Chapter 17: Call ❤

185 10 0
                                    

Marky's POV:

Wednesday na. Ang aga ko pumasok sa office. Gusto ko makausap si Anika. Kagabi ilang beses ako tumawag sa cellphone niya pero naka-off naman. Ano kaya nangyari doon?

Tatlong araw nalang, bakasyon na. Kailangan makaisip na ako ng the moves para makapagtapat sakanya.

Yes, totoo na to. I will court her.

At confirm, hindi sila nagkabalikan ng ex niya. Tinext saken ni Clarisse kagabi. Sabi ko sainyo eh, i have my ways.

Napatingin ako sa relo ko.

8:30 am na.

Wala pa ding Anika na dumating sa harap ko. Bakante pa din ang table niya.

"Oh, pare? Asan na si Anika?"

Napalingon ako kay Kevin.

"Akala ko ba magkausap kayo kagabi?"

Tanong pa niya.

"Yon nga pre eh, tinatawagan ko kagabi pero naka-off naman cellphone niya."

"Eh bakit di mo tanungin si Clarisse?"

Shit! Oo nga pala, nagtext pa saken si Clarisse nong cinonfirm niya na di sila nagkabalikan. Bakit di ko man lang siya natanong.

"Excuse me, narinig ko ata pangalan ko?"

Si Clarisse, nasa harap pala namin.

Pero, nadisappoint ako ng wala pa din si Anika. Akala ko kasama na niya.

"Hinahanap kase nitong si pareng Marky si Anika. Sabi ko tanungin ka niya."

Paliwanag naman ni Kevin.

"Well, hindi siya papasok."

"Ano? Bakit?"

Tanong ko.

"Ginagamit niya leave niya, year end na eh. Sayang din."

"Teka, papasok ba siya bukas? Umuwi na ba ng Pampanga? Bakit di ko siya makontak?"

Sabay tawanan naman ni Clarisse at Kevin.

"Relax dude!"

Natatawang sabi ni Kevin.

Pagtawanan ba ako.

"Marky, yong unang tanong mo.. yes, papasok ba siya bukas.. second, sa friday sabay kami uuwi ng Pampanga kaya aabsent ulit kami at third, hindi mo siya makontak kase tinapon ko yong simcard niya. Pero, dont worry, mamaya bibilhan ko siya ng new simcard at exclusive para sayo ang number na yon."

"Wow ha?"

Natatawang sabi ni Kevin.

"Shut up Kevin!"

Sabi ni Clarisse kay Kevin.

"Tinapon mo ang simcard niya? Bakit?"

Tanong ko naman.

"Puwede ba Marky, matuwa ka nalang na tinapon ko yong sim card niya, para naman sa kapakanan mo yon. Tsaka hindi ka ba magpapasalamat? Yong new sim ni Anika, exclusive yon para sayo."

Nakangiting sabi ni Clarisse.

"Hmm.. okay, thank you talaga Clarisse."

"Oops. Ang dami mo ng favor saken, hindi ba dapat magpa-pizza ka man lang ngayon?"

Sabi ni Clarisse.

"Hay.. sabi na nga ba eh, may kapalit."

Sabat naman ni Kevin.

My Break Up StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon