Chapter 10

Hindi pa kami nakakalayo sa mansion ng mga Prieto nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Ihinto mo muna, Zeus. Mahirap magdrive kung ganyan kalakas ang ulan at hangin. Delikado."

"Ayos ka lang ba talaga?" Nakadukdok ang ulo ko sa dalawang kamay ko habang pinapakiramdaman ang ulo ko. Mas lalo lang itong sumakit. Pakiramdam ko umiikot na rin ang paningin ko. I noticed his hands on my forehead. "Oh God, you're burning."

"Sinat lang siguro 'to. M-Mawawala rin 'to." Ayaw ko na sanang magsalita pa dahil lumalala lang ang pagkirot ng ulo ko. Pero ayoko namang mag-alala lalo si Zeus.

"Hindi tayo pwedeng byumahe ng ganito ang panahon. Mukhang hindi rin ito hihinto agad." Great. What a way to end this day. "Bumalik na lang tayo kila Keira. We can stay for the night."

"No!"

"Boss—" protesta niya.

"M-May malapit na Inn diyan. Paglagpas lang natin ng Elementary school, sa--sa kaliwa."

"Pero, I think mas malapit kung babalik na lang tayo--"

"Please," mabilis kong hinawakan ang kamay niyang nasa manibela nang those mapansin kong balak na niyang mag-drive pabalik. "Sa hotel na lang. I'll pay for the accommodation." Narinig ko siyang napamura ng mahina. Hindi ko akalaing makakarinig ako ng ganoong salita mula sa kaniya. He always seems composed and perfect. Tipong hindi nagmumura. Gusto ko sana siyang biruin pero umiikot na talaga ang paningin ko.

Makalipas ang ilang minuto, napansin kong nasa Paradise Resort and Hotel na kami. Pati sa directions, ang galing niya talaga.

"Wait here. I'll get somebody with an umbrella to help us. Baka lalong lumala ang sakit mo kapag nabasa ka ng ulan." After another 3 minutes, nakita kong may dalawang lalaki siyang kasunod. How can this guy still look hot under the rain?

"Z-Zeus--"

"Mas mabilis kung bubuhatin kita. Please, 'wag ka munang makipagtalo ngayon." Bago pa ako makasagot, nabuhat na niya ako. The next thing I remember, I'm already lying down. Im hearing inaudible conversations, pero hindi ko na sinubukang magdilat pa. I slowly succumbed to the darkness.

"Ate, hindi ako makakauwi ngayon. We're safe. I just have to tend to her right now." Alam kong si Zeus iyon. Pero bakit s'ya nasa kwarto ko? "Tell Mom, I'll be back tomorrow, if the weather permits, and for her not to worry. Okay?" Dahan-dahan kong iniangat ang sarili ko mula sa kama para makaupo pero may kung anong bumagsak mula sa ulo ko. "I have to go." Mabilis niya akong nilapitan para i-check. "How are you feeling? Did I wake you up?"

"Anong oras na?"

"11:30. Gutom ka na?" Hihindi sana ako, pero naunahan ako ng sikmura ko. "Here. I ordered some soup for you. Kumain ka ng madami para makainom ka ng gamot."

"Ikaw?"

"I'm still full. I had some of the muffins from the car. I hope you don't mind, but I gave some to the guys who helped us in the car." Nahihiya niyang sabi matapos ilagay sa side table ang mangkok ng sopas.

"Ayos lang. Hindi rin naman natin mauubos lahat 'yon." Dahan-dahan akong sumubo. Bago ko pa man maisubo ang pangalawang kutsara, napaangat ako ng tingin sa kaniya. Tanging lampshade lang ang nakabukas, pero sapat na iyon para makita ko ang kabuuan ng mukha niya. And he's looking intently at me. I can't read his facial expression. He looks worried and mad at the same time.

Misery loves companyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon