6

34 1 0
                                    

Nilagay ko na sa loob ng folder ang test paper ko kasabay ng test questionnaire. Last day ng periodicals namin at sa kasamaang palad ay hindi pa ako nakapag-aral. Tsk. Panigurado bababa ako ngayong grading. Opo, katulad ng ibang eschudents ay may pagka-GC rin ako, hindi nga lang halata. Nag-aaral din akong mabuti, hindi lang puro kahotnessan ko ang inaatupag ko ano.

"Pads." Napatingin ako sa naglakas loob na bigkasin ang pangalan ko. Lapastangan! Pandidilatan ko sana siya ng mata, kaso napag-isip isip ko na wag na lang. Masyado kasi akong hot. Ganun talaga.

"Oh?" Pa cool kong sagot.

"Tapusin na natin yung project sa TLE." Napangiwi naman ako ng marinig ko ang salitang 'Project'. Na trauma na ata ako sa project na yan, this grading kasi puro group projects ang pinagawa ng mga teachers kaya na-stress ako. Ang hirap kayang hilahin pataas ng mga kagrupo ko. Eh hindi naman nagpa-participate ang mga peasants! Mwahahaha!

Tapos idagdag pa yang project sa TLE, sabi niya 4th grading pa yun ipapasa tapos biglang ngayon na daw. Hindi pa kami magt-take ng exam pag wala kaming pinasa. Tek na yan!

"Paalam ka kay Ma'am." Tumayo na siya at pumunta sa pwesto ni Ma'am.

"Ang init naman." Rinig kong sabi ng isa kong kaklase ko. Heto na naman tayo eh, lately napapansin ko madalas nila akong paringgan sa topic na yan. Hindi ko naman ginustong makaagrabyado ha.

"Andito kasi si Pads." Sabi ni Ros. Isang tipid na ngiti lang ang sinagot ko sakanya. Ang hirap kaya na lagi sayong pinamumukha yung mga maling ginawa mo. Ang sakit-sakit na.

"Pads, okay na daw." Tumango ako at inihanda na yung papel ko para ipasa.

"Narjay, papasa." Iniabot ko kay Sexy love (Narjay) yung papel ko. Nasa harap ko kasi siya nakaupo.

"Hizon, papasa." Ulit ko. Malay ko ba kung nabingi lang siya di ba? Kaya medyo nilakasan ko.

Pero katulad ng una, hindi niya ulit ako pinansin. Sabi ko na nga ba tuod ang kausap ko eh.

"Papasa!" Medyo pasigaw ko na yang sinabi. Nangangawit na kaya ang braso ko. Kulang na lang mag-cramping ako sa harap niya pansinin niya lang ako eh. Tsk.

Inulit ko ulit pero wala, hindi niya talaga ako pinapansin. Galit ata saakin dahil sa hirap na nararanasan niya dulot ng hotnessessess ko.

"Oh, Ros pakipasa nga." Padabog kong inabot kay Ros yung papel ko. Tae nangalay lang ako dun ah.

"Men papasa daw." Sabi bi Ros kay Sexy Love, at iniabot ang papel ko. Kinuha niya naman iyon at pinasa na sa harap. Ay shet, pag iba papansinin niya? Pag ako hindi? Hanep tsong.

Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta na sa likod. Gagawa pa kami ng project sa tle eh. Lalayo muna ako kay Sexy love, kailangan muna namin ng space.

"Pads, pupunta ako sainyo mamaya ha. Tapusin natin toh." Sabi ni Janmel.

"Hindi pwede, may gagawin ako mamaya eh. Sobrang importante." Manunuod kami kila Lorr.

"Eh kailangan nating tapusin toh." Sabi niya habang dinidikit yung mga pictures namin.

"Eh important din yun. Aayusin ko yung tarp natin sa mapeh." Pero joke ko lang yun. Gusto ko lang talaga manuod kila Lorr, tagal na rin kaming di nakapag-movie marathon eh. Tao lang ako na hot, nagsisinungaling din.

"Pano toh?" Nagkibit balikat na lang ako at hindi na sumagot. Sayang din ang Carbon Dioxide na nilalabas ko, dagdag na naman sa hotness ko.

Ang Hot ni AuthorHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin