Chapter 8: Saturday ❤

294 8 0
                                    

Saturday na at day off ko na. Linis linis din ng condo pag may time. Hehe. Nakakapanibago din si Clarisse. Ang sipag eh.

"Cla, ano lutuin natin for lunch?"

I asked Clarisse, 11 am na kase eh at medyo gutom na ako.

"Mag-corn beef na muna tayo, bawi ako pag dinner.."

Nakangiti pang sabi niya.

"Hmmm.. sige. Ano dinner natin? Mag grocery ba tayo?"

"Relax Anika..."

Sus. Etong si Cla talaga oh.. eh ang alam ko kailangan na din namin mag grocery eh. Wala na ata laman ref eh..

******

"Anikaaaaa!"

Nagising ako sa tawag ni Clarisse.

Ang ingay as usual. Lakas ng bunganga ng babaeng to.

Napatingin ako sa time.

3pm.

Tsk.

Kanina after namin mag lunch, nakatulog ako sa pagod.

Ang aga naman manggising ni Cla. Problema nito.

"Oh. Cla? Bakit?"

Naiinis kong sabi.

"Gising ka na.. mag-ayos ka na diyan!"

Huh?

"Ano meron?"

"Uhm. May bisita tayo maya. Dali na. Go ka na sa banyo.. shower na!"

"Sino ba yan?"

"Malalaman mo din maya.."

"Eh di ikaw mag-ayos. I dont care sa  hitsura ko. Sino ba yan? Manliligaw mo?"

"Haha. Nika, nagpapatawa ka! May boyfriend kaya ako. Duh?"

"Yeah, right! Hmp!"

May boyfriend nga siya. College boyfriend niya. Long distance ang relationship nila. Nasa US yong BF niya. Pero, okay naman sila unlike sa experience ko. Going strong naman sila.

Makaligo na nga lang. Sino kaya ang bisita. Hmp.

Baka naman dumating boyfriend niya? Tsk.

Sino pa bibisita? Hmm..

Nag shower ako saglit.

Nagbihis lang ako. Shirt na pink tapos maong na shorts. Wala naman ako paki sa bisita eh.

"Nika, mag powder ka tas lipstick.."

"Okay ka lang? Nasa bahay lang naman tayo Cla eh!"

Tapos nag pout siya. Tsk. Hindi nakakatuwa eto. Hmp.

"Eh basta. Oh eto na ang powder.."

Abot niya saken.

Aba. Todo effort ang bruha. Bakit kaya?

Bigla nalang nag ring ang phone ni Clarisse..

"Hello.. oh asan ka na? Ah sige wait lang.."

Sabi niya doon sa kausap niya sa phone.

"Halika na niks."

Tawag pa niya saken.

Nagpunta kami sa living room at pagbukas ng pinto..

Tadaaah!!! Si.... MARKY?

*******

Clarisse's POV:

My Break Up StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon