MLC: Chapter 5

Jena's POV

Parang nagslowmo ang paligid. Wala akong marinig na kahit ano matapos ipakilala ng magandang babaeng ito ang boyfriend niya. I don't know if I should continue staring at him or tear away my gaze and put up a happy face. Kasi ang hirap. Akala ko, kapag dumating ang panahon na magkikita ulit kami, wala na ang sakit, nakalimot na ako sa lahat at magagawa ko na siyang harapin na malinis ang konsensya ko. Pero hindi pala.

"Jena?" Napalingon ako kay Zeus at doon ko napansin na nakaabot na pala ang kamay sa akin ni Julius. "Everything okay?"

"O-Oo, nasilaw lang ako sa ilaw." Very lame excuse. E naka-dim nga lahat ng ilaw sa restaurant. Inabot ko ang kamay niyang nakalahad sa akin at parang may libo-libong boltahe ng kuryente ang dumalot mula roon. Mabilis rin akong napabitaw. "Kamusta?" Isang salita lang ang nasabi ko pero parang kinapos na ako ng hininga.

"Not good. Kung bakit ba naman kasi nagkasabay pang naisipang mag out of the country n'ong dalawa. Napilitan tuloy akong umuwi." Oo, napilitan lang. Kasi alam kong wala naman ng dahilan pa para bumalik ka dito 'di ba? "Ikaw? Kamusta?" Nagpapalit-palit siya ng tingin sa amin ni Zeus. "Are you two--" bago pa niya matapos ang tanong niya ay naunahan ko na siya.

"Kliyente ko. Zeus. Zeus, si Julius, college friend ko." Nagtanguan lang silang dalawa.

"Are we interrupting anything? I'm sorry to meet you without further notice. Magiging busy kasi kami for the next couple of days."

"Ayos lang." Napatingin ako kay Zeus, "Sorry. Ayos lang ba kung magdiscuss kami ng business over dinner?"

"Dont mind me." Matapos n'on, lumipat siya ng upuan para tumabi sa akin, kaya naman silang dalawa ang kaharap namin ngayon. Napakabait talaga ni Zeus, dahil ipinaghanda niya na rin ng pagkain ang dalawa. I mean, on the house na raw ang order naming lahat. Alam kong ako dapat ang gumagawa ng lahat ng 'to, pero mapilit talaga itong Greek God na 'to e. Pagbubutihin ko na lang ang birthday ng pamangkin niya bilang pambawi.

"Medyo marami kasing bisita, alam mo naman kapag associated kayo sa pulitika. I barely know half of the people on my Mom's guestlist."

"Naiintindihan ko. To be honest with you, hindi talaga kami tumatanggap ng events related sa politics. Not that we're isolating that part of the circle, pero like what you said, kumplikado ang politics. Kasama na rin diyan ang pag-iinsure na safe ang lugar at lalong-lalo ka na."

"About that, don't worry. My Dad got everything covered. And.." she stared at the eyes of the guy beside him. "Alam ko namang hindi ako pababayaan nitong si Julius. He's the best protector in the world. Right, babe?"

Kitang-kita mo 'yung love sa mga mata nila. Hinding-hindi mo mapapagkaila 'yung familiarity sa kanilang dalawa. "Oo naman. I will be beside you 'till the very end of the event." Ako na mismo ang nagbawi ng tingin ko sa kanila. How can I even stand a second in front of them? Ganito na ba talaga ako ka-masokista? That this extreme pain I'm feeling can be pacified just by tearing of my gaze from them?

"So, ano pa ba ang concerns mo sa event?"

"Well, ayoko lang ng maraming mga glitters or shiny things aside from me. Kung hindi nga lang dahil kay Mom, hindi rin ako papayag na gawin niyang shining ball gown ang suot ko. I just thank God na napilit ko siyang makipagcompromise sa akin na I'll wear what she likes, but I'll decide on the decors."

"So it's not the fairytale-like event."

"Oh, no! Definitely not."

"You used to love fairytales."

Misery loves companyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon