CHAPTER 13: First Semester

10 0 0
                                    

Months had passed I survived kahit na sobrang inggit na inggit ako sa mga kaklase ko dahil nakapag-ojt na sila.

Last semester was a hell, madaming nangyari. Nagalit si Mommy sa akin dahil bakit talong subject ang binagsak ko. Nagsasayang ako ng oras at pera. Naiintindihan ko sila. Kahit ako man ay sobrang nahihiya. Si Daddy naman ay malungkot din pero pinayuhan na, lang niya ako na pag-igihan na lang uli.

Madaming nangyari, yung second semester ko sa third year ay boring dahil isang subject lang ang na enrolled ko dahil bumagsak ako ng tatlo sa first sem.

Si Sanno, ayon nanliligaw parin sa akin, hanggang ngayon ay ayaw pa tumigil. Hinahayaan ko na lang siya ang kulit kasi. Pwede na din nating sabihin na crush ko na din siya. Simula kasi ng umalis na siya sa pagcoconstruction ay naging maaliwalas ang mukha niya. Pumuti siya ng unti, siguro dahil hiyang siya doon sa opisina nila Judge Humer. Naging disente na din ang pananamit niya. Wala na yong Soulja boy 2000s fashion niya. Aaminin ko nagugustuhan ko na siya ng unti.

Mas nakilala ko pa siya lalo dahil mdalas siyang nadalaw sa bahay kahit na ayaw ko, sa katunayan botong boto sila Mommy sa kanya. Magkasundo nga sila pagdating sa kusina. Si Dad naman ay madalas niyang kabonding sa panonood ng NBA at PBA.

"Kamusta ka na be, sobrang miss na kita. Hindi na tayo madalas magkikita ngayon dahil lagi na kaming sa mandaluyong ngayon." Mag-oojt na kasi sila sa NCMH.

"Ano ka ba Andrea, magmemessage ako sayo don't worry. Mag-ingat ka doon ha baka mapagkamalan kang pasyente." biro ko pa.

"Ang ganda ko namang pasyente." kasalukuyan silang nasa school dahil inaayos nila ang requirements para sa internship. Next week na kasi ang internship nila sa NCMH.

Ako naman ay binalikan ang tatlong subject na binagsak ko ngayon, supposedly fourth year na ako kung wala akong binagsak.

This semester ay nag-enroll na si Sanno. Alam n'yo ba dito siya sa University nag-enroll! first year siya at kumuha siya ng engineering. Ang akala ko tutuloy siya ng educ.

Mabuti na rin at nandito siya. Tuwing break ay sinasabayan niya akong kumain dahil yung vacant namin ay almost the same lang.

"Next class mo?" tanong niya. Inabutan pa niya ako ng supot ng burger.

"Mamaya pang three pm." one hour break kasi siya. Ako naman two hours.

"Saan ka tatambay n'yan?" hinawi niya ang buhok ko. Kumain na din siya.

"Sa library o kaya sa dito na lang muna sa canteen..."  hindi pala aiya nakikinig dahil may kumaway sa kanyang babae. Shit taga tourism yun ah.

"Ikaw ha, kabago bago mo dito babae agad ang inaatupag mo." ngumisi siya. Yung pilyong ngisi.

"Kagroup ko yon sa nstp." sinundan ko ng tingin ang babae. Matangkad, ang ganda ng legs. Sexy din ay maganda. Humarap ako kay Sanno. Gwapo na pumorma ang isang to, hindi malayong may gusto din sa kanya yon.

"Sarap nitong pasta nila, oh tikman mo..." sinubuan niya ako. Pinunasan niya ang amos sa labi ko gamit ang panyo niya.

"M-masarap..." nanatili lang akong nakatitig sa kanya habang kumakain siya. Nagsimula na siyang magkwento ng mga nangyari sa unang subject niya.

Ang haba ng pilik mata. Ang tangos pa ng ilong, yung new hair style niya ay bumagay sa mapanga niyang mukha. Ang balita ko madaming may crush ka kanya na mga freshman. Pati din ang psych classmates ko ngayon ay napapansin na sin siya.

"One time nag-cr ako. Habang nasa cubicle ako narinig ko pangalan mo. Pinaguusapan ka ng mga kaklase ko ngayon sa psych. Ikaw ha simple malandi ka pala." inasar ko siya. Totoo yun.

Ortaleja's Bastard 2: Part of your WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon