3

62 2 0
                                    

"Ricarte, form two lines outside. Now." Sabi ng adviser namin, english teacher din namin siya. Kakatapos lang ng recess ngayon at eto na nga nakapila na kami sa labas.

"Ma'am san po tayo pupunta?" Tanong ng isa sa mga kaklase kong 'lalaki', si Jayvee.

"You'll be going to heaven." Sagot ni Ma'am.

"Whooooooow." Sigawan naman ng mga lalaki samin. Mga tarantado toh eh, kahit teacher pinagtitripan ng mga to.

"Uy, guys tahimik na." Pagsasaway samin ng class President si Haide.

Umakyat na kami ng AVR, dito naman kasi madalas maganap ang mga activities eh.

Pagkapasok namin, may ibang section na rin ang nandito. Kaya napapwesto kami sa bandang likod. Grabe nga, dahil sa sobrang daming tao, nawalan ng silbi yung aircon, nangamoy paa pa.

Well, as usual, late nanaman kami dumating. Kaya heto, kalahati na naman ang nadatnan namin. Helen of Troy at Odyssey ang pinapanood, buti na lang at nag-advanced study ako para sa lesson na toh. Kung hindi, baka hindi ko na naintindihan yung movie.

"Shit, Pads, ang pogi ni Achilles." At eto nanaman po si Kit, kinikilig kay Brad Pitt. Pati si Brad Pitt hindi pinalagpas eh.

Well, pogi naman talaga siya. Kaso lang hindi ko makita. Nasa bandang likuran nga kami di ba? Tapos malabo pa yung mata ko. Kumusta naman anern?

Buti na lang kamo, malaki sulat ng subtitles, kung hindi baka natulog na lang ako dito dahil hindi ko naman mapapanood to.

Habang trying-hard akong nanonood, naramdaman kong may bumato sakin ng malagkit na bagay.

"Hahahahaha!" Yan, para na namang ni-re-rape si Kit kung makatawa. -_-

"Punyeta, sinong nagbato?" Tae, nandun na ako sa climax ng movie eh, magpapakita na ng abs si Achilles, tapos mabibitin lang dahil sa Kettle Korn? Nyemas naman oh.

"Hahahahaha! Pads hahahah nakita ko si hahaha si hahaha Yabes yun hahahaha!" Hindi ko nga alam kung bakit tawa ng tawa pa rin toh si Kit eh, ang babaw talaga ng kaligayahan nito.

"Bakit ka nambabato?" Hininaan ko na lang yung boses ko, mamaya niyan marinig pa kami ng ibang estudyante at isumbong kami sa Coordinator ng English Department at mapalabas pa kami.

"Bakit? Nakita mo? Ako ba?" Punyetang Yabes toh. Kahit kailan talaga napakadakdal, isang tanong lang naman, ang dami ng sinabi. Halatang deffensive eh.

"Ewan ko sayo." Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagpapantasya kay Achilles. Whooooo! More more! Wahahaha!

Naramdaman ko namang may tumabi sakin, may space pa kasi sa kanan ko, nasa kaliwa ko kasi si Kit.

Si Yabes lang pala. Hindi ko na lang siya pinagsayangan ng oras, at tumutok na lang kay Fafa Achilles. *0* Ang hot niya. Hihi.

Huhuhu! Naiiyak ako kay Hector grabe ang hot niya. Tapos ang tapang niya pa. Tapos, halatang mahal na mahal niya yung asawa't anak niya.

"Hay, bilang na lang talaga ang mga lalaking totoong magmahal. Buti pa si Hector, di katulad ng iba jan."

"Problema kasi sa inyong mga babae, hindi niyo kami iniintindi." Bigla bigla na lang umentrada si Yabes. Hala, tinamaan ata? Wala kaya akong pinapatamaan -,-'

"Sus. Akala niyo lang yun. Lagi naman namin kayong iniintindi eh. Kaso nakakapagod lang." Hindi ko na lang san siya papansinin. Kaso, malakas ang power trip ko ngayon eh.

"Kayong babae naman kasi ang nagpapahirap sa sarili niyo. Asa kayo ng asa, tapos pag nag-expect kayo, masasaktan kayo. Tapos sisisihin niyo kami. May sinabi ba kaming umasa kayo ha?" At bat naman kami napunta sa mga paasa? -_-

"Eh bat tayo napunta sa paasa? Tsaka hello, kung hindi naman kayo nagbibigay ng motibo, hindi kami aasa. Punyeta, problema kasi sainyo mga pafall kayo. Isang minuto ang sweet niyo, sa susunod, ang cold niyo. Mas masahol pa kayo sa babae." Hugot, ako mga pare.

