a/n: Jena's story is just gonna be short and sweet. Pilitin ko na hanggang 30 max chaps lang. Fingers crossed. I want to know your feedback regarding their story. Kaya sana, magcomment kayo or you can message me here, or in FB (kahit hindi masyadong active). Enjoy. Godbless.





                  

MLC: Chapter 2


Jena's POV

"Don't worry, Mr. Romualdez, everything will go smoothly on Friday. We want to uphold to our  company's name." Gosh, hindi ko akalain na mas enjoy pala ang part time jobs ko noong college kaysa sa isang permanent job pero ganito naman kastressful.

"Sorry about that. Strawberry milkshake, Hans. Pa-add na rin ng extra sugar. Alam mo namang may topak ang tastebuds ko."

"Tastebuds daw. Kulang lang sa halik 'yang labi mo." Sabay hampas ko sa kaniya ng bear cookie. "Idadagdag ko 'yan sa inorder mo ha. Hindi ko na mabebenta 'yan. Tingnan mo nga oh. Durog na. Tsk." Kakamot-kamot ulo na sabi niya habang tinitipa ang inorder ko sa computer.

"Isusumbong kita sa BIR, saka sa labor department at kung saan-saan pa. Sasabihin ko, nanlalamang ka ng kapwa."

"Hoy, sinira mo naman talaga 'yan e." Akmang ibabato ko na sa kaniya 'yung isa pang owl cookie kaya naman napatago siya sa likod ng computer. "Manang-mana ka sa bestfriend mong sadista."

"Speaking of the witch, lulunurin ko talaga 'yun pag-uwi niya."

"Ang bitter mo talaga. Humanap ka na rin kasi ng isasakal sa'yo." Uhaw na uhaw na ako kaya naman pag-abot niya ng venti, humigop agad ako. Wow. Nakakarefresh talaga after a very stressful day.

"Mind you, Hans na mukhang stripper, may boyfriend ako noh. And he's currently in Tagaytay for some site inspection."

"Woah, sino? 'Yung architect na manyak?"

"Hoy, hindi manyak si Elvis noh."

"Ow, sorry, rock en roll maniac." Sabay tawa ng malakas. Pasalamat talaga siya nanghihinayang akong ibuhos sa kaniya 'tong venti ko. Naku, Lord, ilayo niyo po ako sa lalaking 'to. "Uhm, Jena?" Buti na lang at hindi peak hour ngayon kaya pwede akong tumambay sa may counter. I miss my bed already. Kalian kaya ako makakatulog ng atleast 6 hours? "Uy, Jena?"

"Mang-iinis ka na naman?"

"Kumalma ka lang muna ha." May saltik talaga 'tong si Hans. "'Wag kang magsisira dito sa café ko ha."

"Ano akala mo sa akin? Kagaya ni Gab na apo yata sa talamapakan ni Gabriela Silang." I remember our college days, nung pinagtitripan pa siya nila Xavier. Those were the days na akala namin hindi na matatapos. 'Yung feeling na forever happy ang life. Kasi naman, we didn't expect the yappie life to be like this.

"Ililibre na lang kita ng isa pang venti pagkatapos nito."

"Ha? Ano na namang sapi mo?"

"Kasi--" bago pa siya makasagot, narinig ko na ang dalawang boses na papalapit sa pwesto ko.

"Green tea lang ako, sweetie. Alam mo naman, kailangan kong alagaan ang figure ko."

"Hindi mo naman kailangang gawin 'yun. Maganda ka pa rin kahit tumaba ka."

"iihh. Ikaw talaga."

"Hinding-hindi kita ipagpapalit."

"Promise?"

"Promise."

Misery loves companyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon