Chapter 30: Happy Birthday Marky! ❤

50 3 4
                                    

Marky's POV

10 minutes before 5 pm. Time out na. Ok lang sana kung andito si Anika, masaya sana kase friday, puwede kami mag-mall o kaya kumain sa labas. Kaso wala eh. Ang boring ng weekend. Ang masaklap pa, birthday ko pa bukas. Mag shot nalang kaya kami nila Kevin at Leo?

Kring!!! Kring!!

Oops. Baka si Anika na tong tumatawag.

Tsk! Si Meriel lang pala.

"Oh??" Pabalang kong sabi sakaniya. Nadisappoint ako eh.

"Hmp! Why so sungit my dear brother?"

"Wala ako sa mood."

"Oooh.. why so highblood ba Kuya? Sabagay, tumatanda ka na that's why siguro ganyan ka."

"Di ako highblood. Ano ba sasabihin mo bat napatawag ka?"

"Here ako sa Sm North, puntahan mo ako dito." Pa-cute pa niyang sabi.

"At bakit naman kita pupuntahan diyan?"

"Eh kase birthday mo na bukas diba? Kaya gagala tayo. Treat mo ako. Please?"

"Wala ako pera." Dahilan ko lang.

"Sige na. Please. Pinuntahan na nga kita dito eh. Ako na nga nag-effort tapos di ka pa mag-tre2at. You can use my credit card naman eh if wala ka pera."

"Wow! So may credit card ka na pala ngayon. Sigurado bigay ni Dad diba? Huwag nalang."

"You're making tampo na naman eh. Huwag na madaming arte Kuya. Tara lets na. I'm so bored na here."

"Tsk. Okay. Wait mo ako diyan. Mag time out lang ako. Huwag pasaway ha?"

"Yes po.. Ingat ikaw. See yah!"

Tapos, in-end call na niya.

Okay na rin siguro to na lumabas kami ni Meriel. Para di ako ma depress dito kakaantay ng text ni Anika. 

*************************

Anika's POV

Andito ako saglit sa condo. Katatapos lang maligo. Maya maya punta na din ako sa condo ni Marky. Andun na din naman sila Clarisse and the rest of the group eh. 

Nag-aayos ako saglit. Eye liner at lipstick lang nilagay ko, ayos na to.

Suot ko ngayon yong personalize shirt na pinagawa nila Clarisse at Meriel. Oo, sila may idea nito. Wala ako kinalaman sa kakornihan at kabaduyan na to. Promise. Peace Cla and Meriel!

Ang nakalagay na print sa shirt? Kaluguran daka! (i love you in kapampangan) Oh diba?Sila nakaisip niyan. Pampanga Girls combined knowledge daw yan according to them. At dahil wala naman makakaintindi dito niyan sa Manila kaya napapayag na nila ako isuot yan. Sa back ng shirt siya naka-print.

White shirt at maong pants nalang suot ko.

Pero magsusuot pa pala ako ng jacket. Kase need ko pa takpan yong shirt para may thrill naman. Haha! Effort kung effort. Dibale, sa likod naman ang print.

1 message received:

From: Meriel

Hi Anika. Nagkausap na kami ni Kuya. I'm waiting na dito sa Sm North. Stroll lang kami dito. Coffee or maybe eat dinner? Uhm tama eat nalang siya dinner para pagdating diyan, yong dessert na agad agad. Excited for the cupcakes! Hehe. Basta, I'll update you pag uuwi na siya ng condo para makapag-ready kayo! 

Ayun, nagtext na si Meriel. Makapunta na nga lang ng condo. Baka ako pa ma-late. Hehe.

@ Marky's Condo:

My Break Up StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon