a/n: hi guys. sorry for the late update. just been very busy with work. How's your New Year? almost Valentines day na. Boys, nagiipon na ba ng tibay at lakas ng loob? Girls, ready for the flowers? Sa mga walang ka-Valentino/a, ayos lang 'yan. God is still preparing the "one" for you. leave some comment. I'll try to update IOIH and HMHE. No promises tho. :p
Chapter 12
"Jusmiyo, Jena, nalaman ko lang kay Mang Hener ang nangyari kay Jonah. Patawarin mo ako, anak, hindi na sana ako umalis kanina kung alam ko lang na--"
"Tita, wala ka pong kasalanan. Mga ganitong bagay ang hindi natin inaasahan." Hinawakan ko siya ng marahan sa kaniyang dalawang kamay. "Maayos na po siya ngayon. Kailangan niya lang po na bumalik sa ospital ng regular para matingnan ng mabuti."
"Salamat naman sa Diyos, kung gan'on. Naku kang bata ka, napasugod ka pa tuloy ng wala sa oras dito. Pati itong si—ano nga ba ulit ang pangalan mo, ijo?"
"Zeus po."
"Tita, doktor po pala si Kuya Zeus. Lahat ng mga nurse kanina sa ospital, nakatingin sa kaniya."
"Jonah." Pigil ko sa kapatid ko. Ako ang nahihiya sa kaniya e.
"Totoo naman ate e." Segunda naman ni Jean. "May girlfriend ka ba d'on kuya? Bakit gan'on na lang sila kung makatingin sa'yo? Parang ikaw ang pasyente, hindi si Jonah e."
"Jean!" Gustong-gusto kong patigilin sa pagsasalita ang dalawa kong kapatid, pero alam kong hindi sila papaawat. Hanggat hindi nila nakukuha ang gusto nilang sagot, hindi sila titigil. "Pasensya ka na Zeus, ha."
"No, that's okay." Lumapit siya sa kinauupuan nila Jean at Jonah at saka lumuhod para lumebel sa kanilang dalawa. I can't help but stare at this scene. He looks and sounds like a doctor. He's a very gentle and compassionate person. He's caring and I know he has the heart of a doctor. "Na-endorse ko na si Jonah kay Tito. Kailangan niya lang pumunta sa mga check-ups niya. You're a good boy kaya susunod ka sa mga ate mo, right?" Hinimas-himas niya ang ulo ni Jonah. Napakadaling mapalapit ng loob, lalo na ng mga bata sa kaniya. Nakakapagtaka tuloy, bakit hindi pa siya bumabalik sa Canada?
"Uhm, Tita, ayaw ko man pong umalis, pero alam niyo naman pong may trabaho ako sa Maynila."
Nakangiting tumango lang sa akin si Tita, "Heto po ang panggastos niyo dito."
"Naku kang bata ka. Ilang beses ko na sa'yong sinabing hindi mo na kailangang mag-abot. Pero--"
Pinagsalop ko ang mga kamay namin matapos kong iabot ang pera. "Kulang pa ho iyan sa pag-aalaga at pag-aasikaso niyo sa amin at lalo na sa mga kapatid ko." Alam kong kapos rin sa pera si Tita, at ayokong mas lalong makadagdag sa intindihin niya ang mga kapatid ko, kaya kahit na ilang beses niyang ibalik ang mga perang inaabot ko, sa huli, tinatanggap pa rin niya.
Matapos ang maraming paalala sa mga kapatid ko, tumulak na kami pabalik ng Maynila ni Zeus. Kahit na nahihiya ako sa laki ng abalang binibigay ko sa kaniya, hindi siya nagsawang iparamdam sa akin na wala lang sa kaniya iyon.
The days went like a blur. The day that I've been dreading the most finally came. I need to supervise this photoshoot, so I need to be there, as per client's request.
"Zeus, sa'yo ko na ipagkakatiwala ang lahat. Masyadong magaling ang pinalitan mong photographer, kaya mataas ang expectations ko sa'yo." Biro ko sa kaniya. Nagseset-up na siya ngayon ng mga gamit nya at laptop. Kasama pa rin namin ang ilan sa mga nag-aassist kila Troy and I'm not surprised at all nang makita kong nagkasundo agad sila ni Zeus.
BINABASA MO ANG
Misery loves company
Teen FictionMisery loves company Sabi nila, kapag tinamaan ka daw ni Kupido, mahirap ng kumawala. Na kahit na anong layo mo, babalik at babalik ka pa rin sa taong pinama rin ni Kupido. So, instead of pulling apart, you stayed close to him, and remained around h...