9

63 5 18
                                    

Akala ko dati na ang fourth year ang pinakamadaling year sa highschool, kasi nga last year na, kaya puro review na lang. Di naman ako na inform na, nakaka-haggard pala itey. Bukod kasi sa minamadali na ang mga lessons namin, maaga na rin ang mga pasahan ng requirements. Idagdag pa yung maagang Preliminary test tsaka yung Post test, tapos NAT pa, tapos kung ano ano pang ka-ekekan na test.

"Ma'am Senador is not around." Medyo nabuhayan ang mga kaklase ko dahil sa 'GOOD NEWS'. Nagkaroon ng masayang atmosphere sa room. Dahil nga katulad ng sinabi ko dati, Physics is a torture. *singhot, punas sa kwelyo*

"Pero," Heto na. Ayan na naman tayo sa salitang yan eh. Pero, but, yet, hence, although, lintek na! Paasa yang salitang yan eh! "Pero nag-iwan siya ng pasasagutan sa inyo. So get one half length wise and answer numbers 1 to 50." Awwww. Booooo! At agad din namang nawala ang masayang atmosphere na yun. Napalitan ng pang biyernes santo ang mga mukha ng mga kaklase ko eh! Hahaha!

Nanghingi ako kay Haide ng papel, kasi nga I'm hot, pero dukha naman ako. After kong magsagot ng test. Kunwari ganun ako katalino para masagutan ko yung test ng wala pang five minutes. Sinagutan ko na rin yung assignment ko sa Math. Estudyante akong tunay dahil sa school ako gumagawa ng mga takdang aralin.

After ng Physics is Math. Nag review lang kami, para sa NAT tsaka nag proceed na sa lesson. Patulog na sana ako kung hindi lang ako siniko ni Boyore (yes, expushur). Pinilit ko talaga, promise. Pinilit ng hotness ko na magising yung diwa ko kaso ayaw niya. Ni hindi ko nga ata kayang nakadilat ng mga point five second eh. Sobra kasi akong napagod sa practice namin ni Kit, ng Waltz. Project namin sa mapeh yun, dapat iperform na namin this friday, eh last saturday lang kami nagpractice, though may steps na naman kami. Inaayos pa namin ang timing, di ko naman alam na nakakapagod palang sumayaw. Ang alam ko lang mag-choreograph, pero sumayaw mismo? Aba, sapakan na lang. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Isa lang naman akong hamak na masipag na hot na eschudent. Pero ang mga masisipag na kagaya ko, napapagod din.

"Goodbye class." Tumayo na rin kami at nagpaalam kay Ma'am Andrada. Minutes later pumasok na rin si Ma'am Orsais.

"Merge your chairs." Inayos muna namin yung upuan namin bago nagdasal.

"Padua, mag announce ka nga sa rooms 209 - 2013 tsaka sa 301, tell them to bring their reply slips about the yearbook." Muntik pa akong mahulog sa pagkakatayo ko dahil sa sinabi ni ma'am.

"Ma'am?" Heto na naman si Brainy, naubusan ata ng oxygen. Basta room 209 ang pinag-uusapan, biglang nabablangko ang utak ko eh. Lumapit siya saakin at hinawakan ang braso ko. Kuya wag po. De joke.

"Sabi ko pumunta ka sa rooms 209-212 including room 301. Tell them to bring their reply slips about the year book." Sinasabi niya yun habang kinakaladkad ako papuntang pinto. Oo, kinakaladkad dapat talaga ang term para mukha akong kawawang hot.

"Pero ma'am," Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil sumingit na si Janmel sa usapan. Binigay niya kay Ma'am Orsais yung attendance, si Janmel kasi ang dakilang secretary namin.

"Ma'am I'll go with her." Nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi ni Janmel. Wow, ang galing may masasabi pala siya na ikatutuwa ko. Pwede rin pala siyang maging life saver ko, akala ko ang role niya sa buhay ko eh, sponcor ng bubble gum lang.

"Okay fine." Sabi ni Ma'am tsaka kami ITINULAK ni Janmel palabas. Itinulak talaga! Hahaha.

"Janmel maraming salamat pagkat niligtas mo ang aking buhay. Hindi matutumbasan ng mga salita kung gaano kong gusto magpasalamat saiyo." Pagkalagpas namin ng room, agad na sinabi ko yan kay Janmel with matching payuko yuko pa.

"Nakita ko yung mukha mo nung sinabi ni Ma'am yung room 209 eh. Haha!" Tinawanan pa ako oh, pasalamat siya at may utang na loob ako sakanya, kaya palalagpasin ko ito, ngayon.

"Oo nga eh para lang akong natatae." Nag-announce na kami sa room at fortunately walang tao sa room nila Erick, siguro nag-pe.

Pagbalik namin sa room wala naman kaming masyadong ginawa. Nag lesson lang kami tungkol sa walang katapusang SVA.

"Class mamayang 2 pm naka schedule ang picture taking niyo para sa grad pic. Hanggang 4 lang yun. Tsaka yung mga alanganin, yung mga hindi sure na g-graduate, pumunta pa rin kayo, dahil ilalagay yun sa yearbook." Pag-aanounce ni Ma'am bago nagdimiss. Napag planuhan namin na sa classroom na lang mag-stay kasi hassle kapag pabalik balik pa kami dito. Kaya mga tatlong oras pa kami naghintay bago kami pinaakyat sa AVR.

"Ms. Erlano, kindly arrange them according to their surnames." Sabi ni Ma'am Matuti (tama ba?) Kay Haide. Inayos niya na rin kami at nauna ng kuhanan ng picture ang boys, which is good sa part naming girls, dahil panigurado pagtatawanan kami nung mga yun kapag inayusan kami, mga tarants yung mga yun eh.

"Pads ikaw na." Dahan dahan ang ginawa kong pagtayo, pa demure ba. Minsan dapat ang hot ganun.

Lumapit na ako sa mag-aayos saakin pagkalapit ko pinaupo niya na ako sa upuan (malamang). "Pads anong ayos ang gusto mo?" Tanong ni fau saakin habang inaayusan din siya.

"Elegant." Natawa naman si Fau na ipinagtaka ko. Pero isinawalang bahala ko na lang, malay ko ba kung may nakikita siyang di ko nakikita di ba? Ayoko namang mag judge agad.

Nag react pa si ateng na mag-aayos saakin na akala mo eh close kami. Isampal ko sakaniya yung tissue na ginamit ko kanina pang linis ng ilong ko eh! De joke, ayokong maging rude. Good girl po ako hehe. Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na rin ang pagme make up saakin, wala na rin namang nagbago, hot ko pa rin. Hay, what can I expect?

Lumapit na saakin yung assistant kuno nung photographer at tinuruan ako kung paano hawakan yung sombrerong puti, yung gamit sa graduation, basta yun di ko alam tawag dun eh.

"Yan," sabi niya tapos inayos yung toga ko.

"Naka pusod ka talaga teh?" Naalala ko si Biyai kay ateng dahil napaka atribida niya. Eh sa gusto ko ang nakapusod eh! Loyal ako sa Moonwalk! Ang hot ko.

"Opo." Sabi ko. Pagkatapos pinapunta na ako dun sa place kung saan kukuhaan. Agad akong napapikit dahil sa dalawang malaking ilaw na nakatapat saakin.

"Oh ngiti," Naghanda na yung mataray na photographer pero pinahinto ko muna siya.

"Wait lang po." Sabi ko at tinakpan ang mata ko. Ilang beses pa akong naluha dahil sa pesteng ilaw na yun. Bakit ba kasi ang arte ng mata ko?

Pagkatapos ng ilang minuto ay nagsabi na ako na okay na at halata kong medyo iritado na rin yung mataray na photographer saakin. Yung unang shot, hawak ko lang yung puting sombrero pero wala akong suot na puting sombrero. Ano bang tawag dun? Ang haba ng 'puting sombrero' eh.

Pagkatapos nung unang shot, kinuha na ni ateng assistant yung puting sobrero saakin tsaka ipinasuot yung puting sombrero (mamaya isesearch ko po yun).

"Nakapusod ka?" Tanong nung photographer. Bat ba nag big deal kung nakapusod ako?

"Di ba Melai sabi ko, wag mong ibibigay saakin yung nakapusod? Alis jan at tanggalin mo yung pusod mo. Buburahin ko pa tuloy ulit." Mataray na sabi nung photographer. Buti na lang talaga hot ako, kaya nakapagtimpi pa ako.

"Ang taray nu?" Sabi ni ateng assistang, na Melai pa la aang pangalan. Tinanggal ko na sa pagkakatali ang not so beautiful hair ko at inayos iyon. Kabanas, ayoko pa naman ang nakalugay, amoy kulob yung buhok ko eh. Lumapit na ako kay Ateng assistant.

"Yan mas maganda ka pala kung nakalugay ka eh." Sabi ni ateng Melai. At ngumiti naman ako sakanya ng pagkatamis tamis. Gusto ko sanang sabihin na, syempre po hot ako. Pero napagdisisyunan kong maging humble. Ayoko naman ipagsigawan sa lahat ng tao na hot ako noh. Ayoko nung isisgaw ko sa buong mundo na ANG HOT KO!! Ayoko nun, masyado akong humble para gawin yun.

"Yan ang gandang di mo gugustuhin." Lapastangan! Hindi ko nga pinansin si ateng Melai! Hmp! Kainis! Inggit lang siya dahil hot ako siya hindi.

*******

Mensahe ng hot na Author:

All this time mali pala ang spelling ko ng krumping (tama ba yan?) Ah ewan.

Ang Hot ni AuthorWhere stories live. Discover now