Chapter 19: Home ❤

192 12 0
                                    

Andito na kami sa kotse ni Clarisse pauwi ng Pampanga. Sinundo kami ng driver nila, gamit yong honda civic nila. Bigla ko naisip si Marky, wala man lang siya sinabi kung magkikita ba kami sa Pampanga ngayong bakasyon. Hmp!

"So, kumusta naman panliligaw ni Marky?'

Tanong saken ni Clarisse.

Napangiti nalang ako.

"Aba, Anika! Anong ngiti yan ha?"

"Wala lang Cla, noh?"

"Asus! If i know, matagal ka ng inlove diyan sa Marky na yan eh. Deny ka pa eh."

Tapos tumawa pa siya.

"Anong matagal ng inlove? Tsk!"

Tapos sinimangutan ko nga siya. Nang-aasar eh.

"Anika, kilala kita. Since highschool hanggang magkawork tayo, magkasama na tayo kaya puwede ba? Huwag ka na magdeny diyan na parang teenager pa!"

Hay! Si Clarisse talaga oh?

"Naku Cla, hindi naman sa inlove ako sakaniya noh? Lagi lang kami magkasama sa audit kaya siguro ganito."

"Eh, bakit tayo? Magkasama tayo lagi? Magkatabi pa nga tayo diba? Bakit di ka mainlove saken?"

Natatawang sabi ni Cla.

"Hay naku Cla! Baliw ka talaga!"

Tapos tumawa ulit siya. Baliw nga talaga.

"Pero, seryoso, kelan mo sasagutin si Marky?"

"Ewan ko..."

Nasabi ko nalang.

"Anong ewan mo? Eh type mo din naman diba? Naku Anika, hindi na uso ang pakipot! 23 ka na noh? Hindi ka na teenager!"

"Hmm. Hindi sa ganun Cla.."

"Eh ano? Simple lang naman Anika eh, kung type mo eh di go, kung hindi, sus eh di dapat binasted na. Huwag na paasahin."

"Type? Oo. Alam mo Cla, nung nagsabi siya saken na gusto niya ako ligawan, ang saya ko. Kahit through phone call lang yon. Super saya ko. Pero, alam mo yong feeling na baka matulad lang sa mga ex ko---"

Hindi na ako natapos sa pagsasalita kase pinutol ni Cla yong sinasabi ko.

"Oops! Nika! Puwede ba? Huwag ka nga nega! Hayaan mo nga muna yang mga bad experience mo sa mga ex mo. Kuwento niyo eto ni Marky kaya wala sila kinalaman doon. Malay mo, eto na ang happy ending mo."

Si Clarisse oh, kung makapayo nga naman. The best.

"Ewan ko eh. Alam mo yong feeling na baka one day, mangyari ulit yong noon. Tapos, ibre-break din lang ako."

"Hay naku, Anika! Ano ba? Hindi mo pa nga sinasagot, break na agad nasa isip mo. Teka, kelan mo nga ba sasagutin?"

"Uhm. Di ko alam eh."

"Anong di mo alam?"

"I-enjoy ko muna panliligaw niya."

"Sus, Anika! Ano yan ha? Teenager lang? Huwag mo na patagalin. Tignan mo si Jp, ang tagal nanligaw sayo, ang ending break up din."

"Kailangan talaga ipangalandakan?"

Tapos, inirapan ko siya.

"Oops, peace Niks"

Tapos nag peace sign siya saken.

"Bakit, affected ka pa ba? I mean, matagal na yon. Tsaka, andiyan naman na si Marky eh. Hayaan mo na si Jp."

My Break Up StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon