Chapter 14: Note ❤

174 9 0
                                    

Okay. As usual, andito na ulit ako sa office. Wala pala si Sir Greg. Naka-leave siya eh.

Last week na din eto ng pasok tapos bakasyon na. Next year na balik namin.

Pasko na! Hayz.

Malamig ang pasko ko! Choz!

"Marky, tara kain tayo sa baba."

Narinig kong tawag nila Kevin at Leo sakanya. Sus. Porke wala si Sir Greg oh, sinasamantala ng mga to mag breaktime.

Usually kase pag umaga, di kami nagbrebreak. Pag lunch at hapon lang.

Napansin ko naman ang pagtayo niya at pagdaan sa harapan ko. Hmp!

"Anika, sama ka?"

Tanong naman ni Kevin.

"Nope."

Sagot ko habang nakatuon lang mata ko sa monitor ng computer ko.

"Okay.."

Maya maya, tumingin ako sa paligid. Wala na nga sila. Hmm. Much better. Punta na nga lang ako sa table ni Clarisse.

"Oh, asan si Ruth?"

Napansin ko kaseng wala din sa table si Ruth. Magkakatabi sila nila Leo, Cla at Ruth. Sa kabilang side naman kami nila Marky, ako at Kevin. Pero, medyo malayo pwesto nila samin. May harang kaseng filing cabinet.

"Hmm. Naka leave eh. Masakit daw ulo."

Sagot naman ni Cla.

"Teka, napapadalas ka ata dito sa table ko?"

"Tse Cla! Wala kase ako kasama sa kabila."

"Ah oo nga pala, nagmeryenda pala yong mga audit boys.."

Kring!!!

Nagriring phone ni Cla. Malamang si bf na naman niya. Hmp!

"Yes sir, good morning.."

"Ah okay po, tignan ko po sa table niyo.."

"Sige po sir, ako na bahala.."

Yon lang naman narinig ko na sabi ni Clarisse sa kausap niya.

Bago pa ako makapagtanong, nagsalita na si Cla.

"Si Sir Greg yong tumawag.."

"Oh, bakit daw?"

"May pinapakuha na folder sa table niya eh, tara samahan mo ako.."

Pumunta kami sa table ni Sir Greg, ayon nahanap naman agad ni Cla yong pinapakuha ni Sir Greg.

Employee's information sheet laman nong folder. Nag-uupdate kase ang HR. Yon yong finill-up-an namin last week. Ipapasa daw sa HR Department. Lahat kami sa audit, nagfill-up noon.

"Oops teka.."

Sabi ni Clarisse pagkakuha nung folder at umupo pa saglit sa upuan niya.

"Oh bakit? Diba ipapass yan sa HR?"

"Uhm, may iphophotocopy ako saglit. Diyan ka lang."

Tapos, nag photocopy naman siya.

"Oh, eto sayo na."

May iniabot siya saking papel, pagtingin ko, information sheet ni Marky.

"Para san to Cla?"

"Hindi ka ba intresado sa personal information ni Marky? Andiyan ang bday niya, age, address, uhmm.. civil status! Hay naku! Diyan ka na nga, basahin mo nalang! Sige, punta na ako ng HR!"

My Break Up StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon