7

31 3 2
                                    


"Pads!" Bored kong tiningnan si Mich. Tsk. Bwisit na periodicals yan. Pinadugo ng husto ang utak ko.

"Oh?"

"Punta tayo kila Lorr." Sabi niya ng may malaking psingi sa mukha. Mwahahahaha! Si Mich kasi ay nawawalang kapatid ni Jollibee. Ganun kalaki ang pisngi niya, na kahit hindi siya nakangiti lumulutang pa rin.

"Hindi ako pwede eh. Gagawa kami ng project sa bahay." Parang gusto ko tuloy mag-suicide dahil sa lintik na project na yan. Wala rin naman akong nagawa kundi pumayag kay Janmel na sa bahay na lang kami gumawa. Eh leader siya eh, at ako ay isang hamak lang naman na hot na miyembro ng grupo niya. Hay, life is indeed unfair.

"Ano ba yan! Bat kasi ngayon lang gagawa? Napakaraming araw para gawin yan, hindi pa tinapos." Sabi niya ng nakasimangot pero malaki pa rin ang pisngi. Wala eh, hindi ko maiwasang hindi mapansin ang pisngi niya. Hindi siya si Mich kung maliit ang pisngi niya. Ang hot ko talaga.

"Tanong mo dun sa magaling kong lider!" Buti na lang at wala ng masyadong tao sa floor na toh kaya pwede na kaming magsigawan kahit magkaharap pa kami.

"Sino ba yan ha?!" Tapos nagpose siya na parang makikipagsapakan. Hindi ko nga pinansin, pagkahyper ng babaeng itey. Sumasakit ang side bangs ko!

"Tutuloy ka pa kila lorr?" Naiinggit talaga ako at hindi ako makakanuod! Hmp! Kainis talaga! Bakit kasi kailangan group project pa? Eh dadalawa lang naman kaming gagawa. Nakakainis yung ganun ano? Yung leader tsaka assistant leader lang yung gumagawa tapos yung ibang members hindi naman nagpaparticipate. Tapos may grade pa sila, hanep eh. At opo, may pinagdadaanan ako! Hindi ako nakakain kaninang recess dahil sa project na yan. Ang sakit na tuloy ng tiyan ko. Hindi na nga ako makapaglakad dahil sa sakit ng tiyan ko eh. Hindi po ako oa, ganun lang talaga kapag hot. Tsaka tiyan ko ang pinaka sensitive na part ng katawan ko ano. Maraming part ng katawan ko ang naaapektuhan kapag masakit ang tiyan ko eh. Katulad na lang ngayon, nahihirapan na akong maglakad ng maayos. Worst na pwedeng mangyari ay ang magka-amnesia ako. Nasa tiyan ko kasi located ang utak ko. Kaya ganun kalala ang nangyayari. Tsaka kapag hot dapat talaga nasa tiyan ang utak, isa yun sa requirements. Noted?

"Hindi na sasama na lang ako sainyo." Sabi niya sabay angkla sa braso ko.

Sakto namang lumabas si Kit. "Kit sasama ka kila Lorr?" Tanong ni Mich kay Kit.

Katulad ko ay napasimangot din si Kit. "Hindi eh, tatapusin ko pa yung portfolio ko sa VE." Di ba? Habulan kasi ng mga requirements ngayon. Gawaan na rin kasi ng grade.

"Oh, jan ka na lang kay Kit sumama, hindi ko siya masasamahan eh." Nagpapasama saakin kanina si Kit na gumawa ng portfolio niya sa VE kaso may gagawin din kami. Tsk. Ayoko talaga ng nagpapapunta sa bahay, dagdag palamunin eh. Tapos kailangan mo pang asikasuhin. Buti sana kung kaibigan mo, di mo na kailangan mag-effort kasi wala ng hiyaan. Eh madalas di ko naman ka close yung mga pumupunta saamin. Tapos minsan mga demanding pa ang mga alipin. Sila na lang nakikikain sila pa namimili! Usapang pagkain na naman tayo, naaalala ko tuloy na hindi ako nakakain. Ang hot ko talaga.

"Sige sayo na lang ako sasama kit!" Pumasok na si Kit sa loob ng room kasi may aasikasuhin pa ata siya. Ewan. Pumasok na rin lang kami, naeexpose ang hotness ko sa labas ng room eh.

"Oy, mits pano pala yung sa TUP? Tuloy ba tayo bukas?" Tanong ko pagkapasok namin.

"Ay oo nga pala. Kuhain natin yung grades natin sa Accounting office required daw yun eh."

"Pads, wait sabay na ako." Sabi ni Haide, sasama rin siya bukas.

Iniwan muna namin si Janmel tsaka si Kit sa room, hindi kasi kukuha si Kit sa TUP, rits kid kasi yun. Medical course ang kukunin.

"Kit jan ka lang ha! Wag kang bababa! Wag kang gagalaw. Babalikan kita." Madamdaming pahayag ni Mich habang palabas kami ng room.

At dahil dakila akong hot na papansin nakigaya rin ako.

"Wag kang hihinga Kit!"

Pinalo naman ako ni Mits dahil sa sinabi ko at tumingin saakin ng nakasimangot.

"Hindi pwedeng hindi siya huminga Pads." Sorry na, isa lang naman akong hot na tao, nagkakamali rin.

"Bakit?" Inosenteng tanong ko.

"Hindi makakahinga ang braso niya. Mawawalan tayo ng kaibigang may malaking braso ano. One of a kind ang braso ni Kit, mahirap palitan."

Ang Hot ni AuthorWhere stories live. Discover now