Chapter 15: He's back ❤

176 7 1
                                    

Nag leave ako sa work today. 3 days nalang, vacation na eh. Sayang yong leave ko kung di ko magamit.

Gusto nga din ni Clarisse mag leave eh kaso may kailangan pala siya tapusin na report. May mga bilin kase si Sir Greg eh.

Mag-isa ko nalang dito sa condo. Ayos ayos din ng gamit.

Malapit na nga pala ang Christmas. Wala pa ako gift kila mama at papa. Makapag-mall nga lang.

*********

Mall..

Andito na ako sa mall. Nakapamili na ako ng gift para kay Mama at kay Yaya Letty. Yong kay Daddy nalang at kay bunso. Mahirap kase mamili ng gift para sa lalake eh. Nagpunta ako sa penshoppe. Pili pili ng damit panlalake.

"Anika?"

May tumawag saken. Paglingon ko..

"Anthony?"

Oh no! Si Anthony.

"Kumusta? Sino kasama mo?"

Tanong niya.

"Uhm. Ako lang."

Tapos, umiwas ako ng tingin sakaniya.

"Puwede ba tayo mag-usap? Hmm. Starbucks? Tara?"

Nag-agree nalang ako.

Tingin ko nga, kailangan namin mag-usap.

Kahit sa lahat ng ex ko, magkaroon man lang ng closure tong kay Anthony. I mean yong magkausap ng personal. Yong matanong ko man lang siya kung ano ba talaga reason niya. Hindi yong break up over phone or email lang.

Starbucks..

Umorder kami ng frappe.

Coffee sana eh. Kaso bigla ko naalala si Marky. Oh my! Bakit bigla nalang siya sumasagi sa isip ko.

"Kumusta ka na?"

Tanong niya saken.

"Okay naman. Ikaw? Akala ko nasa Cebu ka?"

"Naka bakasyon na ako eh. Next year na balik ko sa work."

"Okay.."

Kanina ang dami ko gusto tanungin sakaniya. Pero ngayon, nag-uusap na kami, wala naman ako masabi.

Pinaglaruan ko nalang ang straw ng frappe ko.

Ano pa ba dapat ko sabihin?

Naputol ang pagmumuni muni ko ng nagsalita siya.

"I'm sorry.."

Mahinang sabi niya.

Napatingin ako sakaniya.

Siya naman umiwas ng tingin saken.

"Tell me.. may iba ka na ba kaya nakipag-break ka saken?"

Sa wakas, nakapagsalita din ako. Magkaalaman nalang.

"Anika..."

Tumingin ako sakaniya.

Silence.

Hindi na niya sinagot tanong ko.

Uminom nalang ako ng frappe at pinaglaruan ko nalang ulit yong straw na hawak ko.

Anthony de Vera.

2 months kami habang nasa Manila kami.

2 months kami habang nasa Cebu siya.

4 months naging kami. 4 months lang.

My Break Up StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon