Kasalukuyan kong tinititigan ang buwan, ganun talaga kapag hot dapat nagsesenti rin minsa. Dahil sa pagbisita ni Pope Francis ay walang pasok kaya eto ako, sinasayang ang oras ko sa pakikipagtitigan sa buwan, unang pumikit talo. Nawala ako sa konsentrasyon dahil sumulpot out of nowhere si Biyai (yung kapatid kong malaki ang mata), sinamaan ko siya ng tingin, pero sumuko rin ako ng tiningnan niya na rin ako. Wala eh, lugi ako sa mata niya.
"Bakit ka nandito?" Pagtataray ko.
Tumingin siya saakin gamit ang bilugan niyang mga mata at inirapan ako. "Bakit bahay mo?" Kahit hindi siya nakatingin saakin ay inirapan ko rin siya. Aba magpapatalo ba ako? Kalahi ko ata si Gabriella Silang!
"Hindi." Balewala kong sagot at nakipaglaban ulit ng titigan sa buwan.
"Di mo pala bahay eh." Pasimple ko siyang siniko sa mukha niya. Oo, pasimple kunwari natamaan ko lang siya nung nagkamot ako ng mata. Tamang galawan lang yan. Mwahahaha! Try niyo minsan.
"Aray!" Hindi ko na pinansin ang atribida kong kapatid, ganyan yan gusto lng ma-expose sa kwento ko, dakilang papansin eh.
Nang mapansin kong hindi pa rin siya umaalis ay binalingan ko na siya ulit ng tingin. Nakakainis kasi, ako lang dapat ang nakatayo sa may bintana at pinapanuod ang buwan ngayong malamig ang panahon. Kita ng nagdradrama ako eh. "Bakit ka ba kasi nandito?"
"May hinihintay lang ako! PAKI MO BA?!" Naiirita niya ring sagot. Lintsak na yan! Wala siyang karapatang sigawan ako! Hot kaya ako!
"Sino ba yan at bat pagkatagal tagal?"
"Basta." At dahil dakila akong hot pero curious eh inabangan ko na yung hinihintay nga daw nitong baluga na ito.
Ilang minuto rin ang hinintay ng hotness ko bago ko nakitang lumabas yung kapitbahay naming 'pogi', si Joshua ba yun?-wait lang.
Tonton! Tinanong ko pa sa kapatid ko eh. Hindi ko kasi kilala yung mga kapitbahay naman eh. Ganun dapat kapag hot. Noted?
Tiningnan ko siya ng may malisya sa aking mga mata. "Ah, siya." Ngumiti rin siya saakin na medyo 'pabebe'.
"Ah, malandi." Umalis na lang ako sa pwesto ko dahil natakpan na rin naman ng mga ulap yung buwan, wala na akong katitigan. Hay, unfortunate me. Pero bago ako umalis narinig ko pa si Biyai na nagsabing.
"At least yung crush ko, straight. Eh yung iyo? Alanganin." Handa na sana akong hambalusin ang lapastangan na itey kaso naalala ko, hotness is a virtue. Tama. Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso na papasok sa kwarto ko. Kapapasok ko pa lang sa kwarto ko ng sumigaw ni mama ang pangalan ko. Someone needs my help! Tentenententen! Charaught.
"PO?!" Padabog akong lumabas ng kwarto ko, kainish nemen eh.
"BUMABA KA NA DITO! MANUNUOD NA AKO!" Dali dali naman akong bumaba, manonood kasi kami ng Feng Shui, namirata ang nanay ko.
At dahil malakas ang power trip ko ngayon, bumaba ako ng sumisigaw ng "Ma may cake? MAY CAKE?!" Wala pang ilang segundo eh nagsibabaan din ang mga kapatid ko.
"ASAN ANG CAKE?!" Tungunu.
"Mga deadhungriness kayo." Isa isa naman akong inarapan ng mga kapatid ko, bali nakatanggap ako ng tatlo, tapos yung bunso kong kapatid na three years old ay sinigawan pa ako ng ...
"BABOY!"
Mensahe ng hot na awtor:
Meh.
