Chapter 21: Perfect Place ❤

192 8 0
                                    

The next day, pumasyal pa kami ng Burnham park ni Marky. Tumitingin kami ng mga souvenir stuffs para pampasalubong.

"Teka, asan na ba sila Clarisse? Akala ko, susunod siya dito?"

Tanong ko kay Marky.

Paano, ang aga aga ginising ako ni Cla, may sundo daw ako. Tapos, ayon pala si Marky. Mamamasyal daw kami. Nag-promise naman si Cla na susunod siya.

"Ayos lang yon para walang istorbo."

"Hay naku Marky Sarmiento! Huwag ka nga diyan!'

Tapos tinaasan ko siya ng kulay.

"Puwede naman sigurong parts nalang itawag mo saken? Kaysa kinu-complete mo pa pangalan ko?"

"Hmp! Marky Sarmiento!"

Pang-asar lang. Para di masyado halata na kinikilig ako sa parts churva na yon. Haha!

"Oh bakit? Anika Perez- Sarmiento?"

Tapos nag-smile pa tong lalakeng to!

Oh my! Anika Perez-Sarmiento daw oh!

What the? Oo na Marky! Ikaw na malakas makapagpa-kilig!

Inirapan ko na nga lang siya. Hmp!

"Oh easy lang parts ko! Maya mo na hanapin si Clarisse, lika sakay tayo sa may banka."

Tapos inaya niya ako doon sa may ilog sa burnham at sumakay kami ng boat. Ang cute nga ng boat. Swan siya. Oh! I'm loving Baguio City! Ang romantic pala dito eh.

Magkatabi kami sa boat.

"Anika.."

Tawag niya saken tapos hinawakan niya kamay ko.

Kuryente ulit. Oh em gee!

Hindi na ako nagsalita. Hindi na rin siya nagsalita. Nakatingin lang kami sa paligid. Para na ngang kami eh.

Waah! Aamin na ba ako? Shocks!

"Ang ganda dito noh? Ang peaceful, ang lamig. Ang ganda ng weather. Malayo sa usok at traffic sa Maynila."

Finally nagsalita na din ako para mabasag ang katahimikan.

"Oo nga eh. Pero kahit saan naman ang ganda basta ikaw ang kasama ko."

Banat naman niya.

"Alam mo tama nga si Kevin, ang keso mo Marky!"

Tapos nagtawanan kami.

"Dibale ng keso atleast mahal ka naman."

Lab dab. Lab dab.

"Lilipas din yan."

Nasabi ko nalang.

"Ikaw talaga mahilig kang mambara. Halika nga dito!"

Tapos sinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya. Tapos inakbayan niya ako. Hindi naman na ako komontra. Ganda kaya ng moment.

"Naririnig mo ba ang tibok ng puso ko? Ang sabi niya mahal ka daw niya at di na yan lilipas pa. I love you Ann ko."

Tapos hinalikan niya.... kamay ko..

Waaah! Kamay palang yan, kinukuryente na ako! Paano pa kung sa lips na? Teka teka ano ba tong iniisip ko? Haha!

"Anika?"

Tawag niya saken.

Hala nasobrahan ata ako sa pag-iimagine.

"Oh?"

My Break Up StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon