MLC:

Chapter 4

Jena'sPOV

"Olga, anong sabi nung kliyenteng sinasabi mo kahapon? Na-verify mo ba?" Up 'till now, hesitant pa rin ako sa event na 'yun. As much as possible, ayokong kumuha ng events na may kinalaman sa politika. Simply because magulo at madrama sila. Pasosyalan ang mga tao, at dapat may security din. Hello? Hindi kasama sa services namin ang ganun noh. Wala pa ngang isang taon ang business ko. Hindi ko pa afford 'yun. Saka natatakot ako sa kung anu-anong naririnig ko. Kagaya na lang ng mga tinambangan sa isang party, or binaril bago pa man din makarating sa event. E paano kung, knock on wood, matyempuhan na 'yung event na inaassist namin ang magkaganun? Edi goodbye Philippines na ako. Hindi ko pa nga nararating ang Paris at Spain, madedeads na agad ako? Hindi naman yata patas 'yun.

"Ma'am, hindi raw po pala debut 'yun. 22nd birthday n'ong anak na babae. Pero marami raw po talaga aatend." Ano pa bang aasahan mo sa first family ng probinsya. Inaasahan ko nang susuot kami sa karayom sa event na 'to. Ang tanong pa pala e kung kaya ba ng pera ng kumpanyang i-sustain ang needs ng event na 'yun. "They want an appointment as soon as possible. 2 weeks na lang rin po kasi ang natitira bago ang birthday."

"Ano?!" Sinong baliw ang papayag sa ganiyan? Hindi biro ang isang simpleng party. How much more pa kaya ang isang engrandeng handaan? "No. I-cancel mo na."

"Pero Ma'am, kakadown lang po nila kanina."

"Ano!?" Mukhang mapapractice ang vocal cords ko ngayon araw na 'to a. "Tell me nagkamali ka lang ng banggit."

"E mukhang ayaw na po talaga tayong pakawalan ng client. Ikaw po talaga ang gusto."

Napahilot na lang ako sa sintido ko. Umagang-umaga naman, o. "Magkano?"

"P-Po?"

"Yung dineposit. Magkano?"

"150 po."

"A-" pinigilan ko na ang sarili ko bago na naman ako makasigaw. "Mahigit isang daang libong piso?"

"Opo."

I mentally check my schedule. Pati na rin ang account ng Candid Moments. 'Yan ang pangalan ng business ko. Sasakto naman ang pera namin kasama na 'yung 150. Depende na lang kung ano ang gustong gamitin ng anak ng Gobernador na iyon sa birthday niya. Ngayon pa lang, naiimagine ko na ang isang spoiled brat na babaeng mahilig sa pink with matching hearts and flowers on the side.

"Fine, make sure to make a preliminary meeting. I-send mo sa email ko agad para makagawa ako ng proposal. Atleast may masimulan na. 2weeks is not enough for a grand party."

"Iyon na nga ang sinabi ko sa kanila, Boss. Pero mapilit talaga. Malakas daw po ang tiwala nila sa atin."

"Talking about pressure." Ilang minuto pa kaming nag run down sa mga scheduled events bago tuluyang lumabas si Olga.

Hindi pa kami kumpleto sa staff kaya naman naghahire pa kami ng photographer or videographer kung minsan. Magastos, oo, pero no choice kami. Hanggat wala pa akong nahahanap na permanent, doon muna kami sa kakilala ni Hans.

Naalala ko na naman 'yung event sa Bulacan. Kailangan ko ng professional photographer doon. Baka ipakulong pa kami noon kapag hindi nagustuhan ng spoiled brat na 'yun ang mga kuha niya.

"Argh!" Napasabunot na lang ako sa inis. I was staring blankly at my converse shoes nang biglang kumatok si Olga. "Please, tell me it's not another client."

Misery loves companyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon