a/n:  Yay for another update!!!


Chapter 7

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 7

"Olga, please fill me in with more details." Grabeng multi tasking na 'to. Habang nag-sascan ako ng requests ng mga clients sa email, nagdidiscuss naman ang sekretarya ko ng mga progress sa ongoing events namin na nakalatag.

"Naayos ko na 'yung stage design para sa mga 1st birthday ni Hezikaiah."

"Good. Did you make sure na vibrant colors at hindi patay na kulay ang ilalagay nila?"

"I did. Dinouble check ko na rin 'yung booking kila Troy. Nagtaka nga bakit daw meron pang ibang photographer e."

"That's not his business anymore. Request mismo ni Zeus 'yun."

"Ayiee."

Napasilip ako sa likod ng desktop ko sa panunukso ng secretary ako. "Ano na naman 'yan?"

"Wala naman Ma'am. 2 days na lang kasi, malaya na kayong--"

"Hep." I held my hand out to shut her up. "Trabaho. Oras ng trabaho. Okay?"

"Okay. Okay." Napailing na lang ako sa kaniya. "Yung kay Miss Prieto," saglit akong napahinto sa pagtipa sa keyboard.

"What about it?"

"Tumawag 'yung Nanay kanina. Kung pwede raw na gawing sparkly ang venue."

"Pinaliwanag mo ba ang napag-usapan namin ng anak niya?"

Mula sa peripheral vision ko, nakita ko siyang tumango. "Mas bagay daw kasi sa unica ija nila ang makinang. Sinabi ko na lang na i-coconsult ko ulit sa iyo, pero mapilit talaga Ma'am." Napahawak ako sa sintido ko. Sabi ko na nga ba't sakit ng ulo ang mga politikong iyon.

"As expected, everything is just to show off. Hindi ko siya pwedeng sundin dahil si Keira Prieto, at hindi si Yolanda Prieto ang kausap ko." Hindi ko pa nga naitanong sa kaniya kung sino ang nag-recommend ng Candid Moments sa kanila. I should take note to ask her that the next time we meet. Pero, I want to minimize our meetings as much as possible. Dahil sa mga nangyari kahapon, hindi ko na alam kung paanong haharapin ulit si Julius. Halos hindi ako makatulog kagabi. I don't even know how the hell was I able to drive home safe after leaving the bar. Hindi ko kayang balikan ang mga nangyari noon.

Mabuti na lang at hindi niya alam ang number ko. I don't think I'm ready to talk about anything. The past, the present, or even his girlfriend's birthday. He's my almost lover, and I'm not that brave enough to see them on the very moment I envisioned myself with him.

"So we have 5 events, atleast for October right? At 'yung sa mga Charleston ay para sa end of September."

"I'll keep track of every single detail for the Marasigan's. Maghands-on ka na lang sa mga Charleston." Sinamahan pa niya ng pataas-baba ng kilay. Sinabi ko na nga ba't nagkamali ako ng hi-nire na mga tao. "I-push mo na lang 'yan lovelife mo sa Greek God na 'yun."

Misery loves companyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon