Chapter 10: Coffee ❤

219 9 0
                                    

The next day, na late ako ng gising. Paano, hindi ako nakatulog ng maayos. Kaya, heto puyat. Muntik na nga kami ma-late ni Cla, panay ang reklamo niya.

Palapit ako ng table ko, nakita ko na si Marky. Naka-smile saken. Shocks. Bakit ba ang gwapo niya?

Lab dab. Lab dab.

Bumilis tibok ng puso ko. Bakit kaya? One of this days, papacheck up na talaga ako. Huhu.

"Good morning ann.."

Bati niya sakin.

"Morning din."

Tapos umupo na ako sa upuan ko.

"Huwag muna mag-selfie ha?"

Tumaas kilay ko. Naalala ko yong nag-photo bomber siya.

"Mr. Marky Sarmiento, may kasalanan ka pa sakin. Hmp! Photo bomber!"

Natawa naman siya.

"Ang cute mo talaga pag nagsusungit.."

Pakiramdam ko namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Buti nalang, nakatalikod na ako sakanya.

"Hindi ako cute, maganda ako!"

"Maganda nga, nadudulas naman. Wa poise.."

Tapos, natawa siya. Aba! Wala ako sa mood makipag-asaran dito. Kapag yon na ang topic, di ko na kinakaya sa sobrang kahihiyan.

"Whatever! Geh na trabaho ka na diyan."

Sinabi ko habang nakatalikod pa din sakanya.

"Coffee muna ako, inaantok ako eh. Timpla lang ako. Tara, kape tayo?"

"No, thanks."

"Tara na, para may kasama ako mag-coffee.."

"Hindi na. Ayoko."

"Okay."

At narinig ko ang paghakbang niya. Magtitimpla na siguro.

Ang totoo gusto ko din kaso nahihiya ako sakaniya. Slight. Medyo inaantok nga ako, napuyat ako kagabi at kasalanan niya yon. Hmp!

Maya maya, bumalik na siya. Ang bango ng kape. Naamoy ko. Kainis na Marky to eh!

Concentrate. Concentrate. Work. Work.

Hay.. inaantok pa din ako.

Tumayo ako. Nagpunta ako sa table ni Clarisse..

"Wow, anika! First time mo ata dumayo dito.."

Si Cla, ang ingay as usual.

"Huwag ka nga maingay Cla, marinig ka ni Sir Greg eh."

Pabulong ko na sabi.

"Eh himala kase, andito ka sa table ko. Miss mo ako?"

"Ah ano kase, inaantok ako. Tara sa canteen, coffee tayo.."

"Sorry Nika, tambak ako eh. May tinatapos ako na report, pass ko kay Sir Greg eh. Deadline eto ngayon.."

"Uhm. Okay.."

"Bakit ka ba kase inaantok?"

"Ah, wala lang Cla, sige na tapusin mo na yang report mo. Balik table na ako."

"Okay nika. Maya na tayo magchikahan. Punta ako table mo pagkatapos ko dito."

Bumalik nalang ako table ko.

Work. Work. Work.

After 1 hour..

"Excuse me po Miss Anika.."

My Break Up StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon