4

56 2 0
                                        


"Anong oras na?" Tanong ko sa kaklase ko. Nagdidilim na kasi, at nandito pa rin kami sa school.

"6:30 na. Di pa tayo uuwi?" Tanong naman niya.

"Wala pa tayo sa kalahati eh. Sige na, tuloy niyo na." Tinatapos pa namin yung decoration ng room namin. Required kasi yun ngayong AP month. Bukod sa contest yun eh, class project pa kaya medyo hassle. Bukas na kasi ito, at wala pa kaming natatapos. Kanina lang kasi kami nagsimula.

"Pads, wala na tayong blocks." Enebeyen, napaka-epic naman nito.

"Sige, punta ako kila Haide." Hinati namin yung class sa dalawang grupo, una yung dito sa classroom, mga tagaayos at tagadikit. Pangalawa yung nasa bahay nila Haide, class president, tagagawa ng decorations.

Nagsimula na akong lumabas ng school. Malapit lang naman dito yung bahay nila Haide, kaso lang yung daan sa kanila medyo may mga aso, kaya kinakabahan ako.

Kahinaan ko kasi ang mga aso.

Malapit na ako kila Haide ng makita ko sila Janmel at Narjay, kaklase ko rin. Aba'y nagka-quality time ang dalawa.

"San ka pupunta?" Tanong ni Janmel.

"Kila Haide, kayo?"

"Sa school. Akala ko ba pinadadala mo ko ng gunting?" Si Janmel ulit, di na nakapagtatakang siya lang ang sumasagot sakin. Si Narjay kasi, pipi yun di siya nakakapagsalita.

De joke. Anti-social ata si kuya. Di ka niyan kakausapin kahit kailangang kailangan na.

"Gunting lang, tapos dalawa kayo? Aba'y kebigat naman pala niyan."

"Hahahaha! Hindi, si Narjay kasi, gustong pumunta sa room. Sumabay lang sakin."

"Ah sige. Una na ako." Magsimula naman akong naglakad papunta kila Haide.

Naabutan ko sila  sa may tindahan. Bumibili ng cartolina.

"Oh, bat nandito ka Pads? Sino leader dun?"

"Wala lang. Akala ko ba wala na tayong pera?" Kinulang din kami sa pera, di kami nakapaghanda kaya, yung mga nagastos dito ay, sarisarili naming pera. Biglaan rin kasi ito, kanina lang naexplain na bukas na ito che-chekan. Kaya di kami nakapag-ambagan at isa pa, ang Ricarte ang pinakakuripot na section.

"Ah, pera ko ito. No choice eh. Oy! Narjay, kala ko punta ka sa room?" Nakita kong nasa likod ko lang pala si Narjay. At as usual, dinedma na naman ni kuya si Haide.

Hay, kaya ayoko kausap yang si Narjay, feeling ko kumakausap ako ng kahoy kapag siya kausap ko eh.

"Pads." Nandito pala si Keith?

"Di kita napansin pare, nice lumiliit na ang braso mo."

******

At pagkatapos nga ng mahaba habang pag-aayos ay natapos na rin namin ang decorarion ng room. Kinailangan pa naming magsleepover dahil dun. Yan tuloy bangag ako ngayon, pero sexy pa rin naman.

Nalaman na rin namin yung results, 3rd place kami. Whooo! Partida, kagabi lang namin ginawa yun ha. Iba talaga ang nagagawa ng kasexyhan ko. Kayo ng bahala magconnect.

At dahil nga sexy ako, umuwi na ako kaagad pagkatapos ng klase.

*******

Mensahe ng hot na Author:

Ako po yung nasa gilid, chos!

Ang Hot ni AuthorCerita yang bikin terobses. Temukan sekarang