba na isusuot?" tanong ni Andrea.
"Wala." tipid ko namang sagot.
"Gusto mo magshopping tayo this sat? libot libot tayo baka may mabili tayong pwedeng pang suot sa event."
"Di na." lumapit to sa akin at tinapat niya ang mukha niya sa mukha ko. Agad ko namang tinulak. "Ano ba yan Andea!"
"Siguro may damit ka na noh?" dagdag kulit niya.
"Oo!" nagsabi na lang ako ng oo dahil nakukulitan ako, ang totoo wala na din.
Nang araw na yon ay nauna akong umuwi kay Andrea. Pagkadating ko sa tapat ng tindahan ni Aling Cita ay wala pa din ang taong hinihintay ko. Nakakainis naman yon!
"Aling Cita pumunta ba dito si Sanno?" gulat ma gulat ito sa tinanong ko.
"Hindi bakit naman siya pupunta dito?"
"Ah may utang po kasi yon sa akin." napailing na lang ang ale.
Naghintay ako ng mga five minutes, kunwari bili bili. Lumampas na sa five minutes doon na ako nagdesisyon ns puntahan siya sa bahay nila.
"Ay pucha!" napabalik ako sa tindahan ni Aling Cita dahil bumuhos ang pagkalakas lakas na ulan. Hala anong nangyari?
Ang bigas ng buhos ng ulan, halatang may bagyo. Halos blurry na ang kalsada dahil sa lakas ng ulan. Umuwi na lang kaya ako?
Siguro patilain ko muna bago ako umuwi. Narinig ko ang radyo ni aling Cita. May malakas ngang bagyo.
"Wala ka bang payo? papahiramin kita?"
"May payong ako Aling Cita, papatilain ko lang ang ulan." Nakatulala lang ako habang diretsong nakatingin sa lupa.
Naiangat ko lang ito ng may nakita akong safety shoes sa harap ko. Si Sanno!
Nakasuot siya ng gray t-shirt na ngayon ay basang basa na, bitbit ang yellow helmet at may packbagsiyang dala, sobrang dumi ng pantalon na suit niya.
"Hi Miss Beautiful..." namula ang mukha ko, I just defensively shout at him para itago ang pamumula ko.
"Bakit ang tagal mo? saan na yong t-shirt ni Dad?" nagkamot ito ng ulo.
"Naiwan ko sa bahay eh, kakauwi ko lang sa trabaho. Dumaan lang ako dito kasi tinignan ko kung nandito ka. Medyo nalate ako kasi walang jeep."
"Bukas mo na lang ibalik! kabadtrip ka dapat nagmessage ka sa akin!"
"Wala akong selpowm diba?" hindi na kami nagimikan.
Basang basa talaga siya, halata naman na wala siyang dalang payong. May sumidhi na awa sa puso ko, hindi ko alam ang kwento niya aside sa kwento niya kay Lucy.
"Oh..." inabot ko sa kanya ang panyo ko. Tumingin siya sa akin, tinignan muna niya ang kamay ko bago niya abutin.
"Salamat." parehas baming tinignan ang ulan. Malakas parin, ni hindi man lang humina ng unti.
BINABASA MO ANG
Ortaleja's Bastard 2: Part of your World
Fiction générale'Up where they walk Up where they run Up where they stay all day in the sun Wanderin' free Wish I could be Part of that world'