"Namimis-interpret niyo lang yung mga actions namin. Kaming mga lalaki natural lang na sweet kami noh." Sweet? Lolo mo, sweet.

"Sabihin mo, natural lang sainyong maging malandi. Hindi kayo kuntento sa kung ano mang meron sainyo."

"Hoy, kahit naman, nakikipaglandian kami sa iba. May nag-iisa pa rin sa puso namin!" Oo, pasigaw yan. Ilang beses na kasi kami nag 'debate' tungkol sa mga ganitong issues. Kasi kung hindi niyo man naitatanong, itong si Yabes, ay isa ring malanding lalaki. Kaya ganyan yan kadeffensive.

"Edi inamin mo ring malndi kayo. Atsaka ayun na nga eh, may mahal na kayo tapos nakikipaglandian pa kayo. At sino kawawa yung nilandi niyo di ba? Hindi naman kasi aasa yun kung hindi mo nilandi. Mga pafall kasi kayo. Ang bilis niyong dumating tapos ang bilis niyo ring umalis. Mga leche!"

"Pads, easy." Napansin kong karamihan na pala ng estudyante eh nakatingin na samin. Shet, nakakahiya.

Pinagpatuloy ko na lang ang panonood, buti na lang medyo matanda na yung Coordinator, kung hindi napalabas na kami.

"Hindi ka pa kasi nagkaka-boyfriend. Kaya ka bitter." Rinig kong bulong ni Yabes.

"Hindi ko kailangan nun. Kaya kong mabuhay ng walang lalaki." Napaisip naman ako bigla, hindi ko nga ba kaya? Pano na si Louis? Si Taylor York, si Jeremy Davis? Si Nash Grier, si Chris? Pano na ang Damon brothers? Si Asa Butterfield? (Kit, oh) si Matt Espinosa? 

Pano na yan? Wala ng makakaappreciate ng kasexyhan ko?

"Sus. Malandi ka lang kasi." Dagdag ko pa. Manahimik ka na lang Yabes. Please, patahimikin mo na ang kaluluwa ko.

"Okay lang at least hindi pangmatanda ang pangalan ko. Ha! Maria Leticia." Punyeta, pati ba naman pangalan ko dinamay? Tae, ang baho pa naman pakinggan.

"Hah! Ano naman? John Dave?" Okay, that doesn't make sense. Ang ganda ng pangalan niya eh. Madaya. Booooo!

"Ano naman? Leticia?" Wahhh! Tama na! Huhuhu! Madaya siya eh.

"Okay lang, Dave."

"Pads, tama na." Pagpipigil samin ni Kit. Huhuhu.

"Kit, siya na nguna eh." Mukha ako ditong batang nagsusumbong eh.

Napailing na lang si Kit at pinagpatuloy ang panunuod. Nanuod na rin ako, pramis, seryoso na toh. Di ko na papansinin yung gunggong na katabi ko.

Habang nanonood ako, napatingin ako sa bandang harapan ng mga manonood, nakita ko kasi si Aideleen. Kaklase ko last year. Wala lang bigla na lang kasi akong napatingin. Napansin ko rin na nadun banda si Ceejay, crush ko last year. Haha. Hindi ako malandi noh, sexy oo.

Nakita ko naman si Yma, wuy! Hahaha! Kahit maliit si Yma nakita ko siya. Nice, improving.

Bigla ko namang naalala, kaklase nga pala niya si Erick. Oh shit, pumasok kaya siya? Di ko siya nakita kaninang recess eh.

"Kit, peram salamin."

San na ba yun?

Alam niyo yung feeling na, ayoko siyang makita na gusto ko? Baliw na talaga ako.

At pagkatapos ng mahaba habang paghahanap. Nakita ko na rin siya. Nakasuot na ulit siya ng eyeglasses. Dati kasi tinanggal nya na yun. Tapos nagpagupit na rin siya.

Tae naman Erick oh. Bat lalo kang pumogi? Pano ako makakamove-on nito aber? Teamwork, pare. Makisama ka naman. Hay.

"Di bagay sayo. Mukha kang matanda." Narinig kong pang-aasar ni Yabes skin.

Hindi ko na lang siya pinansin. Wala kasi yang friends. Haha.

Ang Hot ni AuthorWhere stories live. Discover now