a/n: Sino sa inyo ang may piercing sa tenga? Message me. May itatanong lang ako. :) And how are you guys? i know, matagal ang update, but please bear with me. Madami lang talaga akong inaasikaso. So here it is. Chapter 9. Enjoy.


Chapter 9

"A-Anong ginagawa mo dito, Zeus?" I don't know, kung tatayo ba ako, o mananatili na lang sa kinauupuan ko sa takot na baka mangatog lang ang tuhod ko kung gagawin ko iyon. "Olga?"

"Siya 'yung bago nating photographer, Maam." Aapela pa sana ako, pero mabilis niyang naisara ang pinto.

"You're supposed to be in Canada, right?"

Prente siyang umupo sa upuan sa harap ng table ko. All smiles pa ang loko na parang walang ginawang kung anong wirdong bagay. "I'm done with my residency."

"What about your specialization?" Naging makulit ang mga mata ko. Hindi ko magawang tumitig sa kaniya. Gosh, para naman ako nitong highschooler na kaharap ang crush.

"That wont be until next year." Dahan-dahan akong humigop ng kape. Susko, pakiramdam ko, aatakahin ako bigla. "Why does it sound like you don't like me?" Oh, you don't anything, Zues. "Here." My heart almost jumped out of my ribcage. "I brought my portfolio. I only had some units for photography. Pero, I'm confident that I can do the job, Ma'am."

Ma'am? Teacher? Nanay? Matanda? Naku naman, Lord.

Kunwari lang akong nagscan sa portfolio niya. Pero hindi ko naman talaga halos maintindihan ang mga kuha. Nagblur bigla ang paningin ko sa amoy niya. I really need to know what perfume he uses. "Calvin Klein."

"H-Ha?"

"My perfume. Calvin Klein." Nang makita ko ang nakakaloko niyang ngiti, doon ko na napagtantong I said my thoughts out loud. "Wait, does it bother you? Do you want me to change it? No scent policy ba dito?" Biglang napalitan ng pag-aalala ang mukha niya. Inamoy-amoy niya rin ang sarili.

"N-No. It smells good, actually." Unang araw pa lang niya dito, ganito na ako kadistracted. How much more pa sa mga susunod na araw?

"So, am I qualified, Boss?" He said teasing. Hindi ko alam kung anong trip niya. Hindi niya kailangan ng pera, at kung trabaho bilang photographer naman, alam kong marami silang kilalang mas established at kilalang events coordinator. Hindi ang maliit at nagsisimulang business na gaya namin ang pag-aaplayan niya. Then it hit me. Narinig niya siguro ang pag-uusap namin kahapon sa event. Well, hindi na ako magmamaarte. I know him. At alam kong professional naman siya. He saw how much I love and devote myself to this business. I just hope that everything turns out well for the both of us.

"Ma'am, tumawag po ulit ang mga Prieto." Great, just great. "Tinatanong kung pwede raw bang magpaappointment."

"Kelan? At saan naman daw?" I started scanning my schedule, baka sakaling maisingit ko. Sa ngayon, hindi pa rin ako sigurado sa event na 'yun. Pero kailangan kong tumupad. Hindi ko ugaling bumitaw sa isang kompromiso. I won't let him, be a hindrance to my business. Not now, not ever.

"Uhm, mamaya raw po sana." Nakagat-labing sabi ni Olga. "3 pm?"

"At talaga namang--- ugh," I looked at my watch and saw it's 10 am already. I still have to finish some end of the month reports. Ni hindi ko pa nga narereview ang ibang emails sa mga pending clients. Well, 1 week na lang rin kasi ang natitira for her event. Maayos na ang design for the venue. Kinakabahan lang ako sa magiging menu namin. For approval pa rin kasi ang pagkaing nakalista. Filipino and Japanese cuisines ang request nila. Kung hindi talaga sila nakapagdown na, hindi ako magdadalawang-isip na bitawan sila. "Saan daw?" Nakapikit kong tanong habang hilot-hilot ang aking sintido.

Misery loves companyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon