Chapter 6

Hindi ko pa nakakausap si Gab tungkol sa mga nangyari. Hindi kami magsakto ng oras, pero alam kong alam na niya dahil kay Xavier. Mabuti na rin 'to, dahil ayokong ulanin ako ng mga tanong mula sa kaniya. Zeus didn't push the topic about him. Thank God. Dahil hindi ko rin naman alam kung paano ako magkukwento. He's my client. And it's not in my rule book to open up to clients. Not my personal life.

Hindi ako dapat nagkocomplain dahil sa sunod-sunod naming events, pero grabe, with this schedule, it wont be long before we hire some more people. Namomroblema pa rin ako sa photographer para kay Keira. Pero I have to follow my schedule. And Zeus' nephew is on top of my list now.

After 2 hours on the phone, saka ko lang naramdaman ang gutom.

"Ma'am?" Tawag ni Olga.

"30 minutes. Pagpahingahin mo lang ako ng kahit 30 minutes, okay? Bibili lang ako ng kwek-kwek sa labas." Tatayo na sana ako dala ang purse ko nang itaas niya ang isang box ng pizza. "Sinong nanlibre? Meron bang may birthday?"

"Pinadala po ni Mr. Charleston." Kinikilig pa niyang sabi bago ibaba sa desk ko ang mga dala. "Dumaan po siya kanina, pero may kausap po kayo sa telepono kaya hindi na po kayo pinaabala." Nilantakan ko na ang isang slice dahil hindi ko na talaga kaya ang gutom ko. "Nililigawan ba kayo ni Sir? 'Wag niyo ng pakawalan pa, Ma'am. Matabang isda na 'yun noh."

Muntik na akong mabulunan sa mga sinasabi nitong sekretarya ko. "Hindi ko siya manliligaw. Kliyente natin siya, Olga. Okay?" I made a mental note to send an email to him. Baka may kailangan siyang idagdag o ipabago sa birthday ng pamangkin niya.

"Tatlong araw na lang naman e."

"Hindi pa rin." I said as I finish my slice of pizza. "Hala, balik na sa trabaho." Naiiling kong sabi sa kaniya. "At hindi siya matabang isda. Ang macho kaya niya."

"Narinig ko 'yun." Sabay sara ng pinto. Hindi ko alam, pero mukhang may mga sayad yata ang empleyado ko.

Half day lang ako sa Candid Moments. Hindi pa rin ako pwedeng mawala as COO ng kumpanya namin ni Gab. Pasalamat na lang ako at hindi masyadong magulo sa kumpanya. I sent out 10 emails, and attended 2 meetings before the day finally ended.

This is my life. Surrounded with piles of paperworks, files, and events. How stressful can this be? Palabas na ako ng elevator nang mapahinto ako sa paghakbang.

"Oh, just in time." He said smugly. "You done?" Hindi ko nagawang sumagot, sa halip, napatango na lang ako. "Great. Care to join me for dinner?"

Before I know it, nagdadrive na ako kasunod ng lalaking pinipilit kong iwasan. The guy whom I thought would be my Prince, is now gone, and here, just a couple of meters away from me, is some stranger. Paano niya nagagawang makipag-usap na parang wala kaming pinag-daanan?

Huminto siya sa harap ng bar nila. Hindi pa 'to bukas ng ganitong oras, pero dahil isa siya sa mga boss, pwede siyang pumunta kahit na anong oras pa niya gustuhin. Habang papalapit kami sa VIP room, mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya, o kung paano ako magsisimulang makipag-usap.

Kamusta ang Japan?

Nakamove on ka na agad?

Bagay kayo ni Keira.

"Pasta lang ang napaluto ko. Ayos lang ba 'yun sa'yo? Pwede naman tayong magpadeliver if you want anything else."

"A-Ayos na ako d'on." Hindi naman siguro kami magtatagal 'di ba? Hindi ko rin alam kung kakayanin ng sikmura ko ang pagkain dahil sa pinaghalong kaba at hiya at kung ano-ano pa.

Misery loves companyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon