Mensahe ng Hot na Author:
Hindi po muna matutuloy ang kwento tungkol sa kasexyhan ni Main. Ayoko po kasing magsinungaling. Sa ngayon pagtuunan muna natin ng pansin ang braso ni Kit. At kung paano niya ito nakuha.
Pero makakapayag ba akong makalimutan ang hotness ko? Para saan pa ang title nito kung hindi rin naman pala ako ma-e-expose bawat chapter? Mwahahahaha! :D
******
Nagsimula ang lahat dahil sa maling desisyon ko. Hindi ko akalaing ito ang magiging kahihinatnan ng buhay ko. Hindi ko naman yun ginusto. Hindi ko sinasadyang mangyari iyon. Hindi ko ginusto ang mga nangyayari ngayon saakin. Hindi.
Tama nga ang sinabi nila, malaki ang mga pagbabagong pwedeng maganap dahil lang sa maling desisyon. Marami ang pwedeng mangyari kapag nagpadalosdalos ka sa mga ginagawa mo. Kapag hindi mo ito nilapatan ng tamang pag-iisip. Nasa saiyo ang desisyon kung gusto mong maging miserable ang buhay mo. Pero sa kalagayan ko, hindi ko ito desisyon. Hindi rin ito desisyon ng ibang tao. Tadhana. Tadhana ang nagdesisyon para saakin.
Normal lang na araw iyon, kasama ko ang mga kaibigan ko. Hindi ko na iisaisahin pa dahil tinatamad na ang hot na author, pagbigyan natin siya. Nag-aaral kami, nang may mapansin ako. Oo, katulad ni Vista sa last chapter, may napansin din ako. Observant kasi ang mga characters ng hot na author. Ganun siya kautak, at oo humble na siya niyan. Ayaw niyang magpatalo kaya pati sa nag-iisang parte ko sa wala kwentang kwento na to, eh nai-s-segue niya pa rin ang hotness niya. Tsk.
Anyway, ituloy na natin ang kinekwento ko kanina at kalimutan na muna natin pansamantala ang author. Eeenk! Hot na author pala.
Napag-isip ako, bakit hindi ata normal? Parang... parang iba. Parang may kakaiba ngayon sa katawan ko. Kumain ba ako kaninang tanghali? Oo, kumain naman ako. Hindi ko iyon makakaligtaan ano. Yun ang pinakamahalagang parte ng buhay ko, bukod sa gumising at matulog. At maligo. Minsan nakakalimutan ko iyon. Tsk. Wag kayong magpanipaniwala sa sinasabi ng author ha, ganyan yan, tinutulad ako sakanya.
I looked at my reflection, wag na kayong magtaka kung saan ako nakakuha ng salamin sa loob ng classroom, fiction ang storya, isipin niyo na lang na biglang lumitaw ang salamin para matuloy ang istorya na ito. Matangkad ako, at payat (pambawi lang mehehehe) maayos naman ang itsura ko. Babalik na sana ako sa pwesto ng mga kaibigan ko ng mapako ang tingin ko sa parte ng katawan ko na iyon. Tinitigan ko iyon ng mabuti.
Alam ko na ngayon kung anong ang mali.
Nanlulumo akong lumapit sa mga kaibigan ko. Tumahimik muna ako saglit. Maya maya rin lang ay hindi na ako nakatiis pa, nailabas ko na rin ang kanina pang bumabagabag sa isipan ko. Hindi ko alam kung masyado bang malalim ang iniisip ko kaya hindi ko napansin na nasabi ko na pala iyon, ang plano ko kasi, itatago ko lang iyon, para walang makaalam.
"Ang laki ng braso ko."
Nahinto ang lahat ng ingay. Lahat ng tao napatingin saakin. Dahan dahan nilang binaling ang kanilang atensyon sa aking braso. Kinabahan ako dahil dun. Bat ko ba kasi naisatinig iyon? Naramdaman ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Paano na ito ngayon? Ano na lang ang mangyayari saakin? Masisira na ba ang kinabukasan ko?
"Oo nga." Kumento ng isa sa mga kaibigan ko, hindi ko na rin lang sasabihin dahil ayaw na rin ni Author magmention ng mga pangalan.
Pagkatapos nun ay bumalik na rin sila sa kanikanilang mga pinagkakaabalahan. Gumaan ang pakiramdam ko at medyo tumigil na rin ang pagtulo ng pawis ko. Medyo lang naman, malapit kasi ako kay Pads kaya pinagpapawisan pa rin ako. Lately, napapansin ko may nagbabago kay Pads. Nagiging hot siya.
Anyway, akala ko makakalimutan na nila ang sinabi ko. Na mababaon na lang ito sa limot, at hindi na maaalala pa. Na isa na lang itong hindi kanaisnais na pangyayaring naganap at madali rin lang namang makalimutan. Naging kampante ako roon. Pero nagkamali ako. Sa pangalawang pagkakataon ay nagkamali ako.
Simula ng araw na iyon ay hindi na nila tinigilan ang pagpuna sa braso ko. Simula nun, naging tampulan na ako ng pansin. Ang braso ko.
Hindi ko ito ginusto. Aaminin ko, gumawa ako ng aksyon na hindi ko man lang napag-isipan. Aaminin ko na may arte rin na nagkamali ako. Pero, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nangyayari saakin ito, kung bakit ako pa ang napili ng tadhana para maranasan ang kahabag habag na sitwasyon ko na ito.
Inalis ko ang memorya ng masakit na pangyayari na iyon sa buhay ko. Tapos na iyon, huli na para magsisi pa. Hindi na mababago ang mga naganap na. Kailangan ko na lang harapin ang consequences ng maling desisyon ko. Tatanggapin ko na lang ito, baka merong plano saakin ang tadhana kaya ako ang napili niya.
Sa ngayon, buong puso kong yayakapin at tatanggapin ko ang mga kahinan ko, at pagbubutihin pa ang mga kalakasan ko.
Matangkad naman ako at payat eh.
All is well.
******
Mensahe ulit ng Hot na Author:
This chapter is really a big challenge for me.
Napakahirap ng chapter na ito kasi ang hirap mag-update ng walang mura. Masyado kasing banal iyon si Kit kaya, yan medyo banal ang UD. Tapos ilang beses lang na-segue ang hotness ko. Hayaan niyo sa susunod mabibigyang katarungan ang title ng istorya na ito. :D
Merry Christmas everyone!