Chapter 5: Work ❤

342 12 1
                                    

1 month..

1 month na din ang nakalipas after that break up with Anthony..

With Cla's help, heto ayos naman na ako.

Andito ako ngayon sa office.

Wala namam ng masyadong ginagawa.

Hmmm.. makapag-facebook nga.

Simula nung break up, pinagbawalan ako mag facebook ni Clarisse. Pano kase baka mag-stalk lang daw ako sa profile ni Anthony. Tsk.

Nag log in ako.

5 friend request
7 messages
25 notifications

Hmm.. eto na nga ba ang epekto ng di nag-oopen eh..

Tinignan ko ang friend request..

Josh Peter Ramos

Oh my! Si Jp! Hmmm.. why not? Baka naman kami pa din in the end? Hoho!

Inaccept ko siya.

Yong iba di ko kilala. Tsk.

Browse na nga lang ako ng newsfeed.

"Oops. Bawal sa oras ng trabaho mag facebook.."

What the?? Tumingon ako sa likod ko.

Si Marky Sarmiento, bago yan dito eh. Tsk. Feelingero. Kung makasita eh akala mo boss..

"And so?" Naiinis kong sabi.

"Oops. Sungit naman Ms. Perez."

Pa-cute pa niyang sabi.

"Anong kaguluhan to?"

Aba, etong si Clarisse, umeeksena. Ang lakas pa naman ng boses nito.

Nag-death glare ako kay Cla at sinenyas yong screen ng pc ko.

"What? Bakit nagbukas ka? Hmp!"

Oh no! Ayaw nga niya pala mag-open ako. Hmp! Kasalanan to ni Marky eh.

"At ikaw Marky. Trabaho ka na nga lang. Hmp! Kj!"

Sabi naman niya kay Marky.

"Teka, tabi ka nga diyan at ako mag-oopen."

Tapos hinila niya ako at umupo siya sa tabi ko at nilog out ang account ko.

"Teka. Daya naman.." sabi ko.

Si Marky, di na nagsalita. Ayun, bumalik na sa table niya which is likod ng table ko.

Si Clarisse naman, medyo malayo table niya saken pero ayon, dayo ng dayo sa pwesto ko.

Sakto naman paglapit ni Sir Greg, ang Audit Manager namin.

"Ms. Anika, Mr. Marky, get ready for tomorrow. Kayo ang incharge mag audit sa month end inventory sa Pasig Branch."

Sabi samin ni Sir Greg.

Waahh! End of the month na pala ulit.

"Sir, puwede sumama sakanila?"

Aba! Believe naman talaga ako kay Cla ah. Sinabi talaga kay Sir Greg.

"Ms. Clarisse, why are you here at Ms. Anika's table? At hindi puwede, may ipapa-audit ako sayong iba. Follow me."

Ayun. Oh.. oh.. ano ka ngayon Cla? Hehe.

Pero seriously, si Marky ang kasama ko tom? Hmp! Not bad. Ok naman performance niya sa work eh.

**********

Kinabukasan...

Hinatid kami ni Marky ng Company driver dito sa Pasig. Mag-iinventory kase kami ng mga stocks.

My Break Up StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon