1

135 3 2
                                    

"Pads, si Jerome oh." Pang-aasar ni Mich, kaibigan ko.

"Paki ko? Tae, feeling pogi naman yan eh." Si Jerome kaklase ko siya nung second year, tapos naging crush ko siya nung third year. Hindi ko nga alam kung crush ba talaga yun oh, wala lang talaga akong magawa kaya, ginusto ko siya.

"Ayiiiee. Si mamu oh kinikilig." Si Aby, mamu tawag niya sakin kasi apo ko siya.

"Isa pa Aby, isa pa." Umalis na lang si Aby, at pumunta kila Yma.

Hindi naman sa pikon ako ha, nanggigigil lang talaga ako jan kay Jerome. Akala mo naman kasi kung sinong pogi. Jusko, wala pa nga siya sa kalingkingan ni Erick.

Second year kami, naging kaibigan ko siya, kaklase ko kasi siya nun. Tapos nung nag 3rd year na kami, hindi na kami magkaklase, napunta kasi ako sa section 1 tapos napunta siya sa section 3. Tapos yun naging crush ko nga siya ata, kasi magaling siyang maggitara. As in magaling, oo magaling talaga. Hahaha. Tapos medyo singkit pa siya. Uso kasi nun yung mga chinito, dahil kay Yeng.

Tapos kumalat yun sa section nila. Yun hindi niya na ako pinansin. Sows akala mo naman sobra yung pagkapogi niya, di naman eh.

Minsan nga pag-naiisip kong nagustuhan ko siya, gusto ko na lang sapakin yung sarili ko. Pero di ko ginagawa, sexy kasi ako.

*kriing kriing*

"Pads, akyat na tayo. Di pa ko tapos sa take home test sa Math eh." Si Kit, malaki braso niyan! Hahah! Maganda toh neng, magaling kumanta, matalino at mabait pa. Kumbaga para sakanya yung kantang 'neseye ne eng lehet' ni DJ. Hindi ako exagg ha, maganda talaga toh. Kaso lang napakaduwag. Tapos kung makatawa akala mo nare-rape. -,-

"Oy, Mich, akyat na tayo." Ayun si Mich, hanggang ngayon di pa tapos kumain.

"Wait lang, di pa ko tapos kumain oh." Sabay kagat ng pagkalaki-laki. Sa totoo lang kanina pa kami tapos kumain, tapos si Mich wala pa sa kalahati.

Pano ba naman kasi ang daldal.

"Tapon ko na lang kaya toh?" Tanong niya samin, siya na lang kasi talaga yung hinihintay namin.

"Weh, ganyan ka eh. Rits kid ka kasi kaya tinatapon tapon mo lang yan. Alam mo bang may mga batang nagugutom tapo-"

"Oo na, tae uubusin ko na." Hahaha!

******

"Mother, pinapatawag ka ni Ma'am Senador niyo." Pagkatapos ng recess umakyat na kami sa classroom namin, naghiwalay na kami ng 'landas' ni Mich, di kasi namin siya kaklase. Si Kit lang kaklase ko. Pagkaakyat namin, lumapit sakin si Kheil, anak-anakan ko.

"Bakit daw?"

"Aba malay ko. Di ko naman teacher yun eh. Pinatawag ka lang sakin." Sabi niya na para bang naiirita.

"Oh easy, pare. Iyak ka na eh."

"Gago." Umakyat na lang ako sa Science Department. Kumatok muna ako bago pumasok.

"Good morning Ma'am." Lumapit na ako sa table ni Ma'am Senador, Physics Teacher namin.

"Time ko sainyo ngayon di ba? Tanongin mo nga kung pwede kong hiramin yung oras ng susunod sakin. Pati yung last subject niyo." Ah, oo nga pala. Nasabi samin ni Ma'am na manonood daw kami ng movie. Science Month kasi ngayon, isa yun sa mga activities nila.

"Osige po Ma'am."

"Akyat na lang kayo sa AVR ha. Ikaw ng bahala."

Pinaalam ko na sa teacher namin na hihiramin ni Ma'am yung time nila. Pumayag naman sila kasi ewan. Ayaw din ata nila magturo. Hahaha!

"Oh, Ricarte, pumila na sa labas. Aakyat tayo sa AVR, manonood daw tayo sa Science ngayon." Pagkatapos nun, nagwala na nga yung mga kaklase ko. Parang mga hayop na nakawala sa kulungan nila eh. Naiintindihan ko rin naman sila, pano ba naman kasi torture ang Physics.

Nasa AVR na kami ngayon, akala ko kami lang na section ang manunuod, hindi pala. May kasama pa kaming ibang section, tapos may Grade 7 pa. Nasa kalagitnaan na nga ng movie yung naabutan namin.

"Hallaaa!" At ayun tumili na nga si Kit, yung pinapanood kasi namin eh yung boyfriend niya daw.

"Pads, ampogi ni Ender!" Hinayaan ko na lang siya, minsan lang kasi yang lumandi. Jan lang siya humaharot, sa mga imaginary boyfriends niya. Di siya gumaya sakin, hindi talaga humaharot.

"Uy, neng!" Bigla na lang sumulpot tong si Mich sa tabi namin. Nice, gumawa na naman siya ng paraan para makanood din sila. Hahah!

Pagkatapos ng movie, pinababa na yung ibang section kasama na sila Mich, pati yung lower years.

"Erick!" Tiningnan ko naman yung pinangalingan ng pagsigaw, at ayun nakita ko siyang nakikipagharutan sa ibang babae.

Alam niyo ba yung feeling na naiiyak ka na lang kapag nakikita mo siya? Nakakainis kasi eh, nakakagago yung feeling.

Ayoko pa namang nakikita ako ng ibang tao na umiiyak. Hello, may pagka-action pinapanood namin, tapos iiyak ako? Muntanga lang.

Ang Hot ni AuthorWhere stories live. Discover now