"Hey Soulja boy! do the crank up." umirap siya at padabog na umupo sa harap ko. We are now inside in 7/11 store.
"Ano na nakita mo?"
"Atat ka?" tumayo ako at iniwan siya doon, kumuha ako ng dalawang bigbite at dalawang vitamilk. Nilingon ko siya, umiwas siyang tingin. Matapos kong makapagbayad ay binitbit ko ang pagkain at nilapag sa mesa namin.
"Kain ka muna, wag ka mag-alala libre yan Soulja boy." wala naman siyang keme dahil kinuha niya ang big bite at nilagyan niya ng ketchup.
"Soulja boy ka ng Soulja boy, trip mo ba yong music n'on?" kumagat siya. Nilagay ko naman sa tabi niya y'ong vita milk.
"Di ah, ikaw kamukha mo si Soulja boy. Have you seen yourself? your fashion is way too 2000s! daig mo pa ang mga new jejemons." sumama ang tingin niya sa akin.
"Pakialamera sa style ng iba, tangina kita mo ba yang fashion sense mo?" ngumisi siya, hinila pa niya yong leegan ng over size t-shirt niya at pinangtakip sa bunganga niyang napuno ng tawa.
Tinignan ko naman ang suot ko, ang formal nga ng suot ko kasi nakawhite uniform ako dahil galing akong school.
"Gago, paano naging fashion sense ang school uniform."
"Wala, tangina kumain ka na d'yan at ikwento mo ano ganap."
"Lakas natin pare ah! nilibre kita ng pagkain ni-wala man lang akong thank you na narinig."
"Thank you! okay na?" sabi niya na punong puno ang bunganga, tsk! ibang klase talaga! binuksan ko na yong sauce ng big bite ko at nilagyan ito. Inabot niya sa akin ang kulay green na pakete ng sauce niya. Hindi niya pa binuksan. Ketchup lang ang nilagay niya sa big bite.
"Sayo na yan." binuksan niya ang vita milk niya saka uminom. Natawa pa ako dahilan nangunot ang noo niya. "Gago dapat inalog alog mo muna." kumento ko pa.
"Bakit ko naman aalugin?"
"Tanga ka ba? nasa baba yong chocolate oh." tinuro ko yong bottom part ng bote. Tinignann naman niya. "Ay tangina nasa baba nga." sabi niya.
"Bobo ang puta." bulong ko pa. Napaangat siya ng tingin at napapantastikuhang nakatingin sa akin. "Grabe pala ang bunganga mo noh. Parang di babae." lihim akong nahiya, grabe pala ang palamura ko.
tumikhim muna ako bago ako nagsimulang magkwento. "Nakachat ko si Lucy, pinapasabi niya sorry daw. After n'on nakablock na ako sa kanya, di din niya binigay number niya. Sa timeline niya may picture siya kasama itong guy..." pinakiramdaman ko muna siya, wala lang siyang imik habang nakain.
"...yun nga palagay ko bagong boyfriend niya yon."
"Totoo pala yong sinabi ni Aling Cita, tsk." sabi niya sabay inom ng vita milk.
"Ikaw ba ipupush mo pa ba itong paghahanap sa kanya, wag ka maoffend ha pero parang masaya na siya kasama yong guy. Alam ko kung saan sila sa pangasinan, sa mapandan." umiling siya saka uminom uli. Halata talagang dismayado siya. Kawawa naman to. Kaya ang hirap magmahal ng tao eh, hindi mo alam kung hanggang saan lang ang pagmamahal nila.
"Wag kang magsalita dahil lang nakita mo sa pictures na masaya sila. B-baka napilitan lang siya." di sinasadyang umikot ang mata ko. Another martir in the making na naman.
"Lakas ng tama mo doon noh." napapikit pa ako dahil bigla siyang humarap sa akin.
"Paano kung puntahan natin siya sa pangasinan?" yong reaction pa niya ay parang manghang mangha dahil nakadiscover siya ng isang idea na wala pang nakaisip.
"Anong 'natin' ka d'yan? puntahan mo mag-isa."
"Sasamahan mo ako, hindi ko alam papunta d'on."
"Mas lalong di ko alam doon, nakita ko lang sa fb yong lugar at hindi ibig sabihan alam ko pumunta doon." sinuswerte ata itong lalaking.
BINABASA MO ANG
Ortaleja's Bastard 2: Part of your World
Художественная проза'Up where they walk Up where they run Up where they stay all day in the sun Wanderin' free Wish I could be Part of that world'