CHAPTER 15: Officially

12 0 0
                                    

His birthday is coming. I don't have some idea what will be the best gift that I give. Actually balak ko na siyang sagutin  pero not on his birthday dahil sobrang cliche yun no.

Maybe later pagnasa library na kami. I don't want to be romantic whatsoever. I just want to say hey lets be officially a couple so that we can legally make out-- wait! thats not the reason why I say yes to him ha. I just really like him...

"You okay?" nasa harap na pala siya. I was waiting for him to come out. Kakatapos lang ng last subject nila, so mag-e-spend kami ng hours in the library ngayon dahil mag-aaral. Ang totoo double purpose na din dahil parang we kinda dating sa library, bonding time ba.

"Oo." umakbay agad siya. Lumingon pa kami sa grupo ng mga lalaki na tinawag siya. Inaasar siya ng mga ito. "Ulol! gago..." sabi niya sabay tawa.

"Katropa ko." sabi niya kahit wala naman akong tinatanong.

"Kilala nila ako?" may bumanggit kasi ng pangalan ko kanina eh, kilala ako pero hindi ko sila kilala. "Oo, nabanggit kita noong nag-iinuman kami last time." agad na kumunot ang noo ko.

"Nag-inom kayo? bakit hindi ko alam?" still naka-akbay pa rin siys sa akin. Ngumiti siya at mahinang pinitik ang noo ko. "Hindi ako totally uminom, sa katunayan ay napashot lang ako ng tatlong baso."

"Pero pumunta ka sa inuman na di ka man lang nagkwento. Kailan pa to?"

"Last week. Hindi talaga ako imbitado okay... pumunta ako kila Chuck kasi ipapaphotocopy ko ang libro niya, nagkataon nainom sila kaya inaya ako. Ako naman bilang respect na rin umupo ako ng saglit at uminom ng tatlong bote-- baso..."

"Tatlong bote ba?" hamon ko sabay taas ng kilay. How come hindi niya nakwento sa akin to eh lagi kaming magkasama. Ako nga nakwento ko sa kanya kong paano ako nadulas sa banyo.

"Tatlong baso nga eh, hindi ko na nasabi dahil hindi naman yong importante okay." Hinalikan niya ang cheeks ko. "Sorry na okay." umirap lang ako saka pinulupot ko ang mga braso ko sa bewang niya. Nakaakbay parin  siya sa akin.

"Daan muna tayong canteen para bumili ng pwedeng madala sa library. Para naman hindi ka na lumabas." sabi niya. I pout my lips. "Kwekwek gusto ko."

"Sige labas tayo." we still walk like two cheesy lovers. Ang daming bumabati kay Sanno na ikinakataka ko. Ang dami niya palang kakilala, hindi man lang niya sinusungitan?

"Puro babae friends mo?" naghihintay kami ng bagong luto na kwekwek. "Di ko naman talaga kilala ang mga yan." hinampas ko siya, napaigik siya pero tatawa tawa pa.

"Hindi mo kilala pero binabati mo din!"

"Syempre ayaw kong maging bastos." sinamaan ko siya ng tingin. "Pasimple landi ka din ah." naiinis kong sabi. Naging seryoso naman din siya ng makita niyang seryoso ako.

"Okay sorry, hindi na ako babati."

"Tsk.." Hindi pa rin kami nag-iimikan habang nalalakad papunta sa library. Hindi naman talaga ako selosa, pero nagiging ganon ako which is hindi ko naman gusto.

Hinanda na namin ang mga gamit na gagamitin namin sa pag-aaral, kunti lang ang tao ngayon. Medyo nagiging studious na din ako kahit na hindi ko naman hilig ang mag-aral, iba talaga pag may nakakainfluence sayo.

"Hoy tayo na..." sabi ko. Nangunot naman noo niya. "Anong tayo na, kakaupo pa lang natin..." tinignan niya ang kanyang relo.

"Six pm pa lang diba..." natahimik siya.

"Ang slow mo." umiling ako at saka nagsimula ng magbasa. He hug me and he show his perfect smile pair with his perfect teeth. Na gets na niya yong ibig kong ipakahulugan.  "Thank you for giving me a chance. I love you. Sobrang saya ko talaga, sobra... " and he kiss my cheeks.

Ortaleja's Bastard 2: Part of your WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon