Linggo, inaya ni Mom at Dad si Sanno na sumama sa amin sa church. Napasama tuloy ako dahil sa sinulsulan niya sila Mom at Dad.
"Ang ganda mo sa dress na yan, ang tingkad mo tignan." bulong niya habang magkatabi kami. Inapakan ko ang paa niya.
"Aray!" sinawag siya nila Mom dahil nag-ingay siya.
Mag-iisang oras na kami sa church. Antok na antok na talaga ako, kung pwede lang magdala ng banig dito eh.
"Bawal matulog!.." siniko niya ako sa tagiliran.
"Pakialamero ka!" siniko ko din siya pabalik. Nagsikuhan lang kami hanggang sa nauwi sa kilitian. Napaigik pa ako, siya naman ay kulang na lang humagikhik.
Nang tinignan kami ng masama ni Dad ay d'on na kami natigil.
After ng church ay naglunch kami sa favorite restaurant nila Mom. "Oy mukhang masarap dito, ang sarap pala sumama sa inyo. Nalilibre ng pagkain!"
"Ngayon lang to." parang siyang bata na sobrang saya. He act like a kid, kaya siguro gustong gusto siya ni Mom. I can sense genuine on his smile, on his talk... everything is genuine. Hindi ko man maamin pero totoo yong sinabi ni Mom na Sanno has this deep sense of sincerity.
Madali lang para sa kanya ang ngumiti, ang magsalita ng walang paligoy ligoy. He didn't hide anything about who he is.
"Oh!" natawa ang mga magulang ko ng nahulog sa lapag ang kutsara nito. Hay naku nakakahiya. Kinutsara ba naman ang alimango.
"Kinakamay yan tungek! kaya nga may bato na binigay dahil pupukpukin mo eh." pabulong kong kumento. Sinunod naman niya yong sinasabi ko.
By one pm pumunta na kami sa bahay nila Judge Humer. Batong bato na ako. Gusto ko na umuwi.
Kinamayan kami lahat ni Judge."Hoy..." tawag ko kay Sanno, mukha kasi siyang kabado.
"Ah."
"Kakausapin ka lang n'yan. Sabihin mo lang yong totoo, wag ka na magpaawa effect." tinaasan ko siya ng kilay. Pumasok sila Dad at Sanno sa library ni Judge. Kakausapin sila.
Naiwan kami ni Mommy sa sala.
"Me bakit ang bait mo kay Sanno?"
"Punasan mo nga yang bibig mo, kababaeng tao ni pag-inom ng juice tutulo pa." sabi niya. Napapunas tuloy ako.
"Me... bakit kayo mabait sa kanya."
"Ano ka ba. Mabuti yong tao. Nararamdaman ko."
Napatayo kami ni Mommy ng makita namin na paparating na sila. Mukhang maganda ang kinalabasan ng usapan dahil nakangiti sila.
"Kamusta."
"Pumayag na si Judge na maging sponsor ni Sanno." nagalak sila mommy ng sobra. Nakatingin si Sanno sa akin na punong puno ng pagpapasalamat. I smile back at him.
"Congrats."
"Salamat Janice, salamat dahil nakilala kira." nakita ko na naluluha siya.
-
Second semester is coming. Meaning internship is coming, excited na kami ng mga kaklase ko. Naghahanap na kami sa online ng mga pwedeng tumanggap sa amin.
"Yung boyfriend nila Lei at Lia ni recommend sila sa company na pagmamay-ari ng mga ito. Swerte talaga ng mga yan." bulong ni Andrea sa akin. Swerte naman talaga sila eh. Yun na nga din pinagtataka ko, matalino sila, mayaman, mayaman din ang boyfriend pero kung mangbully akala mo parang walang nagmamahal sa kanila.
"Ganon ba, maganda yon may allowance sila."
"Ikaw baka pwede tayo doon sa construction firm nila Sanno, siguro naman may allowance din silang binibigay."
BINABASA MO ANG
Ortaleja's Bastard 2: Part of your World
Genel Kurgu'Up where they walk Up where they run Up where they stay all day in the sun Wanderin' free Wish I could be Part of that world'