Dumating kami sa venue malapit na mag-eight. Jusko nagmistulang gubat ang venue! maganda siya para siyang garden of eden.
Nagulat ako dahil nagkanda loko loko ang damit ng mga dumalo! may naka-bohemian theme, May nakafloral at may flower crown pa. Pati na ang suot namin ni Sanno ay hindi nalalayo sa iba.
"Puta ano to sasari-saring gulay?" siniko ko siya.
"Tangina wag ka maingay, ang epic ng theme puta!" natawa kami parehas. May dumaan sa harap namin na magpartner, familiar sa akin yung guy dahil psych yon taga ibang section.
Nakasuot sila ng dahon, para talagang si Adan at eva. Nagkatinginan kami ni Sanno, sabay kaming natawa! laugh trip pala itong psych night na to!
"Dapat pala nagtahi na lang tayo ng dahong damit, puta gumastos pa tayo ganon lang pala suot ng iba!" lihimik kaming humahagikhik habang naghahanap ng pwesto.
Nakita ko si Andrea sa table, kumaway ako. Nakasimangot ang gaga. Nang makita ako ay literal na lumaki ang mata.
"What the fuck!" murang bati niya. Ako na lang pala ang late sa section namin. "Bakit naghire ka pa ng Male model! hello kuya I'm Andrea po!" nakipagshake hands naman si Sanno.
"Oy banlag ka!" sabi ko. Mabilis na nakaagaw ng atensyon si Sanno sa mga kaklase ko. Ikinataka ko talaga, oo na gwapo nga siya ngayon.
May kumalabit pa sa akin. "Kuya mo ba Nice? gwapo ah, pakilala mo kami"
"Ay hindi ko kuya to..."
"Ano mo boyfriend?" nginitian ko na lang siya saka umiling. Asa!
Nagsimula na ang event, natatawa ako kay Sir Ian dahil sa costume niya. May goodness! this is so epic!
"Ganto ba talaga pagcollege, ang weird naman ng event n'yo." bulong ni Sanno.
"Oo, kahit ako man ay naweirduhan din." ang alam ko may theme ang event na to pero bakit iba iba ang damit namin.
Maganda naman ng event kahit na pumulpak sa mga damit ang mga estudyante.
Matapos ang ilang awarding ay kumain na kami. Nakita ko kung paano nagliwanag ang mukha ni Sanno."Anong handa n'yo ngayon? ayos to libre noh? "
"Wag kang patay gutom."
"Come on minsan lang to!" hinila niya ako at kumuha siya ng plato. Dumampot siya ng dalawang fried chicken at nagsandok ng madaming spaghetti. Hindi siya nahiya.
Baliwala sa kanya ang sasabihin ng ibang tao. "Oy ang dami niyan Sanno ah." nakangiting sabi ng isa kung kaklase, nakakapagtaka close agad sila.
"Ah oo, kuha ka madami. Wag kayo mahiya." nagtawanan yong mga kaklase ko na nakarinig, sa kanya pa talaga nanggaling.
"Ayos pala tong kadate mo beh." bulong ni Andrea. "Gwapo na, may personality pa. Astig! ikaw ha hindi mo man lang naikwento sa akin na may ala-brazilian model ka palang friend."
"Naku Andrea kung alam mo lang..."
"Sus! tignan mo crush siya ng mga kaklase nating babae. Lakas ng dating." sinandukan ko na lang siya ng carbonara ng tumigil na siya.
Humarap sa akin si Sanno, muntik ko ng mahulog ang plato kong dala dahil sa nakita kong laman ng pinggan n'ya. Bundok!
"Kaya mo ba yang ubusin ha? panglimang tao yan gago ka!"
"Lol! kaya ko tong ubusin, kung hindi maubos edi magtake out, puta problema ba yon!"
"Tanginang to! siguraduhin mo lang na mauubos mo yan!" kinamay nito ang fried chicken at saka kinagatan. Pumikit pikit pa ito na parang ninanamnam ang manok.
BINABASA MO ANG
Ortaleja's Bastard 2: Part of your World
General Fiction'Up where they walk Up where they run Up where they stay all day in the sun Wanderin' free Wish I could be Part of that world'