Napabalikwas ako ng maramdaman kong nag-vibrate yung phone ko. Agad agad ko namang binuksan yung message at napamura ako ng si Kua Wilbert lang pala yung nagtext. Tungunu kala ko naman kung sino ng nagngangalang 'Erick' chos lang. Haha, okay na toh, at least naisipan akong itext ni Wilbert. Nitong mga nakaraang araw kasi puro Sun cellular at 7210 lang ang nagte-text saakin. Mga masusugid kong manliligaw.~.punta ka bukas pads
Saan?
Alam ko naman talaga kung saan yung sinasabi niya, masarap lang pagtripan itong si wilbert haha (oy yung libre ko tae ka). Bukas kasi walang pasok, foundation day ng school. May parade daw tsaka may performance sa may court malapit sa center. Gusto ko ring sumama kaso tinatamad ako. Pero may part pa rin na gusto kong sumama, si Erick kasi kasama sa mga sasayaw. Bali nagtatalo ngayon ang puso at katamaran ko haha.
~Sa foundation day sa may center, sama ka na.
Pilitin mo muna ako chos. Haha di ko muna nireplyan di Wilbert kasi, hot ako. Sapat na naman na dahilan yun para di ako magreply.
Tinext ko si Mich, sasama daw siya kaya, sasama na rin ako.
Sigi, kila kit bukas, 6:30.
*******
The number you have dialed is either unattended or out of coverage area.
Pang eighty sixth time ko ng tawag ito kay Mich, at obviously hindi niya pa rin sinasagot. Tiningnan ko ang oras; 7:00. Di ba? Siks therti daw huhu. Napakamainipin ko pa naman. Nakakapagod din kasi ang mag-hintay, lalo na't wala kang kasiguraduhan kung may hinihintay ka ba talaga. Kroo kroo.
Naghintay pa ako ng thirty minutes bago nakatanggap ng message kay Mich na mauna na daw ako. Buti na lang nakasabay ko si rose anne. Kung hindi baka, naghubo na ako dito, de joke haha. Di ako makapaniwalang pinaghintay nila ang hot na kagaya ko. Tsk.
Pagdating namin sa venue, (which is malapit lang naman sa bahay nila kit) punong puno na kaya sa hulihan na kami pumwesto. Medyo nagsisimula na ring mag-ayos yung sasayaw.
"Ang init naman dito." Bulong ni Rose anne. Gusto ko sanang mag-sorry kaso ayoko, magagalit saakin si Rose anne kapag nalaman niyang ako ang dahilan kung bakit mainit ngayon. Napagdesisyunan ko na kasing isikreto ang hotness ko, nanganganib kasi ang buhay ko. These past few days, I've been receiving a lot of threats, and believe me it had been very hard for me. (Trying hard amp)
Shet.
Ilang minuto muna naming hinintay si Lorena. May test daw kasi ang bruhilda sa UE kaya di siya magtatagal, pero dadaanan daw muna siya dito. Pagdating ni Lorr, pumunta na kami sa harapan kung nasaan sila Aby, at yung iba. Hindi namin sila masyadong nakausap kasi nag-aasikaso sila sa program. Bali naupo muna kami sa lapag habang hinihintay yung mag-p-perform. Nakatanggap ako ng message kay Mich na nandito na daw siya kaya nagpaalam muna ako kila Lorr na pupuntahan ko muna si Mich.
"Oy." Tawag ko kay Mich ng makita ko siya. Sabihin na nating, ang galing ko at ang hot ko lang talaga para makita agad si Mich.
"Pads!" Napakunot ang noo ko at lumaki ang butas sa ilong ko dahil sa kahyperan ni Mits, pero hot pa rin naman ako.
"Wow, ang aga ng 6:30 mo ha." Sabi ko sabay, inikutan ko siya ng mata. Isipin niyo nga yun, umikot ang mata. Mga hot lang talaga ang nakakagawa nun.
"May pinuntahan pa kami nila mama eh, kadarating ko pa nga lang." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"Oy neng, naligo ako no." Sabi niya sabay tusok sa pisngi ko. Psh.
"Nagkuskos ba?" Binigyan niya ako ng malokong ngiti, kaya sabay kaming tumawa. Di ko nga lang alam kung bakit kami tumatawa. Sinabayan ko na lang si Mich, baka kasi isipin ng ibang tao na baliw na si Mich.
Nagsitilian ang lahat kaya nakitili na rin ako. Tumingin saakin ng masama sila Lorr at tinakpan yung tenga nila. Haha. Nagsimula na ang performance ng first year, at in all fairness, panget ang sayaw nila. Chos lang haha. Ang galing nila whooo! Ang galing galing!
Inayos ko ang buhok ko at umayos ng upo, nasa likod ko lang kasi si Sir Pujante (harooooot) haha. Tungunu ang pogi talaga nni Sir, shet lang.
Tinext ko si Janmel kasi hindi siya nakapunta. Haha, may test kasi siya sa ewan ko kung saang university. Punyeta Janmel ang pogi ni sir Pujante, mainggit ka.
Pagkatapos kong magtype ay bumalik na ulit ako sa pagtili. Natigil lang ako ng tinawag ako ni Mich at niyayang lumabas, to get some fresh air. Charowt.
Gusto kong sabunutan si Mich kasi pinaghintay niya ako kanina, nag-ayos pa naman ako para kay Sir Pujante (weh). Nag-shampoo ako ng dalawang beses at inubos ko pa ang dalawang cream silk para bumango ang not so beautiful hair ko, tapos nagkuskos ako which is very unusual. Tapos pinagjintay niya lang akets. Hmp, na Hagardo Verzosa tuloy ang feslak ko. But I'll let this pass, chos.
Bumili lang muna kami ng maiinom at bumalik na kami sa loob. Kanina ko pa nililibot ang paningin ko pero di ko pa rin makita si Erick, at seryoso naiinis na ako. Isinantabi ko ang katamaran ko para sakanya para lang makita kko siya tapos di ko naman pala siya makikita. Nananakit ang dibdib ko. Haha.
"Si Yma oh." Napalingon ako kay Lorr.
"Saan?" Tanong ko. Kung nasaan si Yma nanduon si Erick. Syempre pinagana ko lang naman si pretty little brain ko ahihi.
"Ayun oh." Dahan dahan akong tumingin sa itinuro ni Lorr at naramdaman kong huminto ang lahat maliban saaming dalawa. Nawala ang lahat ng ingay at nagsimulang magsiliparan a-engk. Nakita ko siyang nakaupo katabi si Yma tsaka yung iba nilang kasama.
Nagsimula na namang mag-init ang mata ko. Minsan talaga nababaduyan na ako sa sarili ko, tangina kasi.
Ang haliparot ng puso ko.
*********
Mensahe ng HOT na Author:
Napilitan lang talaga ako. Haha yan na Lorr ha, may pangalawang part pa po ito. Baka sa thursday ko pa ipost. BAKA haha.
Itutuloy ko pa siguro itey, pero hanggang limang chapters na lang (tapos na kasi yun) tsaka yung napangakuan ko ng Special Chapters na hanggang ngayon eh wala pa rin. Sorry.
Anyways g-graduate ako guyth, tungunu akala niyo puro kaharutan ako noh? Haha. Ge.
