Chapter 18: Throwback Thursday? ❤

233 12 0
                                    

(Play nyo yong Loveteam by itchyworms habang binabasa to..)

Anika's POV:

Hindi ako masyado nakatulog kagabi. Alam nyo na. Yong nag-propose si Marky na he likes ne daw at gusto niya ako ligawan. Dapat na ba akong kiligin? Tsk! Kahit through phone call lang yon, hmp! Puwede na rin.

Andito na ako sa building namin at papasok na sa office ng Audit. Mag-isa ko lang. Si Clarisse kase, may emergency daw kaya nagpunta sa pinsan niya, dito rin sa Qc.

Shocks. Makikita ko na pala si Marky. Bakit parang kinakabahan ako na nahihiya. Hay ano ba to? Feeling highschool lang ang peg. Tsk. Bahala na nga, makapasok na.

Papalapit na ako sa table ko ng may biglang tumunog na.. uhm sounds?

May nagmumusic siguro, napalakas lang, pero sino?

Napatingin ako sa paligid, teka asan sila? Ako palang andito? Sabagay, medyo maaga pa naman.

So, wala pa si Marky.

Napatigil ako sa paglalakad ng narinig ko yong familiar na lyrics ng kanta..

Di.. di naman talaga tayo magsinta..
Pero gusto nila.. kahit ayaw mo..
Bagay raw tayo..

Teka. Alam ko to ah?

Eto yong kinanta ni Marky noon sa videoke. Hmm. Naalala ko na naman. Tsk.

Di mo lang alam na nababaliw na ako sayo..
Di ko na yata kaya to..
Ang aking lihim na pakay..
Ay ang lahat ng ito'y gawing tunay..

Nakarating na ako sa table ko ng may makita akong starbucks coffee at may nakasulat pa na: "there's no amount of coffee that could make me stay awake like you do.. good morning parts ko.."

Waah! Bigla bumilis tibok ng puso ko.

So, andito na si Marky?

Napalingon ako sa table niya, wala siya, wala din sila Kevin.

Hanggang sa tumigil ang music. Pero, teka hindi pa tapos yong music eh. Bakit na-cut? Bakit tumigil?

Pero nagulat ako ng marinig ko boses ni Marky tapos kumakanta ulit.

Napatingin ako, galing siya ng mini pantry sa office.

Di.. di naman talaga tayo magsinta.
Pero, gusto nila..
Kahit ayaw mo, bagay raw tayo.

Tapos tumigil siya sa pagkanta.

At inabot saken ang 3 red roses na hawak niya.

"Tinawanan mo kase ako kagabi, sabi mo through call ako nanligaw kaya heto nag-effort ako. Sensya na, di masyado prepared. Na-surprise ka ba?"

Nag-smile nalang ako.

"Teka, asan sila?'

Tumingin ako sa paligid. Kami pa din lang ang tao.

"Andito kami!"

Nagsilabasan naman sila Kevin, Leo, Ruth, at Clarisse. Teka, andito din pala si Clarisse. Hay naku, kasabwat din nila.

"Teka, bat lumabas na kayo?"

Sabi naman ni Marky sakanila.

"Ahy, hindi pa ba kami lalabas?"

Sabi naman ni Kevin.

"Eh, hinanap kase kami ni Anika eh!"

Sabi naman ni Leo.

Ayon, tawanan tuloy.

Tapos, tumingin saken si Marky.

"Anika, gusto ko solo natin tong moment na to pag sinabi ko to, kaso nagsulputan na sila, kaya eto na. Sasabihin ko na para marinig din nila."

My Break Up StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon