2

77 2 3
                                        

♪Almost, almost is never enough

So close to being in love

If I would have known that you wanted me the way I wanted you,

Maybe we wouldn't be two worlds apart, but right here in each other's arms♪

"Tae, patayin niyo nga yang tugtog na yan."

"Hahaha! Bitter ka kasi. Hahahaha!" Sige pa Lorraine, sige pa.

-_______-

Nakakabanas kasi yung kumakanta eh. Sus, edi si Ariana Grande na nga ang maganda. Punyeta, edi kay Ariana na siya.

Nandito kami ngayon kila Lorr, ako, si Lorr (malamang), si Aby, Diwdiw, at si Yma. Gusto kasi naming panoorin yung I Spit on your Grave. Hindi madumi ang utak namin ha, open-minded lang talaga kami. -,-

Well, andito pa kasi yung kapatid ni Lorr kaya hindi pa kami makapanood. Bata pa kasi yum eh. Hahahaha.

Kaya heto, nagpapatugtog na muna kami.

Pagkalabas ng kapatid ni Lorr, nanuod na kami.

"Nagda-drive nanaman siya." Sabi ni Yma, lagi kasing nagsisimula yung movie sa pag-da-drive nung bida.

Hindi na rin naman namin natapos yung movie, gasgas kasi yung cd kaya iba na lang pinanood namin. Pagkatapos nung isang movie, hindi na rin kami nanood. Kumain na lang kami habang si Yma gumagawa project sa Math.

"Buti hindi ganyan yung project namin. Ang hirap ha." Pinanood ko si Yma habang ginagawa yung project niya sa Math. Hindi ko kasi siya kaklase eh.

Kawawa yung mga mababa ang score sa prelim dito eh. Yung project kasi, yung preliminary test. Yung mga mali mo dun, sasagutan mo ulit, dapat tama na. Tapos may solution pa at explanation.

"Ganito rin project niyo no, pareparehas lang naman tayo ng project." Aray ko bhe.

"Yma, save mo jan yung ginawa mo ha." Sabi ni Lorr habang hinahanda yung kakainin namin, pansit canton.

Mautak talaga si Lorena. -___-

"Ang Math parang Love, napakakomplikado." Kruu kruu.

Tinarayan ako ni Lorr, at tiningnan lang ako nang masama ni Aby at Yma.

"Hahahahaha! Ang galing mo Mother! Hahahaha!" Hay, hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil natawa si Diw diw or maooffend ako eh.

Habang nagtatagal, sinakyan na rin nila yung trip ko. Lahat ng bagay, kino-connect namin sa love. Napansin ni Lorr, na pati si Diwdiw eh nakikisali na rin. Maiintindihan ko kung nakikisali si Aby at si Lorr, may mga pinagdadaanan toh eh. Pero si Diw? Bata pa kaya to.

"Oy, Diw, bat ang lalim mo? Hugot ha." Lorr

"Grabi Mommy D, baka may tinatago ka na samin ha." Aby.

"Hala, wala yun. Nakukuha ko lang sa wattpad. Hahaha." Oo nga, ako nga rin maraming natututunan na kalandian sa wattpad eh. Pero di ko naman ginagawa, sexy kasi ako.

Habang hinihintay namin si Yma matapos. Bigla na lang kami napunta sa seryosong usapan.

"Bhe, bakit di na kayo nag-uusap ni Erick." Tanong ni Yma kay Aby.

Napansin kong napatingin sakin si Lorr.

Tae, ayoko ng usapan na toh eh.

"Malay ko dun." Sabi ni Aby at nanahimik.

Si Aby, may crush siya kay Erick. Nung 3rd year kasi kami, magkaklase kami nito. Tapos yun, parehas kaming may crush kay Erick nun.

Sa pagkakatanda ko, January nagsimula yun. Sinabi ko kay Erick na may gusto nga kami sakanya. Kaibigan ko si Erick eh, sobrang dikit kami nun nung second year. Kaya wala lang nung umamin ako na crush ko siya. Walang malisya kumbaga.

Tapos simula ng sinabi ko na may crush si Aby sakanya, naging close na sila. Lagi na silang magka-chat, magkatext. Okay lang naman sakin yun eh. Syempre crush pa lang naman. Tapos ayun. Bigla na lang nangyari.

Sa love kasi di ba, walang warning-warning. Walang pasapasabe, bigla bigla na lang.

February nung nagalit ako sakanya. Nalaman ko kasi na may gusto na siya kay Aby, walang kaso sakin yun. Okay lang, na may gusto siyang iba. Para kasi sakin, okay na nagmahal ako. Okay lang na hindi ako mahal ng taong mahal ko. Kailangan naman kasing pagdaanan ng lahat yun. Hindi naman lahat ng taong makikilala mo, magugustahan ka.

Nagalit ako sakanya nung nagsinungaling siya sakin. Tinanong ko kasi siya, kung may gusto na siya kay Aby, sabi niya wala. Inulit ko pa nga yung tanong ko pero, nakulitan na ata sakin. Kaya, naniwala ako. Kaibigan ko yun eh, may tiwala ko dun. At isa pa, mahal ko siya eh, ano pa ng ba?

Pero ng kinausap ko si Aby, sinabi niya skin lahat. Puta, nakakainis na siya pa yung gagawa sakin nun. Siya pang kaibigan ko.

Ang sakit kaya pagniloko ka ng kaibigan mo. Try niyo minsang magbestfriend magsinungling sa isa't isa.

Simula nung pag-aaway namin, hindi na kami nagpansinan. As in wala na talaga, kulang na nga lang i-block ko siya sa facebook eh. Kaso di ko naman kaya.

"Oy, may sasabihin ako sainyo." Biglang sabi ni Aby. Napansin kong seryoso siya, kaya nanahimik ako.

"Wag niyong sasabihin toh ha." Tumango naman kaming lahat, aba chismis din toh noh.

"Ang totoo kasi niyan. Kaya hindi kami nagpapansinan ni Erick, kasi sinabihan niya akong kalimutan ko na daw siya." Pagkatapos kong malaman kung tungkol kanino yung pag-uusapan nagkunwari akong may ginagawang iba. May isang part sakin na ayaw makinig, pero may isang part pa rin na gustong malaman yung dahilan.

"Tinext niya kasi ako, sabi niya, wag ko na daw siyang itext, kalimutan ko na daw siya, ginugulo ko raw yung pagkatao niya."

Sapul. Yan, sige Pads, makinig ka pa.

Naramdaman ko namang nakatingin sakin si Lorr at si Diw, malamang alam nila toh eh. Alam nila yung kagagahan ko.

"Wag kang magagalit mamu ha."

"Baliw. Hahaha!" Pinilit ko na lang tumawa kahit ang sakit sakit na.

Dyan naman magaling ang mga babae eh, magpanggap na masaya kahit hindi naman talaga.

Binalik namin yumg masayang atmosphere, nagtawanan, nagkulitan. Tiniis ko na nga lang muna yung sakit eh. Tutal, maggagabi na, at malapit na rin naman akong umuwi.

Ang Hot ni AuthorMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon