|pads san ka na?|"Ate sabi ni Agrava (kaklase niya) sa saes daw kita kita." Naglalakad kami ngayon sa pagkalayo layong destinasyon ng kapatid ko.
"Nyemas na yan. Akala ko ba sa cedles? Shet ang layo nun eh. Libre mo ko pamasahe ha." Oo sexy ako, pero dukha naman ako. Hindi naman pwedeng kinuha ko na lahat di ba? Maganda na nga sexy, at hot pa. Kailangan naman may flaw ako, at yung ang pagdukha ko. Ayoko namang maging perfect nakakahiya sa mga taong nakakasalamuha ko.
"Lul, wala nga akong pera eh." Oh diba parehas kaming poor ng kapatid ko. De joke, kuripot lang talaga ang kapatid ko. At kung mabasa mo man ito, wag ka ng aarte pa.
"Akin na nga yung cellphone." At dahil nga poor kami, pero sexy ako, isang phone lang ang dala namin, hiraman na lang. Comatose kasi yung cellphone ko, hindi na kinaya ang hotness ko, kaya phone muna ng nanay ko ang gamit ko. Ganun ako ka-hot. At ganda. At sexy.
|Papunta na wit lang.|
Sent.
Buti na lang nakasabay namin yung adviser ko at ng kapatid ko, nalibre pa kami ng pamasahe. Ang sexy ko talaga.
"Are we there yet?" Shet, napakainglishera naman ng titser ko. Buti na lang sexy ako.
"Wala pa ma'am. Medyo malayo pa naman yun. Ang init pa naman." Gusto kong mag-sorry sa adviser ni Biyai (kapatid ko), hindi siya ligtas sa hagupit ng extreme hotness ko.
********
Pagkapunta naman sa saes, agad din namang nakita ni Biyai yung friends niya, samantalang ako, itey naghahanap pa rin ng nawawalang kaklase ko.
Ang kawawang hot ko naman.
At matapos ang ilang minuto ng paghihintay ay nakita ko na rin ang mga kasama ko.
"Seniel! Huhu. Akala ko wala na akong kasama." Ngumiti lang si Seniel sa ginawa ko. Ay, enebeyen di man lang ako sinakyan sa kaartihan ko. Pero hot ako.
"Pads!" Sigaw ni Haide, remember her? Yung president ng class namin. Yung maraming nunal sa mukha, pag nakita mo siya ang una mong mapapansin sakanya, bukod sa napakalaking ngiti sa mukha niya na kinaiirita ko, ay ang mga nunal niyang kumakaway sayo.
Napansin kong medyo puno na sila sa jeep. Yun kasi sasakyan namin.
"Andyan na si Pads." Rinig kong sabi ni Vista, sige na sabihin na natin na asawa niya si Harry Styles. Pero hot ako.
"Hi Pads." Rinig kong bati ng mga barbarians saakin. Mwahahahaha! Sinagot ko na lang sila ng isang tipid na ngiti. Shet, ang hot ko talaga.
"Oy usog usog, wala ng mauupuan si Pads." Kailangan ba ng special treatment? Alam ko namang hot ako pero wag niyo namang masyadong iparamdam saakin yun.
"Kalma guys. Sexy ako. Magkakasya ako dyan." Paarte akong naglakad papasok sa jeep. Nakita ko naman ang matatalim na titig saakin ni Kit.
At hooray! Sleeveless ang damit ni Kit. Syet ang braso! Nooooooo!
At ngayon ko lang napansin na nakapink pala si Vista. Nice, humaharot oh. At napansin ko rin na nakasleevaless din si Haide. At napansin ko rin ang pagkaway saakin ng mga nunal niya. At napansin ko rin na magkalapit lang kami ni sexy love (Narjay) ng upuan. At napansin ko rin na ang hot ko. Na ang ganda ko. Na ang sexy ko.
Shet, lahat na lang napapansin ko. Ang hot ko kasi.
Makalipas ng ilang minuto ay nakalarga na rin kami. 11 na rin kami nakaalis, medyo mahaba haba pa naman ang byahe kaya napagdesisyunan ko munang matulog. Syempre nakatingala ako habang natutulog, kailangan i-expose ang kagandahan ko, bakit ba. Pero, hindi din naman ako nakatulog dahil sa kadaldalan ni Vista. Ang hot ko pa.
