MLC: Chapter 1
Jena's POV
"Ano? Mageextend ka pa ng isang buwan d'yan? Gab naman, ilang buwan ka ng naka-honeymoon leave. Baka naman pwedeng umuwi ka na dito?"
(Ang bitter mo talaga noh? Palibhasa kasi, walang lovelife kaya nagmamaasim. Tigil-tigilan mo ko Jena. Minsan lang akong ikasal kaya--)
"Anong minsan? Baka nakakalimutan mong pangalawang kasal n'yo na ni Xavier. At mahigit isang buwan ka ng wala sa kumpanya. Baka gusto mong tanggalin na kita ng tuluyan?" Halos magmakaawa na ko sa bestfriend kong umuwi mula sa Caribbean honeymoon cruise nila. Ang usapan namin, 1 month lang, e mukhang gusto pang gawing 2 months para makapag European Tour naman ang mag-asawa. And to think na CEO s'ya at COO lang ako. Argh! Gaby. Humanda ka talaga sa akin pag uwi mo.
(You can't fire me Jena. You love me too much to do that. Saka, one more month na lang naman. Para magkainaanak ka na pag-uwi namin. Pasalubong ko sa'yo. Haha.)
"Kadiri ka. Pinopollute mo ang virgin mind ko. S'ya, pag-uwi mo dito, wala ka ng trabahong aabutan!!" At saka ko malakas na binato ang cellphone. Syempre joke lang. Ang mahal kaya ng phone ngayon. Ang dami ko ng pwedeng bilhin dito.
Wala naman akong magagawa kung magpupumilit pa kong pauwiin sila Gab at Xavier dito sa Pinas, ako pa rin naman ang haharap sa mga kliyente kaya naman I started scanning through my files. Ang daming pending projects, nakakapagod pero masaya, dahil nalilibang ako, at the same time, kumikita rin. Natutustusan ko na ang pag-aaral ng mga kapatid ko. Kita ko palang dito sa kumpanya namin ni Gab, ay sapat na para buhayin ang pamilya ko.
*knock-knock*
Napatungo ako sa taong nakasilip sa pintuan ng opisina ko. Argh! S'ya na naman.
"Sweety, baka gusto mong kumain muna?"
"I'm not hungry."
"E kung manuod muna tayo ng sine?"
"I'm busy." Ibinalik ko ang atensiyon ko sa folder na hawak ko samantalang s'ya naman ay umupo sa harap ng table ko.
"Uhm, e kung magplan na lang tayo ng out of town this weekend? Sounds great right?" I know him too well. I know he's been playing around behind my back, pero hindi ko na lang muna sinisita hanggat hindi ko nakikita with my very own eyes. I've been a cry baby before, at ayoko ng bumalik sa panahong iyon. Masyado akong naging mahina at naging transparent sa mga nararamdaman ko kaya naman naging daan iyon para magtake advantage ang ibang tao. Been there done that.
"Sorry Elvis, pero like what I've said, I'm busy. Hindi pa rin makakauwi sila Gaby dahil extended ang vacation n'ya. Kaya pwede, next time ka na lang mag-aya."
"Hay, alam mo yang kaibigan mo, masyado kang inaalila." Napahinto ako sa paglipat ng pahina ng papeles na hawak ko. "Hindi ka man lang niya inisip na mag-isang humaharap sa mga problema sa kumpanya. Samantalang s'ya, nagpapakasaya sa piling ng asawa nya." Nagpanting ang tenga ko sa sinabi nya. "Napakaselfish nya." That's it Elvis. You're done.
Dahan-dahan kong isinara ang folder at ibinaba sa lamesa. "Una, hindi kasalanan ni Gab na wala akong time sa'yo. Choice ko 'yun at hindi n'ya ko pinilit."
"B-Babe--"
"Pangalawa, choice ko rin naman ang magpakalunod sa trabaho. Kaya don't blame her dahil lang sa inayawan ko ang imbitasyon mong gumala."
"B-Babe, that's not what I mean. P-Pero kasi lagi ka nalang walang time sa akin. Ni hindi ko na matandaan kung kelan tayo huling lumabas. Kaya--"
Tok-tok
"Maam, may meeting po kayo in 5 minutes."
"Nakahanda na ba ang conference room?"
"Y-Yes Maam."
Tinanguan ko ang sekretarya ko bago ko sya minuwestrahang lumabas na.
"Last week. Saturday. 6pm."
"Ha?"
I immediately gathered my papers and laptop. "Jena, a-ano bang--"
"Can't remember? That's the last date na dapat meron tayo. Pero anong ginawa mo? You let me wait for 2 freaking hours--without even informing me--if the hell you'll come or not. Not even a single text, Elvis."
"I-Im--"
"It's okay." Napaawang yung bibig nya. Parang hindi makapaniwalang napatawad ko sya ng ganun kadali sa ginawa niya sakin. Ha. Sinong matinong tao ang matutuwang magmukhang tanga dun? "I'm used to it anyway." Siguro nga, ako lang.
Narinig ko pa syang tinawag ako bago ko tuluyang lisanin ang aking opisina. Pero hindi ko na sya pinansin. Marami akong mas importanteng bagay na dapat gawin, kaysa sa makipagtalakan sa kanya. Pasalamat nga sya at nadadala nya pa ako sa mga bulaklak at chocolates nya. Pero konti na lang, mauumay na rin ako. Halata namang nakikipaglaro na lang din sya sakin e.
BINABASA MO ANG
Misery loves company
Teen FictionMisery loves company Sabi nila, kapag tinamaan ka daw ni Kupido, mahirap ng kumawala. Na kahit na anong layo mo, babalik at babalik ka pa rin sa taong pinama rin ni Kupido. So, instead of pulling apart, you stayed close to him, and remained around h...