MLC: Chapter 3a/n: Hi guys and gals. Meet Zeus Elliot Charleston. Ang HAWT 'di ba? I just got a good feeling right now and I'm starting to fall in love with Jena's story. It's all done in my head, but I still have to type them all. Sana naman magustuhan niyo. Well, kahit nman hindi ayos lang. haha. I just love Jena's wittiness. And please, dont expect a happy ending. May mga nagsasabi kasing ung MTME, happy ending. Well, I intend to end it like that, but it may not be the same with the rest of my stories. We'll never know, right? Anyway. This girl is currently depress (self diagnosing) kaya heto ang result. Please leave some comments and feedbacks. Godbless
Jena's POV
"Have a seat." Nakakahiya. Pakiramdam ko alam niyang kanina ko pa siya tinititigan dahil napangiti na lang siya bago humigop sa inumin niya. "I hope you don't mind. Nauna na akong kumain dahil hindi pa ako nakakapaglunch."
"N-No. Ayos lang." Is all I can say. I tried to clear my mind off of his image. Pero ang hirap. Kagwapo naman kasi talaga nito."So, Mr. Charleston about doon sa--"
"Call me Zeus. Mr. Charleston is too formal. Magkaedad lang naman tayo. 23? 24?"
"22." Saglit lang ha. Kumalma ka naman, puso. Kakabreak mo lang 'di ba?
"Oh. I see." The way he eats that pasta, kung anoman ang tawag diyan sa putahe na 'yan, ugh, he doesn't even try to look hot. "What do you want to eat? Kumain muna siguro tayo bago natin pag-usapan ang event. You're not in a rush, are you?"
Actually, meron akong 4:30 appointment, pero, hindi naman gan'on kaimportante 'yun. So I guess, "Am not." I ordered carbonara and garlic finger. Ito lang kasi ang medyo medium ang presyo. Oo, ako pa rin ang kaibigan ni Gab na kuripot. Hindi naman kasi ibig sabihin na kumikita na ako ng malaki, magwawaldas na ako ng pera. May mga kapatid pa rin akong dapat tustusan sa pag-aaral. Hinuhulugan ko pa rin ang saksakyan ko. Mabuti na nga lang at malapit na akong matapos sa pagbabayad sa lupang binili ko para sa'min ng mga kapatid ko.
"You look young to be handling a business like this. You must really good."
"Ayoko namang magyabang Mr.Charle—I mean Zeus, pero mahal ko ang trabaho ko. Kaya siguro pursigido akong maging maayos ang mga events na hinahawakan namin."
"Nice. Kaya nga ako narefer sa inyo. One of your clients, the baby shower ng mga Hidalgo," sinubukan kong isipin kong kalian ko sila naging kliyente. That must be 3 weeks ago. "Sila ang nagsabing magaling nga raw kayo. So I trusted them, and here I am."
"Masaya akong pinagkakatiwalaan niyo ang kumpanya namin kahit na bago pa lang kami. And we promise you, that we'll do our best."
"Good. I'll give a good word to the rest of our friends. That's the best strategy. Word of the mouth."
Natumbok niya. Iyon naman kasi talaga ang balak namin. We don't spend too much time on advertising. We started accepting small events kagaya ng binyag, bridal shower, birthdays, debut, wedding. Name it. Nagawa na namin for a short time. We didn't have any ads up, or posters. Word of the mouth lang talaga. Kaya nga ganun na lang ako kahands-on sa mga clients ko. Not unless sobrang dami na talaga. Doon na pumapasok ang assistants ko.
Kahit na nawalan ako ng gana kanina dahil sa ex kong nuknukan sa pagkababaero, nagawa ko namang maubos ang inorder ko. Saying rin e. Hindi naman ako namumulot ng pera noh. "So, about the event, first birthday?"
"Oo. Here," sabay abot sa akin ng cellphone niya. "He's a very adorable kid. Everybody around him loves him. He's a bundle of joy to our family."
BINABASA MO ANG
Misery loves company
Teen FictionMisery loves company Sabi nila, kapag tinamaan ka daw ni Kupido, mahirap ng kumawala. Na kahit na anong layo mo, babalik at babalik ka pa rin sa taong pinama rin ni Kupido. So, instead of pulling apart, you stayed close to him, and remained around h...