MENSAHE NG HOT NA AWTOR:
DEDICATED KAY LORENA DAHIL ANG HOT KO! HAHAHA!
|papunta na kmi|
Napakamot ako sa ulo ko dahil sa message ni Sexy Love. Pagtingin ko sa oras, 8:16 na kaya nagmadali na akong maligo. May date kasi kami ni Sexy Love. Mwahaha! De joke, nagpapasama sila sa FEU Tech, mag e-entrance exam kasi sila, eh hindi nila alam yung papunta dun kaya sinamahan ko na. Isa kasi akong nilalang na hot na may busilak na kalooban.
|san k na? sa 7 11 kmi|
Dahil wala akong load, hinayaan ko na lang muna siya. Ang usapan namin kagabi 8 am kaso sabi ni Lorr 9 na lang, may hinihintay pa kasi siya. Kaya kahit 'medyo' natadtad na ako ng text kung nasaan na ako eh, hindi pa rin ako umalis. Ma-o-op lang ako dun kapag maaga akong pumunta. Kaya kahit nakabihis na ako't lahat lahat eh humilata muna ako sa kwarto, hihintayin ko munang mag 8:45, dun na ako aalis.
Maya maya rin lang ay tumawag na si Lorr. Pinapapunta na ako sa Multi, papunta na rin kasi siya. Sumakay na ako ng trike, papuntang labasan. Hindi rin naman ako naghintay ng matagal, kasi dumating din naman agad si Lorr. Hinanap namin si sexy love tsaka si Yabes, sa 7 11 kaso wala na sila. Panigurado nauna na yun.
"Text mo nga sila Lorr, kung nasaan sila." Sabi ko kay Lorr, habang naghihitay kami ng masasakyan. Kahit alam na namin na nauna na sila eh, hindi pa rin kami umalis. Wala lang, trip namin tumambay sa gilid ng kalsada bakit ba.
Nag-usap lang kami tungkol sa mga pogi. Yun lang, tapos ini-stalk na rin ni LORR, oo si Lorr lang yung nag-stalk ha, hindi ako kasama kasi ang mga hot na katulad ko hindi nag-s-stalk. Yun na nga inistalk ni Lorr (mwahahaha) yung pogi na nag career orientation saamin na may anak na pala. Alam mo yung sayang? Kami yun eh! Haha!
Napanguso na lang ako dahil sa nalaman ko, wala eh. Gusto kong kumanta dito mismo sa kalsada ng ♪♪Nanghihinayang nanghihinayang ang puso ko♪♪ yun lang, paulit ulit lang na ganun.
"Halika na nga, sumakay na tayo." Sumakay na kami sa jeep na papuntang LRT. Sa buong byahe, eh yung mga kalokohan lang ng mga kaklase ni Lorr ang pinag-usapan namin. Ang awkward nga eh, kasi kami lang ni Lorr yung maingay sa jeep. Dati pa naman naiinis ako sa mga ganun, yung mga nagdadaldalan sa jeep na pagkaingay-ingay, hindi ko naman akalain na magiging isa ako sakanila.
Mga passed 12 na kami nakarating sa FEU kasi naligaw kami. Haha. Wala eh, pabida ako bakit ba, nakarating pa nga kami ng UST eh. Haha. Punyeters, mukha lang kaming gusgusin sa tabi ng kalsada. Pero hot pa rin naman ako, hindi naman mawawala yun.
Dahil nga sa sobrang pagod namin sa paglalakad eh kumain muna kami sa malapit na kainan, ang Greenwhich. At naalala ko na naman po di Vista mga kaibigan. Haha.
"Ilang oras ba yung test Pads?" Tanong ni Lorr habang hinihintay namin yung order.
"Mga isang oras tapos may mga kaekekan pa. It-tour pa kayo. Kaya mga 2 hours din." Napakunot ang noo ni Lorr dahil sa sinabi ko.
"Text nga natin sila Narjay, okay lang na ma-OP ako sakanila wag lang akong mag test mag-isa noh." So habang wala pa nga yung inorder namin eh, tinawagan namin sila Yabes.
"Hello?" Binigay saakin ni Lorr yung phone niya nung sumagot na sila Yabes.
"Hello Pads?" Rinig kong tawag ni Yabes mula sa kabilang linya.
"Oy. Di kayo magt-try sa FEU?"
"Hindi na ata, pagod na kami eh. Tsaka hindi namin alam papunta jan." Napamake face na lang ako dahil sa sinabi ni Yabes.
