CHAPTER 1 : Two Worlds

67 0 0
                                    


"Hi crush!" umirap muna ako bago ko binilisan ang lakad ko, heto na naman tayo sa mga grupo nila Badong!

"Crush mo yan dong? aba'y tangina di kayo bagay, kita mo ba yan! ang ganda." dinig kong usapan ng mga tambay sa unang kanto. Binilisan ko na lang at mas dinoble ang hakbang ko.

Dumaan ako sa tindahan na malapit sa may creek, nangunot ang noo ko dahil may bagong grupo na naman ang nakatambay doon. Lahat sila ay may hawak na plastic ng may lamang soft drinks.

"Hi Miss!" tawag sa akin ng kalbong bungal habang tinataas niya ang hawak niyang supot na may soft drinks wari mo'y inaalok n'ya ako. Tinignan ko lang sila at di na pinansin.

Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko sila ng tingin, doon ko na pansin na may isang lalaking nakaupo sa gilid ng paso ang nakatitig din sa akin. May hawak siyang bote ng cobra at chippy. Ngumunguya lang siya habang tinitignan ako ng matiim. Nagsitaas naman ang balahibo ko, feeling ko kasi parang hinuhubaran niya ako.

Nakita kong siniko siya ng katabi niya. "Type mo ba yan Sanno?" balasubas na sigaw ng kasama niya. Nakatitig lang siya sa akin habang ako ay tuloy lang sa paglakad. "Hindi, masyadong maputla." sabi ng nagngangalang Sanno, sinadya n'ya pa talagang iparinig. Nagtaas baba ang dibdib ko sa galit. Kung may lakas lang ako para bugbugin sila ay baka kanina ko pa ginagawa.

"At hindi din kita type! para sabihin ko sayo maligo ka muna bago ka magsalita!" bulyaw ko. Agad ng hiyawan ang mga kalalakihan na tropa niya. Nakita kong nakita tawa na din 'yong lalaking tinatawag nilang Sanno na siyang nagsabi na di daw ako type.

Tangina kala mo naman papatol ako sa kagaya niya!

Ang init talaga ng ulo ko, bumagsak na nga ako sa quiz sa Assessment, dumagdag pa itong mga salot na tambay dito sa aming baryo! bakit ba kasi dito kami nagtayo ng bahay! kung tutuusin ay kaya na bumili ni Daddy at Mommy ng bahay sa isang magandang subdivision, pero heto kami nagtirik ng malaking bahay sa baryo na pinamumugaran ng mga kakaibang tao.

"Oh anak nandito ka na pala!" nagmano ako kay Mommy, hapon na ako nakauwi. "Si daddy me?"

"Wala pa, mamaya pa 'yong gabi. Nagutom ka na ba? may bilo bilo d'yan initin mo na lang." sabi ni Mommy habang inaayos nito ang mga photo albums namin. Pumasok ako sa kwarto at saka nagbihis. Pagkababa ko ay agad akong nagtanong kay Mommy.

"Mom, madami pa ba 'yong bilo bilo mo?"

"Sakto lang bakit anak?"

"Pahingi ako dadalhan ko sana si Isaac at si Nanay niya."

"Ikaw talaga! tignan mo doon kung kasya pa." umiling lang ito sa akin, hindi naman kasi lihim kay mommy na crush na crush ko talaga yong anak ni Nanay Elena, si Isaac Einstein. Gaya ko ay may lahi din siya, pero hindi ako sa looks niya nahook. Mabuti kasi itong tao, lahat na ata ng magandang katangian ng lalaking gusto ko ay nasa kanya.

Hinanda ko na ang Tupperware namin at masaya akong lumabas para hatiran sila ng Nanay niya. Nakita ko nagbabarbeque siya, uminit agad ang pisngi ko.

Agad na kumaway siya sa akin ng nakita niya ako. Naku! ito na. "Hello Nay! Hi Isaac ito oh may dala akong bilo bilo." iniwan naman agad ni Isaac ang hawak niyang pamaypay at pumasok kami sa bahay nila. Kinuha niya ang Tupperware at saka sinalin ang laman. Ano ba yan! sana di na lang niya sinalin para may dahilan ako bukas para bumalik dito sa kanila.

"Salamat! di ko na hugasan ha."

"Okay lang." nilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay nila. Maliit lang pero maayos ang bahay. "Isaac di ka ba babalik ng school?" out of no where kong tanong, syempre pampahaba ng convo.

Matanda siya sa akin ng three years, dapat graduate na sana siya sa college ang kaso ay huminto siya ng paulit ulit dahil sa mga kapatid niyang may sakit. "Di na siguro, malaki naman kinikita ko sa modeling eh." Namatay kalaunan ang dalawang kapatid niya dahil sa sakit na progeria.

Ortaleja's Bastard 2: Part of your WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon