Chapter 31: YES! i ❤ u

55 4 3
                                    

1 hour to go.. What to do??

"Anika? Okay ka lang? Sino nagtext?"

Waah.. eto na eh. Boses palang ni Marky, kinakabahan na ako. Paano pa kaya maya?

"Uhm.. Si Clarisse. Nasa cafeteria daw siya sa baba. Nagkakape saglit."

"Oh? Bakit hindi nalang dito siya nagkape?"

"Ah.. Ka-skype niya kase lalabs niya eh. Alam mo na privacy.."

Galing ko na rin magpalusot noh? Haha.

"Eh tayo kaya, kelan tayo magiging mag-lalabs?"

Sabay kindat pa nitong si Marky. Ang gwapo lang niya eh.

Sabihin ko kayang ngayon na. Puwedeng pewede na. Huwag na natin antayin ang 12 midnight.

"Oh? Bat di ka makasagot? Tagal ko na nanliligaw eh.."

Pa-cute pa nitong sabi.

"I love you Anika.."

What to say? Haha.

Pag mga ganitong eksena.. gusto ko nalang bumigay eh.. Yakapin siya.. halikan siya at sabihing mahal ko na rin siya..

"Inom tayo ng wine?"

Yon nalang nasabi ko.

Sorry naman.

Huwag niya kase sirain ang surprise ko. Mamaya pa yon eh! Huwag excited Marky!

"Iniiba mo naman usapan eh.."

Sabi pa niya.

"Eh kase di man lang tayo nakainom kanina.. di man lang nagalaw nila Kevin to eh. Sayang naman.."

"Oh siya. Sige. Inom tayo.."

Umupo kami sa may dining table habang umiinom ng wine.

"Kelan ka pa nandito sa QC?"

Tanong niya..

"Yong totoo.. di naman talaga ako umuwi ng Pampanga."

"Ano? Eh anong ginawa mo sa 2 days na absent ka?"

"Hindi pa ba obvious Mr. Marky Sarmiento kung ano pinagkaabalahan ko ng dalawang araw? Ayan na nga oh.. napunta na lahat sa tiyan mo kase kinain mo na mga pinaghanda ko!"

Nakakainis.. epic fail ba? Di man lang ba niya gets na pinaghandaan ko surprise ko sakaniya? Tatanong tanong pa siya kung ano ginawa ko sa 2 days. Hello.. nag grocery ng mga ingredients. Nagprepare. Nagdesign ng tarpaulin at kung ano ano pa. Tsk.

"Sorry naman.. I mean bakit ka pa umabsent ng 2 days para sa surprise mo saken? Ikaw ha? Mahal mo na din ako noh kaya gingawa mo to?"

"So what? Di mo naman yata na-appreciate!"

Eh paano kase.. nakakainis na siya..

"Nagtatampo ang parts ko. Siyempre naman na-appreciate ko.. Pero, teka.. mahal mo na rin ba ako?"

Silence..

Tingin sa relo.

11:20 pm.

Why oh why? Kung late ka na sa trabaho ang bilis ng oras.. pero ngayon naman, ang bagal.

"Anika?"

Napatingin ako sakaniya.

"I love you.."

Sabay sabi niya.

Putek naman oh.. isa pa Marky, sige aamin na ako.

Eh pero teka. Dapat nga memorable diba? Huwag muna. Konting minuto nalang eh. Huwag excited! Kase ako rin eh excited na talaga! Haha.

My Break Up StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon